Swords 25:
"Anak ka ng tsokoy! Ang dami nila!" bulalas ni Bibi habang nakatingin sa mga lobo.
Hindi sila lalampas ng sampu. Ang laki ng mga katawan nito at pulang-pula rin ang kanilang mga mata na parang uhaw na uhaw habang nakatingin sa amin. Patay, magsisimula na nga ang katapusan naming lahat!
"Be alert. Hindi sila basta-bastang mga lobo," seryosong wika ni Amos habang nakatingin sa mga ito.
Agad naman naming kinuha ang mga gamit at naghanda sa pagtakbo.
Muling umalulong ang mga lobo at sa isang iglap lang ay bigla silang sumugod sa amin.
"Takbo!" sigaw ni Amos kaya sabay-sabay kaming walo na kumaripas ng takbo. Pero sadyang mabibilis ang mga lobo dahil nagawa nila kaming sabayan.
"Damn!" Agad pina-ulanan ng mga magic princes ng kanilang mga espada ang mga lobo.
Pinagbabato ni Amos ng yelo ang mga ito na agad namang kinuryente ni Deu. Ganoon din ang ginawa ni Titus at Zech sa iba pang mga lobo. Samantalang takbo lang kami nang takbo na magkakapatid habang hinaharang nila Amos ang mga ito.
"Ay, bwisit!" Napahinto kami sa pagtakbo nang may biglang humarang na lobo sa aming harapan.
Liliko na rin sana kami sa kaliwa at kanan pero napalibutan agad nila kami. Lintik! Mukhang mapapalaban na naman kami, ah!
"Nakaka-imbyerna naman! Umiiwas na nga ako sa laban pero nananadya naman 'tong mga bwisit na hayop na 'to!" nanggigigil na wika ni Bibi.
Nagdikit-dikit kaming tatlo at naghahanda sa pag-atake.
"OMG, sisteret, cute sana sila kaso scarding lang!" ani Mimi.
"Scary nga sabi!"
"Riri naman, e!"
"Gusto nilang mamatay? Sige, pagbigyan natin sila!" sabi ni Bibi at agad na umatake sa mga lobo.
Ganoon din ang ginawa namin. Bawat lobong umaatake sa akin ay pinauulanan ko ng mga batong nadadampot ko sa lupa. Siyempre, hindi madaling magpalabas ng apoy at espada lalo na't nakalimutan ko na kung paano ito palalabasin sa katawan ko. Hindi ako makapukos ngayon! Wala pa naman kaming training, e!
Kung bakit kasi nawala na ang punyal sa amin. Edi nganga na kami? Saka hindi na namin ito kayang kunin, dahil nakipag-isang dibdib na ito sa espada.
"Letse! Ang hirap pala talaga kapag nakalimutan mo na kung paano gagamitin ang magic!" bulalas ni Bibi.
"Wala tayong ibang magagawa kundi ang mano-manong patumbahin ang mga ito," tugon ni Riri.
Sunod-sunod ang mga lobong umatake sa amin kay lalo lang kaming nahirapang lumaban. Ang babangis ng mga ito at ang bibilis kumilos, lintik!
Kaya naman ay tumakbo na lamang ako at naghanap ng kahoy na maaring gamiting panang-gala.
Pero hindi pa man ako tuluyang nakakatakbo ay may lobong biglang umatake sa akin. Hindi ako nakaiwas dito kaya nahuli ako nito at inihinagis nang malakas, kaya naman tumama ako sa isang malaking bato. Namilipit ako sa sobrang sakit ng aking katawan. Bwisit! Pakiramdam ko ay nadurog ang lahat ng buto ko! Ang lakas ng pagkakabagsak sa akin, lintik!
"Shishi, sa likod mo!"
Umikot ako nang may isa na namang sumugod sa aking lobo. Tumayo rin kaagad ako at muling tumakbo palayo. Pero totoo nga pala talaga ang kasabihang 'wag tumakbo sa problema, dahil sa pangalawang pagkakataon ay muli na naman akong inatake ng lobo. Sa pagkakataong ito ay ibinalibag ako nito kaya tumalsik na naman ako sa lupa. Inapakan nito ang aking tiyan at hinawakan nang sobrang higpit sa balikat.
BINABASA MO ANG
MAJESTIC ACADEMY: The Elemental Swords ✔️
FantasíaSimula nang pumanaw ang kanilang lolo ay napunta sa pangangalaga ng kanilang tiyohin ang apat na magkakapatid. Ito rin ang siyang nagdala at nagpakilala sa kanila tungo sa mga hindi kapani-paniwalang mundo ng mahika. Isang mahika na tanging sa libro...