Swords 10:
"OMG, sisteret! May manliligaw ka na?" 'Yan ang bumungad sa akin pagkarating ko sa dorm.
"Ha? Wala ah," sabi ko at inilapag sa mesa ang bulaklak na hawak ko.
Nagsilapit naman sa akin sina Bibi at Mimi. "E, ano 'to?" turo nila sa bulaklak.
"Bulaklak?"
Napaikot sila ng mata. "Alam namin, baliw! Ang tanong ko ay kanino nanggaling 'to?"
"Pinitas ko 'yan sa may hardin, kaya kumalma na kayo. Wala akong manliligaw, maliwanag?" natatawang sambit ko. Inilibot ko ang paningin sa paligid. "Nasaan nga pala si Riri at si Jeni? Ba't wala pa sila?"
Nagkatinginan naman sila sabay kibit-balikat. "Ewan. Kanina pa nga sila wala, e."
"Saan nagpunta ang mga 'yon?" sabi ko sa sarili.
"Baka naman may ginawa lang? O, baka kum-"
"Sisteret!" Nabulabog kami sa isang kalabog mula sa pintuan. Pumasok mula rito ang hinihingal na si Riri.
Nagkatinginan tuloy kaming tatlo.
"O, Riri. Anong nangyari sa 'yo? Saan ka galing?" tanong ko.
Agad niya namang ni-lock ang pintuan at hinila kami sa isang sulok. Hala, anong mayro'n at parang pawis na pawis siya? May kalokohan ba siyang ginawa?
Tumingin siya sa mga mata namin isa-isa at huminga nang malalim.
"May sasabihin ako sa inyong tatlo," sabi niya.
Nagkatinginan kaming muli.
"Ano naman 'yon?" kunot-noong tanong ni Bibi.
"May nabasa ako tungkol sa telepathy," umpisa niya.
"Ano naman 'yong telepathy?" tanong ko.
"Ang telepathy ay isang paraan kung saan pwede tayong mag-usap sa utak. Pwede tayong mag-usap na hindi ginagamit ang bibig."
Nagkatinginan ulit kami ni Bibi at Mimi, animo'y nagtataka.
Telepathy? Pwedeng mag-usap sa utak? Magandang paraan iyon. Pero bakit?
Napakunot ang noo naming tatlo. "Oh, tapos?"
"Ano ba kayo! Kailangan natin 'yon lalo na sa mga gagawin natin. Malaking tulong 'yon."
"Anong gagawin namin?" nakangusong tanong ni Mimi na nagtataka.
"Ang kailangan nating gawin ay kunin ang libro mula kay Titus. Hawak niya ang libro para roon."
Napatitig na lang ako sa kanya. Hawak ni Titus ang libro? mahirap kunin 'yon lalo na't nasa kanya.
"E, paano naman natin makukuha ang libro, e, si Titus 'yon. Ang isa sa mga magic princes," kunot-noong saad ni Bibi.
Napabuntong-hininga si Riri, parang namomroblema. "Oo nga, e. Iyon lang ang problema, hindi natin alam kung paano makukuha ang libro sa kanya."
"Aha! Alam ko na!" Napalingon kami kay Mimi na biglang pumitik ng daliri sa ere at binigyan kami ng makahulugang ngisi sa labi.
"Paano kaya kung pasukin natin ang kwarto niya?" Nagtaas-baba ang kanyang kilay."O pwede ring kausapin natin siya tapos hiramin natin sa kanya?" seryosong dagdag ni Bibi.
"Hindi iyon papayag ng walang kondisyon," tugon ko naman.
Awtomatikong nawala ang ngisi sa labi ni Mimi. Nagsi-ungulan din silang lahat sa sinabi ko.
"Oo nga, e. Hindi pa natin sila kilala pero mukha pa lang, hindi na katiwa-tiwala," iritadong sambit ni Bibi.
BINABASA MO ANG
MAJESTIC ACADEMY: The Elemental Swords ✔️
FantasySimula nang pumanaw ang kanilang lolo ay napunta sa pangangalaga ng kanilang tiyohin ang apat na magkakapatid. Ito rin ang siyang nagdala at nagpakilala sa kanila tungo sa mga hindi kapani-paniwalang mundo ng mahika. Isang mahika na tanging sa libro...