Swords 16:
Nagising na lamang ako na puting kisame at pader ang nakikita. Napakunot ang noo ko.
Nasaan ako? Patay na ba ako? Kinabahan ako bigla.
Sinubukan kong gumalaw kaso biglang sumakit ang braso ko. At nang tignan ko ito ay nakabenda ito. Lintik, si Kristela pala ang may dahilan nito, e!
"Uy, girls, gising na siya!" Napalingon ako sa kaliwa kung saan nag-uunahan sa pagpasok ang mga baliw kong kaibigan at kapatid.
Mukha silang tanga na nagtutulakan palapit sa 'kin at hinawakan ako sa aking kamay, balikat at mukha.
"OMG, sisteret! Gising ka na!" bulalas ni Mimi na hinawakan ang aking pisngi tapos sinuri ang kabuuan ng mukha ko.
Inis na iwinaksi ko ang kanyang kamay at itinulak siya palayo. "Ano ba, Mimi. Para kang tanga," sabi ko.
"Sabihin mo, ikaw ba talaga si Shishi? Ang kapatid namin? Hindi ka ba ibang tao?" Kumunot ang noo ko. Mukhang baliw ito si Mimi. Talagang seryoso pa ang mukha niya, ah!
"Ah, hindi kita kilala. Sino ka ba? Sino ba si Shishi? Saka nasaan ako?" tanong ko at natawa naman silang lahat maliban kay Mimi na napanguso lang at binigyan ako ng masamang tingin. "Kahit kailan talaga, Mimi, baliw ka talaga!" natatawang saad ko pa.
"Kumusta na pakiramdam mo? May nararamdaman ka bang sakit sa katawan?" tanong naman ng nag-aalalang si Riri.
"Masakit iyong tagiliran ko. Iyong braso ko pati ang buong katawan ko. Lahat masakit."
"Pati puso ba masakit?" dagdag ni Abegail kaya natawa na lang ako.
"Baliw. Sandali lang, nasaan ba ako?" tanong ko at muling inilibot ang paningin sa paligid.
"Nandito ka sa clinic ng Academy," sagot naman ni Jeni.
Napatango na lang ako. "Akala ko patay na ako. Teka, ilang araw na ba akong tulog?"
"Isang araw na."
"Si Kristela? Kumusta na?"
Nagkanya-kanya silang iwas ng tingin na tila iniiwasan ang tanong ko, samantalang napa-irap lang si Bibi. "Ayun, sa awa ng Diyos gising na rin. Akala ko nga patay na. Dapat kasi tinuluyan mo na ang bruhildang iyon."
Agad naman siyang siniko ni Riri at sinamaan ng tingin. "Manahimik ka nga!"
Napa-irap lang ito saka nag-iwas ng tingin.
Napabuntong-hininga naman ako. Kapag naaalala ko ang mga nangyari ay parang nakokonsensya ako. Nasuntok ko siya sa mukha! Patay, paniguradong nagwawala na iyon ngayon dahil may malaki siyang pasa sa mukha. Baka isipin niya kasalanan ko ang lahat dahil ang pangit na ng hitsura niya.
"Kung iniisip mo ang kalagayan ni Kristela, 'wag kang mag-alala dahil alagang-alaga siya ng mga tao," sabi ni Eva na tila nabasa ang nasa isip ko.
"Pero infairness, girl. Natalo mo si Kristela! Hindi ko aakalaing magagawa mo 'yon! Akala talaga namin matatalo ka niya. 'Yon pala may itinatagong galing at tapang ka!" bulalas ni Jeni. Napangiti na lamang ako.
"Hay, naku! Sinabi ko na kasi sa inyo na 'wag niyong minamaliit ang kapatid ko. Pinapangunahan niyo kasi siya agad, e! Dina-down niyo pa. Oh, ano kayo ngayon? Nganga? Na-who you kayo!" tugon naman ni Bibi sa mga ito.
"Oo na, alam kong mali iyong mga sinabi namin kaya sorry, Shishi."
"Ayos lang. Hindi ko naman dinidibdib ang mga sinabi niyo, e," sagot ko sabay ngiti.
"Teka lang, paano pala kayo natutong makipaglaban? Ibang klase iyong lakas na ipinakita ni Shishi, ah?" puna ni Brae.
Inakbayan ako bigla ni Mimi sabay ngisi sa mga ito.
"Alam niyo kasi ang totoo n'yan, hindi pa iyon ang tunay na lakas ni Shishi. May mas ibubuga pa siya," pagmamalaki ni Mimi kaya tinampal ko agad ang kanyang braso. Napa-aray naman siya sabay nguso.
BINABASA MO ANG
MAJESTIC ACADEMY: The Elemental Swords ✔️
FantasySimula nang pumanaw ang kanilang lolo ay napunta sa pangangalaga ng kanilang tiyohin ang apat na magkakapatid. Ito rin ang siyang nagdala at nagpakilala sa kanila tungo sa mga hindi kapani-paniwalang mundo ng mahika. Isang mahika na tanging sa libro...