Swords 26:
Pagkatapos ng napakahabang paglalakbay ay narating din namin ang aming destinasyon. Nasa Benham na kami!
Pero imbis na matuwa ay kinakabahan ako. Hanggang ngayon kasi ay nakasunod pa rin sa amin iyong isang lalaki. Ang sama ang pakiramdam ko sa kanya. Tila napapansin din iyon ng iba ko pang kasama, pero nanatili lang din silang tahimik at alerto.
Wala kaming masakyan, kaya naglakad na naman kami papunta sa bundok kung saan mahahanap ang bahay ni Laksimori.
Halos apat na oras ang nilakad namin paakyat ng bundok, kaya pagod na pagod na kami. Mabuti na lamang at may dala kaming pagkain at tubig kaya 'di na kami nanghihina. Mabuti na lang din dahil hindi pa kami inaatake ng lalaking kanina pa nakasunod. Baka naghihintay lang siya ng tamang tiyempo, kaya kailangan ko na rin maging handa.
"Grabe, ang gwapo ko talaga!" biglang anas ni Zech habang nakangisi sa gitna ng katahimikang bumabalot sa paligid.
"At saang banda ka naman naging gwapo?" mataray na tanong pa ni Bibi.
"Babyloves, kahit saang angulo mo tingnan, napakagwapo ko pa rin. Kita mo nga, pati mga lalaki ay nahuhumaling sa akin. Hindi pa siya nakontento, talagang sinundan niya pa ako hanggang dito dahil hindi raw mabubuo ang kanyang araw hangga't hindi nasisilayan ang kagwapuhan ko."
Natawa lang kami sa kanyang sinabi habang umakto namang nasusuka si Titus, diring-diri sa sinabi ng kaibigan. Kumuha naman ng isang tipak ng kahoy si Bibi at itinutok kay Zech.
"Nakikita mo 'to? Kapag hindi ka pa tumigil sa kayabangan mo ay gagawin talaga kitang lechon at gagawing pananghalian ng lalaking sinasabi mong nahuhumaling sa 'yo!"
"Sus naman, babyloves. As if namang kaya mo akong saktan? 'Di ba nga mahal na mahal mo ako?"
"Tangina mo, pare, tumahimik ka nga riyan. Ang sakit mo na nga sa mata, ang sakit mo pa sa tainga! Total package ka talaga, takte," natatawang sambit ni Titus, kaya lalo lang kaming natawa.
"Ouch, dude! Wala namang ganyanan. Akala ko ba magkakampi tayo rito? Bakit parang tinatalikuran mo na ako?" Nag-drama na si Zech.
"Gago, kahit kailan ay hindi kita kakampihan. Tukmol!"
"Sandali, malayo pa ba tayo?" biglang tanong ni Riri.
"Oo," sagot ni Deu.
"Ilang lakad pa?" dagdag naman ni Mimi.
"Dunno."
"Malapit na ba?"
"'Di pa."
"Pwede magpahinga?"
"Magpaiwan ka na lang."
"Bakit ang layo pa natin?"
"Kasi hindi malapit."
"Malayo pa ulit?"
"Oo."
"Malapit na ba?"
"Sinabi nang hindi pa nga! Ang kulit mo!"
Napahawak naman sa dibdib si Mimi na animo'y nagulat sa pagsigaw nito. "Ay? Galit agad? Nagtatanong lang naman." Napanguso na lang ito pagkatapos, animo'y napapahiya o nagtatampo.
"Paulit-ulit 'yang tanong mo, e! Nakakairita na."
"Tahimik." Ikinumpas ni Amos ang kanyang kamay para patahimikin kaming lahat. Nagmasid siya sa paligid, tila may pinakikiramdaman.
Dahil doon ay nagmasid din ako. May kakaiba sa paligid. May hindi tama. Kakaiba ang simoy ng hangin. Pati ang galaw ng mga sanga at dahon ng mga naglalakihang puno ay kakaiba. Bigla ring nagsiliparan paalis ang mga ibon na tila natatakot sa lugar. Ang kanina'y maaliwalas na paligid ay unti-unting naglalaho. Napalunok l
na lang ako. Sabi na at may mangyayari talaga rito.
BINABASA MO ANG
MAJESTIC ACADEMY: The Elemental Swords ✔️
FantasySimula nang pumanaw ang kanilang lolo ay napunta sa pangangalaga ng kanilang tiyohin ang apat na magkakapatid. Ito rin ang siyang nagdala at nagpakilala sa kanila tungo sa mga hindi kapani-paniwalang mundo ng mahika. Isang mahika na tanging sa libro...