Swords 28:
Tatlong araw ang lumipas at walang oras o minuto'ng hindi kami nagti-training. Bukas na iyong Ranking Battle at usap-usapan na ito ngayon. Lalong-lalo na kami. Maraming nag-aabang kung paano kami makipaglaban.
Kaya heto ako ngayon, todo ensayo. Mabuti na lamang din at gumagaling na ako sa pagmamanipula ng aking kapangyarihan at espada. Nagpapasalamat ako sa nag-iisang masungit kong trainor na si Amos. Hindi niya na ako sinusungitan na siyang nakapagtataka pero nakatutuwa naman. Kapag nagkakamali ako ay hinahayaan niya lamang ako. Naalala ko tuloy iyong huling gabi na sabay kaming kumain. At ayoko nang maalala pa iyon dahil nakakahiya ang mga nangyari.
Si Laksimori ay pinapanood lamang kami minsan.
Noong una ay talagang pumapalpak ako sa pagbuo ng fireball ngunit ngayon, gamay ko na ito. Nakakagawa na rin ako ng ibang gamit katulad ng pana't palaso, punyal at iba pa. Pagdating naman sa espada ay nailalabas at nakokontrol ko na rin ito, pero may mga oras na nahihirapan ako. Ang importante ay nagagawa ko na itong kontrolin nang maayos.
Mas madali nga pala talagang magkontrol ng fire magic kaysa sa mga espada. Hindi kasi ito basta-basta, delikado.
Ngayon naman ay pinag-aaralan ko kung paano gamitin ang kapangyarihan ng espada. Pinag-aaralan ko kung paano mapapalakas ng espada ang fire magic ko.
"Okay, stop that."
Itinigil ko ang aking ginagawa at nilingon si Amos na lumapit sa akin. Isinuksok niya sa bulsa ang kanyang kamay at tinitingan ako.
"I must say na malaki ang naging improvements mo for the past few days," sabi nito saka ngumisi. "And since bukas na ang Ranking Battle ay kailangan mong ipakita sa akin na handa ka na."
Naikunot ko naman ang noo ko. "Anong gagawin ko?"
Lalong lumawak ang kanyang ngisi na siyang ikinabahala ko. Kilala ko ang ngising niyang iyan, may binabalak siya.
"Fight me."
Napaawang ang labi ko sa kanyang sinabi. "Ha?"
"Let's have a fight, Atisha."
Lalo lang akong nagulat. "A-ano? Nagbibiro ka ba?"
Fight him? Pero hindi ko siya kayang labanan! Natatakot akong masaktan siya! Bwisit. Sinabi ko na nga ba't may binabalak siya, e.
"Who says I'm kidding?"
"P-pero—"
"Now is the time for you to prove to me na kaya mo na ngang lumaban para bukas. Kaya humanda ka na."
Magsasalita pa sana ako nang umatras siya papalayo sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako. Ayoko siyang labanan pero kilala ko siya, lagi niyang ipinagpipilitan ang gusto niya. Kinakabahan ako.
"Atisha, gamitin mo ang lahat ng natutunan mo mula sa akin," sigaw niya mula sa malayo.
Lalo lang akong kinabahan dahil do'n.
"P-pero, Amos, hindi ko ka—"
"Be ready, Atisha! Sisimulan ko na!"
"T-teka, sandali la—"
Wala na akong nagawa nang bigla siyang maglabas ng ice arrow at pinagbabato ako. Letse! Balak ba akong patayin nito? Kung hindi lang mabilis ang paningin ko at kung hindi lang ako nakailag ay malamang tinamaan na ako sa puso no'n! At kapag tinamaan ako ay malamang katapusan na ng buhay ko. Lintik naman itong si Amos! Hindi man lang ako binigyan ng babala! Talagang basta-basta na lang siyang umaatake, 'no?
Sunod-sunod ang ice arrow na pinapakawalan niya at palaki ito nang palaki kaya walang akong ibang magawa kundi ang umilag nang umilag. Nanggigigil talaga ako sa cold boy na 'to! Mukhang papatayin niya yata ako!
BINABASA MO ANG
MAJESTIC ACADEMY: The Elemental Swords ✔️
FantasíaSimula nang pumanaw ang kanilang lolo ay napunta sa pangangalaga ng kanilang tiyohin ang apat na magkakapatid. Ito rin ang siyang nagdala at nagpakilala sa kanila tungo sa mga hindi kapani-paniwalang mundo ng mahika. Isang mahika na tanging sa libro...