Swords 48: The heartbreak decision

827 64 8
                                    

Swords 48:

Tatlong araw na ang nakalilipas at mas lalong lumalala ang sitwasyon sa buong Centro. Maraming bayan ang winasak ni Denun na dumaranas na ngayon ng matinding crisis. Kahapon ay nagkaroon ng pagpupulong ang mga gobernador. Nagtatalo-talo na ang lahat kung paano mapapabagsak si Denun at kung paano masusolusyonan ang problema.

Maraming mga namatay na mamamayan at maraming pamilya ang nagluluksa't naghihinagpis sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay. Sira-sira na rin ang mga iprastraktura at halos naging kalbo ang mga bayan. Ang kalangitan ay tila nababalutan na ng dilim. Kahit may araw at tanghaling tapat ay tila naging makulimlim ito. Sa madaling salita, nagluluksa na rin ang kalangitan sa mga nangyayari. Muli, dahil na naman kay Denun.

Kaming walo ay halos hindi na makatulog nang maayos dahil sa pagtulong. Pagod na pagod kami pero hindi kami sumusuko. Ito namang si Denun ay lalo kaming ginugulo. Lagi niya kaming binabantaan at pinipilit na sumuko.

Hindi kami papayag na magwagi siya sa kanyang balak. Hindi pwede. Hindi ako papayag na mabuhay si Dreven!

Lalong malalagay sa alanganin ang mundo kapag nangyari ang bagay na iyon.

Kagigising ko lang mula sa isang oras na tulog ay binulabog na naman kami ni Laksimori.

"Pumunta kayo sa Academy ngayon. Nagkakagulo na roon!" seryosong wika ni Supremo kaya agad kaming naghanda.

Hindi na kami nagsayang ng oras. Agad naming tinahak ang daan gamit ang pegasus papunta sa Academy. Kasama namin si Laksimori. Hindi ko maiwasang kabahan lalo na't nandoon ang mga kaibigan namin. Magdadalawang linggo na rin kaming hindi nakakabalik sa Academy dahil nga sa mga kaguluhang nangyayari.

Pagdating doon ay nagulat kami sa nadatnan. Ang gulo ng lugar! Napakaingay at puno ng mga patay na tao. Kaliwa't kanan ang labanan at napakaraming mga kalaban dito.

"Tayo na!" Nanguna si Laksimori na agad naman naming sinundan.

Gaya ng lagi naming ginagawa ay pinagbabato namin ng mga espada ang Dark Armies na nakakasalubong namin. Agad kong hinanap sina Brae, pero sa dami ng mga taong nagkalat dito ay nahirapan akong hanapin sila.

Namataan ko sa 'di kalayuan ang ibang Magic 10 na abala sa pag-atake sa kalaban. Si Diane ay nakita kong nakatayo lamang at gamit ang kanyang mga mata ay nagagawa niyang kontrolin ang Dark Armies saka ito pinapatay.

Pero lintik naman! Hindi ko makita ang apat na taong hinahanap ko!

Idagdag pa itong mga Ninja at Dark Armies na laging humaharang sa akin. Nakakainis!

Natigilan at napahinto kaming lahat nang may biglang tumawa sa kung saan.

Agad ko itong hinanap ng tingin at hindi naman ako nabigo, dahil nakita ko agad si Denun na nakalutang sa ere habang nakangisi sa aming lahat at tila natutuwang pinagmamasdan kaming nagkakagulo.

Napakuyom ako bigla ng kamao habang nakatingin sa kanya nang masama.

"Denun," nanggigigil na bulong ko.

Sa wakas! Nagpakita rin siya matapos ang gulong ginawa niya sa mga bayan!

"Mabuti naman at naisipan mong magpakita, ano?" mataray na wika ni Bibi habang nakapamewang.

Nagsilapit sa pwesto ko ang iba pa naming mga kasama at humilera sa akin habang nakatingin kay Denun.

"Ikinagagalak kong makita kayong muli!" nakangising wika ni Denun.

"Pwes, hindi kami nagagalak na makita ka!"

"Oo nga! Ang pangit mo! Mukha kang tikbalang!"

Tinawanan lamang nito ang mga insulto ni Bibi at Mimi. "Well, wala na akong magagawa kung ayaw niyo sa akin. Pero may isang bagay akong dahilan kung bakit ngayon lamang akong nagpapakita sa inyo at sigurado akong alam niyo na ang bagay na iyon."

MAJESTIC ACADEMY: The Elemental Swords ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon