Swords 39: The truth and love

992 100 16
                                    

Swords 39:

"A-anong pag-uusapan natin?" tanong ko pagdating namin sa harap ng fountain. Umupo kaming dalawa sa gilid nito. Abot-abot ang kabang nararamdaman ko ngayon.

Huminga siya nang malalim at saka ako tinitigan sa mata. "It's about... Amos."

Napalunok ako. "A-anong tungkol sa kanya?"

"Shishi, didiretsohin na kita. Mahal mo ba si Amos?"

Napakurap ako sa kanyang sinabi. "B-bakit mo naman naitanong?" kinakabahang tanong ko.

Tumingin siya sa malayo at saka nagpakawala ng buntong-hininga. Tinitigan ko ang kanyang mata at hindi ko mapangalanan ang emosyon nakikita ko sa kanya.

"Alam mo kasi, Shishi... Bata pa lang ako ay si Amos na ang kasa-kasama ko sa lahat ng bagay. Kapag may nang-aaway sa akin ay lagi niya akong pinagtatanggol, hanggang sa lumaki na kami. Noong magdalaga ako ay unti-unti kong na-realize ang feelings ko sa kanya. Ngunit hindi ko magawang sabihin kay Amos ang nararamdaman ko dahil natatakot ako na baka lumayo at magalit siya sa akin. Babaero na talaga siya noong mga panahong iyon kahit pa ang cold ng personality niya. Kung sinu-sino ang mga babaeng hinahalikan niya kahit sa loob ng klase. Pero dahil doon, lalo lang akong humahanga sa kanya. Kasi wala siyang pakialam sa paligid. Isa pa, napakagaling niya pagdating sa magic, lalong-lalo na sa kanyang espada kaya lagi siyang nangunguna sa lahat ng antas."

Huminto naman siya at muling lumingon sa akin. Hindi ko alam ang gagawin sa mga oras na ito. Bakit niya naman sinasabi sa akin ang tungkol dito?

"Shishi, katulad mo ay ayaw ko rin sa mga lalaking katulad niya, pero hindi ko talaga mapigilan ang puso ko. Kaya kahit nasasaktan ako sa mga pinaggagawa niya ay nagtitiis na lamang ako. Umaasa pa rin ako na sana balang araw ay makita niya naman ako bilang isang ganap na babae na kaya niyang mahalin. Humihiling ako na sana, mahalin niya rin ako. Hindi bilang kaibigan kundi bilang isang sinisinta. At alam mo ba? Nagkatotoo iyong mga hiling ko, umamin siya sa akin na gusto niya ako. Pero panandalian lang pala ang kasiyahan kong 'yon dahil ang sabi niya, kahit gusto niya ako ay hindi niya babaliin ang pananaw niya sa buhay." Hindi nakaligtas sa akin ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata. Gusto ko sanang magsalita kaso parang ayaw makisama ng dila ko.

"Sabi niya, ayaw niya ng seryosong relasyon dahil pabigat lamang daw ito sa kanyang pagkatao at tungkulin. Hindi niya ako niligawan. Sapat na raw sa kanya na alam niyang mahal ko rin siya. Ayaw niyang maitali sa babae, Shishi. Napaka-allergic niya pagdating sa bagay na iyon kaya kapag tinatanong kami ng mama niya tungkol sa kasal ay tahimik lang siya."

Hindi ko alam kung anong maramdaman sa mga oras na ito. Sinabi na rin sa akin ni Zech ang tungkol dito, pero iba pala talaga kapag nagmula na ito sa babaeng minahal ni Amos. Natahimik na lang ako at nagpatuloy naman siya sa kwento.

"Alam mo ba? Dahil sa pagmamahal ko kay Amos ay nagtiis ako ng ilang taon para lang mabago ko ang kanyang pananaw sa buhay. Pero bigo pa rin ako, Shishi. Bigong-bigo at sobrang nasasaktan na ako lalo na kapag harap-harapan siyang may hinahalikang babae. Wala pa siyang pakialam sa nararamdaman ko, hanggang sa napagod akong umasa na magbabago siya. Kaya naman ay agad akong nagboluntaryo nang nangailangan ng tao mula sa Magic 10 si Dean para magturo sa mga bata sa bayan ng Famizka. Gusto kong mag-move-on kay Amos, kaya kinailangan kong gawin 'yon. Nagalit siya nang malamang aalis ako. Pinatawad niya rin naman ako kalaunan at hinayaan sa gusto ko. Sobrang nasaktan ako dahil sa sinabi niya. Ang gusto ko ay pigilan niya akong umalis, pero hindi niya ginawa. Kaya mabigat ang loob ko nang lumisan noon."

Nagsimulang pumatak mula sa kanyang mga mata ang butil ng mga luha. Hindi ko mapigilang maawa sa kanya. Ang kanyang makinis na mukha ay namumula dala ang pait at sakit na nararamdaman.

MAJESTIC ACADEMY: The Elemental Swords ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon