Swords 27: First Training

1K 94 9
                                    

Swords 27:

Pagbalik namin sa Academy ay agad kaming sinalubong ng yakap nina Jeni. Tuwang-tuwa sila dahil nakabalik kami ng ligtas. At dahil nga nakabalik daw kami ng buhay ay nagcelebrate ang mga baliw. Ipinaghanda nila kami ng cake at sobrang galak namin sa inihanda nila. Syempre cake iyon! Masarap! Matamis!

Buong magdamag din kaming nagkwentuhan sa dorm nila Eva. Dahil bida-bida si Bibi ay ikwinento niya ang lahat ng mga pinagdaanan namin. Wala siyang pinalagpas maski isa. Dahil doon ay ako na naman ang naging tampulan ng tukso sa mga nangyari sa amin ni Amos.

Kinabukasan ay sentro na naman kami ng atensyon. Bawat taong nadadaanan namin ay napapalingon sa amin, ngingitian kami. Iyong iba ay magbubulong-bulongan at iyong iba naman ay babatiin kami. Feel na feel ni Mimi ang magandang pagtrato sa amin ng mga tao kaya binabati niya rin ang mga ito pabalik at ginagawang kaibigan. Pabibong babae.

Dahil na rin siguro alam na nila ang tungkol sa amin, hindi na ako ginugulo ni Kristela. Kapag nagkikita kami o nagkakasalubong ay nilalagpasan niya na lamang ako. Pero sa totoo lang, gusto ko siyang kausapin at maging kaibigan. 

"Shishi!" Napalingon ako kay Thomas na tumatakbo papunta sa akin dito sa hallway.

"Thomas!"

Napangiti ako. Sinalubong namin ng yakap ang isa't isa at iyong walang malisya.

"I miss you," sabi niya.

"Ako rin!"

Napangiti naman siya at tinitigan ako. "Kumusta? Buti nakarating kayo nang ligtas."

Ngumiti ako sabay kagat-labi. "Heto, nagtagumpay naman kami. Salamat nga pala roon sa binigay mo sa akin. Nakatulong talaga iyon lalo na't may nakasagupa kaming mga lobo."

Napalitan naman ng pag-aalala ang kanyang reaksyon. "Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?"

Natawa lang ako sabay iling. "Ano ka ba, ayos lang ako. Saka hindi naman ako masyadong nasaktan. Uh, tara? Lakad-lakad tayo?"

Tumango naman siya. "Sige."

Mabuti na lamang at wala akong klase ngayon kaya malaya akong makagagala kahit saan.

"Shishi."

"Hmm?"

"May nagugustuhan ka na bang ibang lalaki?"

Napahinto ako at napalingon sa kanya dahil sa narinig, may pagtataka sa aking mukha. Nakatitig siya sa akin at hindi ko maintindihan ang emosyong nakikita ko sa kaniyang mga mata.

"Bakit mo naman naitanong?"

Nagkibit-balikat siya. "Wala lang. Just curious."

"Ahh..." Napatango na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"So, ano? Mayro'n nga ba?"

Napabuntong-hininga ako bago sumagot. "Iyong totoo? Hindi ko alam kung paano ko sasagutin 'yang tanong mo."

"Bakit naman?"

"Kasi—"

Napahinto ako sa paglalakad nang makasalubong namin ang halatang galit na si Amos habang nakatingin sa aming dalawa. Kinabahan ako bigla.

Ano na naman bang problema nito at kung makatingin sa akin akala mo isa akong kriminal? Saka bakit nga pala ako kinakabahan? Wala naman akong kasalanan sa kanya, 'di ba? Ang gulo rin ng sistema ko, e.

Mukhang napansin ni Thomas ang tinitingnan ko kaya napalingon din siya sa kinaroroonan ni Amos.

Naglakad ito papalapit sa amin nang hindi binibitawan ang masamang tingin sa akin. Nasa bulsa ang kanyang dalawang kamay at lintik lang! Bakit ang ganda ng lakad niya? Ang suwabe! Napanganga na lang ako.

MAJESTIC ACADEMY: The Elemental Swords ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon