Swords 41: forgiveness

897 80 7
                                    

Swords 41:

Nagising ako na nasa isang pamilyar na kwarto. Tanging si Amos na nakaupo at natutulog sa gilid ng aking kama ang aking kasama, mahigpit ang hawak sa aking kamay.

Hinawakan ko ang kanyang kamay na nakahawak sa kamay ko.

"A-amos..." nanghihinang tawag ko.

Bahagya siya gumalaw saka tuluyang nagising. Napangiti ako nang makita ang bagong gising niyang mukha. Ang cute niya kasi. Ang gulo ng buhok niya. Pakipit-pikit pa ang kanyang mata saka tumingin sa akin. Mukhang nagulat siya nang makitang gising na ako.

"A-Atisha? You're awake! Thank God!" Bigla niya na lamang akong niyakap nang mahigpit na siyang ikinagulat ko. "Hindi mo alam kung gaano ako nag-aalala sa 'yo. Pakiramdam ko ay mamamatay ako sa sobrang kaba nang mawalan ka ng malay. Are you alright?" nag-aalalang tanong nito habang nakahawak ang kanyang mga kamay sa aking pisngi.

Napangiti ako at pinagmasdan siya. "Ayos lang ako, Amos. Wala akong nararamdamang kahit anong sakit."

Tila nakahinga siya nang maluwag dahil doon. "Good. Mabuti na lang at umepekto ang magic ni Riri."

Kumunot ang noo ko at umayos ng upo. "Anong ibig mong sabihin?"

Napabuntong-hininga siya saka kinuha ang aking kamay at hinalikan ito. Nakaramdam ako ng kakaibang kiliti dahil doon.

"Muntikan ka nang mamatay dahil sa ginawa ni Bibi. Remember? Hindi niya maaaring gamitin sa masama ang light magic niya lalo na kapag galit siya dahil delikado iyon. Ngunit nagawa niya ito sa iyo kaya muntikan ka nang mamatay kung hindi lang ginamit ni Riri ang kanyang magic."

Napakurap ako sa kanyang sinabi. Oo nga pala, sinabi sa amin ni Ms. Benis na bawal gamitin ang magic ni Bibi kapag mataas ang emosyon nito. Nakaramdam ako bigla ng kaba sa aking dibdib nang maalala ang huling nangyari sa amin.

"I-Ilang araw akong tulog?"

"Almost two days."

Nakahinga ako nang maluwag. Mabuti at kaunting panahon lang akong walang malay. "S-Si Bibi? Nasaan siya?"

"Don't worry, maayos na siya. Nasa labas silang lahat ngayon." Hinawakan niya ang aking ulo at saka ito marahang hinimas, habang nakahawak pa rin sa aking kamay ang isa niyang kamay at hinahalikan ito.

"G-galit pa rin ba siya?"

Napabuntong-hininga siya at napakagat-labi. "Hindi madali para sa kanya ang mga nalaman, pero naniniwala ako na darating ang tamang panahon at mawawala rin ang galit niya."

Napayuko ako. Napakahirap nga naman talaga tanggapin ng katotohanang iyon lalo na't mga magulang namin ang pinag-uusapan. Sanggol pa lang kami ay hindi na namin sila nakasama, kaya napakasakit na malamang ang taong itinuring mong pangalawang magulang ang siya rin pa lang pumatay sa mga ito.

"Don't worry, Atisha. Everything will be fine. Nandito lang ako para sa 'yo. I love you."

Napangiti na lang ako kay Amos saka hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa isa kong kamay. "Salamat."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Where's my 'I love you, too'?"

"Ha?" Natatawang tiningnan ko siya. Lalong kumunot ang noo niya, tila nainis sa tanging tugon ko. Ang cute niya talaga kapag nagsusungit. Ang mga cold niyang mata ay unti-unting nagkakaroon ng reaksyon.
Magandang simula ito para sa aming dalawa.

"Damn it, Atisha. I've been waiting for you to wake up for almost two days, pero hindi mo man lang ako sinasabihan ng 'I love you'? Sabihin mo nga sa akin, mahal mo ba talaga ako o pinaglalaruan mo lang ako?" Nahihimigan ko ang pagtatampo sa kanyang tono. 

MAJESTIC ACADEMY: The Elemental Swords ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon