Swords 20: Operation: Get the swords

1.1K 110 36
                                    

Swords 20:


Kinabukasan, nagising na lamang kami na puro masisigla ang mga tao. Hindi ko alam kung bakit. Miski sila Jeni ay sobrang tuwang-tuwa na tila may mangyayaring nakaka-excite! Sila-sila lang din nag-uusap samantalang tahimik lang kaming magkakapatid.

Ang ingay dito sa canteen at wala silang ibang bukambibig kundi ang salitang Ranking Battle. Ano ba iyong Ranking Battle?

Nagkatinginan na lamang kaming apat.

"Sisteret, sino bang nakakaalam sa inyo kung ano na ang nangyayari sa mga tao?" tanong ni Mimi sa amin.

"'Wag mo kaming tanungin, Mimi, dahil wala rin kaming alam," tugon naman ni Bibi na umirap sa kanya.

"Tingin ko ay magkakaroon nga ng Ranking Battle," sabi ni Riri.

"E, ano nga iyong Ranking Battle?" tanong ko.

Nagkibit-balikat lamang siya. "Ewan. Hindi ko rin alam sa kanila, e."

Napatampal na lamang ako ng noo.

"Alam mo, Riri, matalino ka sana, e. Nakakainis ka lang kausap," mataray na saad ni Bibi.

Sinamaan naman siya ng tingin ng huli. "Manahimik ka nga diyan!"

"Girls! Girls! Girls!" Pumalakpak si Bibi upang kunin ang atensyon ng mga kasama. "Sabihin niyo nga sa amin, ano bang nangyayari at puro daldalan kayo diyan tungkol sa Ranking Battle na 'yan?" tanong nito.

Nagkatinginan naman silang apat sabay lingon sa amin na may tinging, 'hindi niyo alam?'

"Hindi niyo pa ba nabasa ang naka-post doon sa bulletin board?" takang tanong ni Jeni sa amin. Nagkatinginan lang kaming apat sabay iling.

"Ano ba iyong bulletin board?" tanong ni Bibi.

Napaawang naman ang labi nila. E, sa hindi talaga namin alam kung ano ang bulletin board, e.

"Hindi niyo alam kung ano ang bulletin board?" gulat na tanong ni Brae.

"Kasasabi ko lang, Brae."

"Seriously? Saang lupalok ng Centro ba kayo nagmula at hindi niyo alam kung ano ang bulletin board?"

"Hay, ang dami niyong satsat. Ipaliwanag niyo na lang!" Nairita na ang maldita kong kapatid.

"Okay, okay!" Huminga nang malalim si Jeni at saka tumingin sa amin. "Sa bulletin board inilalagay ang mga kaganapan dito sa Academy. Dito rin natin malalaman kung ano ang mangyayari. Makikita ito sa first floor ng bawat building."

"Ahh..." Napatango naman kami at natahimik. Iyon pala ang ibig sabihin ng bulletin board. Ngayon, alam ko na. Pero bakit wala naman akong napapansing bulletin board kapag dumadaan sa hallway? Ah, siguro dahil hindi ko napapansin.

"E, ano naman iyong Ranking Battle?" takang tanong ni Mimi.

"Ang Ranking Battle ay isang paligsahan kung saan naglalaban-laban ang mga estudyante gamit ang kanilang mga magic. Lahat ng mga natutunan natin ay gagamitin natin sa larong ito. Sa pamamagitan din nito ay maari kang umangat. Kapag natalo mo ang iyong makakalaban mo ay magle-level-up ang class mo. Pwede kayong umangat from Lego class to Bari class or Anakon and Venon. Depende kung gaano ka kalakas. May mga judges naman na magbibigay ng puntos sa inyo. Kung gusto mo naman magbida-bidahan at makasali sa Magic 10 ay kailangan mong talunin ang isa sa kanila."

Napakunot naman ang noo ko. "Ano naman iyong Magic 10?"

"Ang Magic 10 ang kinabibilangan ng mga taong pinakamalalakas sa buong Academy. Kinabibilangan ito ni Amos na siyang nangunguna sa ranking. Siya ang magic 1. Pumapangalawa naman si Deu na sinundan ni Titus at si Zech. Magic 5 naman si Kristela. Magic 6 si Diane Paulin, pero madalas na nasa magic 5 si Diane kesa kay Kristela. Magic 7 naman si Mateo Alejo, magic 8 si Leni Exos, magic 9 si Jeric Galeho, at panghuli naman si Jamie Elaner. Si Jamie iyong isang kaibigan ni Kristela na laging nagpapaangat sa inyo sa ere. Iyong babaeng sinasabi niyong mukhang payaso ang mukha."

MAJESTIC ACADEMY: The Elemental Swords ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon