Swords 53:
"Denun!"
Nanggigigil na tumakbo ako papunta sa kinaroroonan ng demonyo. Marami na kaming natalong mga kalaban at gusto ko naman ngayon na tapusin na si Denun. Pagbabayaran niya ang ginawa niya sa lolo namin!
Gaya ng inaasahan ay nabigla siya nang makitang buhay kaming apat. Kasama ko ang aking mga kapatid dahil siya ang uunahin namin bago si Dreven.
"O-oh... The Elemental Princesses are alive. Paano nangyari 'yon?" gulat na bulalas niya at saka bumaba sa lupa. Nakalutang kasi siya sa ere.
"Simple lang, kakampi namin ang walong Gods and Goddesses," tugon ni Bibi.
"At ngayong nagbalik na kami, panahon na upang gampanan namin ang aming tungkulin bilang mga itinakda!" dagdag ni Mimi.
"Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa aming lolo!" sigaw ni Riri.
Ngunit ngumisi lang ito sa amin. "Kung kaya niyo akong talunin."
Agad nagpakawala ng espada si Mimi at Bibi at sabay na sumugod rito. Sumunod naman kaming dalawa ni Riri at ganoon din ang ginawa. Ngayon ay napalilibutan na naming apat si Denun at tulong-tulong na nilabanan. Ngunit mabilis at maliksi ang mga kilos nito kaya ang hirap niyang patumbahin. Palagi siyang nakakailag o naglalaho kaya doble alerto kami kapag natatagpuan namin siya na nasa aming likuran na.
"Nagtataka ako kung paano kayo muling nagkaroon ng espada gayong nawala na ito sa inyong katawan," wika ni Denun habang umiiwas sa mga atake namin.
"Simple lang. Dahil ang mga Diyos at Diyosa ang gumawa nito, kaya sila rin ang may kayang magbalik!" tugon ni Bibi na nanggigigil dito.
"Oh? Ibig sabihin nakikipagkomunikasyon kayo sa kanila, tama ba?"
"Magpapakamatay ka na ba kapag sinabi kong, oo?"
Tumawa lamang ito at muli na namang naglaho sa kinaroroonan. Nakita na lang namin siyang nasa likuran na namin habang nakangisi. Bwisit! Nakakapanggigil ang damuhong ito!
"Sorry to say this, my dear, but no one can kill me, even you."
"Ha! Sorry to say this din dahil kayang-kaya ka naming patayin!" sigaw ni Riri.
Muli namin siyang sinunod at nakikipagpalitan ng atake ng espada. Akmang ihahagis ko na sana sa kanya ang aking espada nang magsalita siya.
"Napakatapang niyo talaga, ano? Kuhang-kuha niyo ang ugali ng nanay niyo."
Napahinto at natigilan kami sa kanyang sinabi. Lintik, may nasabi rin siyang nagustuhan niya ang aming ina dahil sa tapang nito. Nakakapagtakang magkakilala sila. Napakunot na lang ang aking noo.
"Paano mo nakilala ang aming ina?"
Muli siyang ngumisi at saka lumutang sa ere.
"Nakilala ko ang inyong ina sa bayan ng Ariel, isang araw habang ako ay naghahanap ng solusyon upang makakuha ng mga kasangkapang bubuhay kay Dreven. Nakita ko siya sa isang kalye habang ipinagtatanggol ang kanyang kaibigang inaapi. Napakatapang niya nang mga panahong iyon at napakaganda rin nito kaya nahulog agad ang loob ko sa kanya." Lumipad siya palibot sa aming apat kaya medyo nahilo ako kakahabol ng tingin sa kanya. "Ngunit hindi niya tinanggap ang aking pag-ibig dahil alam niyang isa akong kampon ng kadiliman. Sinabi niya ring may iba na siyang napupusuang lalaki at iyon ay ang inyong amang si Jon."
"Ha! Buti nga sa 'yo at binusted ka ng mama namin! Karma! Ang pangit mo kasi!" insulto ni Bibi sabay irap.
Tinawanan lang siya ni Denun. Humawak pa ito sa kanyang baba, animo'y may naalala. "Alam mo bang sa aming tatlo ng inyong mga magulang ay sila mismo ang kinarma. Bakit? Dahil pinarusahan ko lang naman sila sa pananakit ng aking damdamin. Isa sa mga dahilan kung bakit ko sila pinatay ay dahil si Jon ang pinili ni Alisa at hindi ako. Binigyan ko ng pagkakataon si Alisa upang piliin ako. Binantaan ko siyang papatayin. Ngunit naging matigas ang kanyang ulo at pinili pa rin ang inyong ama kaya naman ay pinatawan ko sila ng parusang kamatayan."
BINABASA MO ANG
MAJESTIC ACADEMY: The Elemental Swords ✔️
FantasíaSimula nang pumanaw ang kanilang lolo ay napunta sa pangangalaga ng kanilang tiyohin ang apat na magkakapatid. Ito rin ang siyang nagdala at nagpakilala sa kanila tungo sa mga hindi kapani-paniwalang mundo ng mahika. Isang mahika na tanging sa libro...