Swords 49: Lolo

745 65 7
                                    

Swords 49:

"Bilisan niyo!" sigaw ni Caly habang pinapagalitan ang mga kawal na humihila sa amin. Agad namang binilisan ng mga ito ang pagkaladkad sa amin habang tinatahak ang mabahong lugar ng dungeon. Iyon daw ang tawag dito sabi ni Riri. Piitan daw ito ng mga nahuli nila. Lintik, pinasosyal pa. Pwede namang kulungan na lang ang itawag dito.

At heto nga kaming apat. Kanina pa nag-uusap sa isip at puro panlalait na naman si Bibi sa lugar. Ang baho kasing talaga. Dahil nakakadena ang mga kamay namin ay hindi na namin magawang takpan ang aming ilong dahil hila-hila nila ang kadena sa kamay namin.

Halos masuka kami sa mga kulungang nadadaanan namin. Iba't ibang uri ng nilalang ang mga nandito. May mga bata, matanda, babae at lalaking nakakulong. Sobrang nakakaawa ang kanilang hitsura. Ang papayat nila at sobrang nanghihina na. Iyong iba ay punong-puno ng mga sugat sa katawan at kaunti na lang pati bituka at buto ay lilitaw na. Punit-punit ang mga damit na suot at kaunting tulak mo lang sa kanila ay malamang mamamatay agad sila. Nang makita nila kami ay agad silang nagsilapit sa rehas. 

Bakas sa kanila ang awa at lungkot habang nakatingin sa amin. Ang iba ay tinuro kami at tinawag na, 'Ang mga itinakda'. Nakangiti pa sila na tila natutuwang makita kami ngunit may mga nalulungkot din. Ibig sabihin, kilala nila kami.

Naalala ko bigla si Lolo, sana ay nandito rin siya. Gusto ko siyang makita.

"Lintik! Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kanila o mandidiri. Grabe ang buhay nila rito," sabi ni Bibi sa isip namin na napapangiwi pa. "Nagtataka ako kung bakit sila ikinulong dito. Anong kasalanan nila kay Denun?" 

"Ilang taon na kaya silang nakakulong dito, sisteret?" tanong ni Mimi.

"Ang payat nilang lahat. Mga malnurished na. Nakakaawa," naiiling na puna ni Riri.

"'Pag ako nakalabas dito, itatakas ko rin ang mga taong ito at bibigyan sila ng mga pagkain."

"Magtayo ka muna ng farm bago mo sila pakainin, Bibi," tugon ni Riri.

"Ako naman ay mag-aalaga ng mga hayop!" dagdag ni Mimi.

"Typical Mimi."

"Pero ang tanong, makakalabas pa ba tayo ng buhay rito?" tanong ko. Napanguso naman si Mimi.

"Iyon lang..."

"Ang gusto ko ay mapatay ko muna si Denun at maipaghiganti ang mga magulang at bayan natin bago ako mamatay," saad ni Bibi.

"Yeah, right. Kaya dapat gumawa tayo ng paraan kung paano makakatakas sa nakakasulasok na lugar na ito. Hindi ako mabubuhay nang matagal dito," tugon ni Riri.

"Hindi na ako magtataka kung bakit ang baho ni Denun, Caly, at Dali. Kulungan pa lang, alam na." Napairap sa kawalan si Bibi saka umismid.

"Sana makita natin si Lolo rito," singit ko. Napalingon silang lahat sa akin dahil doon.

"Ay, oo nga pala! Baka nandito rin si lolo sa kulungan!" bulalas ni Mimi. Bakas sa kanyang inosenteng mukha ang galak at pag-asang makita si Lolo.

"Hoy, kayong apat! Bilisan niyo ngang maglakad! Ang kukupad ninyo! Pagong ba kayo?" sigaw sa amin ni Caly na pinameywangan pa kami.

"Hay naku, lalong lumalala ang amoy sa lugar na ito. Mabaho na nga, nagsalita pa ang impakta, kaya amoy na amoy ko na ang amoy imburnal niyang hininga," pagkakarinig ni Bibi na muling umirap sa kawalan.

Tinaasan siya ng kilay ni Caly. "Anong sinabi mo?"

"Ay, wala! Wala akong sinabi!" Pumeke ng ngiti ang kapatid ko sa kanya.

MAJESTIC ACADEMY: The Elemental Swords ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon