Swords 47: Mysterious person

799 72 12
                                    

Swords 47:

Kinabukasan, nagising na lamang kami nang nagkakagulo na sa labas ng palasyo. Dali-dali kaming nagbihis at tiningnan kung ano ang nangyayari. Nagkasalubong pa kami ng magic princes sa hallway at tulad namin ay wala rin silang alam sa nangyayari. Sabay-sabay kaming lumabas at naabutan namin si Laksimori at Supremo kasama ang mga napakaraming mandirigma na nakahanay sa napakalawak na field.

"What's happening?" tanong ni Titus pagkarating namin. Agad na napalingon sa amin ang dalawa.

"Mabuti naman at nandito na kayo. Nagkakagulo ngayon sa bayan ng Ariel at kailangan kayo roon," wika ni Supremo.

Kumunot ang noo ko. "Anong ibig niyo pong sabihin na nagkakagulo?"

"Nagsisimula na namang manggulo ang kampon ni Denun. Maraming mamamayan doon ang nalalagay sa panganib kaya kailangan niyo silang iligtas," paliwanag ni Laksimori.

Nagkatinginan kaming walo. Nanggugulo na naman si Denun! Ang halimaw na 'yon! Ang sarap niya talagang balatan ng buhay! Nakakapanggigil!

"Naroon na ang ibang mga kawal. Papunta na rin ang ibang taga-Venon at Anakon class para tumulong," dagdag ni Supremo.

"Sige na. Bilisan niyo na. Wala na tayong oras. Gamitin niyo na lang ang mga kabayo!" sabi ni Laksimori.

"Hindi ba pwedeng mag-teleport na lang kami gamit ang magic mo—"

"Hindi pwede, Zech. Mababawasan ang lakas ko kapag ginawa ko iyon at isa pa, kailangan kong manatili rito."

"Let's go. We don't have much time." Nagpamaunang maglakad si Amos habang hila-hila ako.

Wala nang nagawa ang mga kasama ko kundi ang sumunod. Agad kaming sumakay sa mga kabayong nakahilera para sa amin. Saktong walo ito kaya isa-isa kami.

"Do you know how to ride a horse?" tanong ni Amos sa 'kin pagkasakay ko.

"Oo."

Napatango na lamang siya at tiningnan ang aming mga kasama.

"Let's go."

Inabot kami ng kalahating oras bago makarating sa bayan ng Ariel, ang bayang kinalakhan namin.

Pagdating doon ay halos malula kami sa mga nakikita. Ang daming nasusunog na bahay. Rinig na rinig mula roon ang mga pagsabog sa kung saan na nagpapayanig pa sa lupa. Ang mga puno ay nasusunog at putol na rin. Nagkabiyak-biyak pa ang lupa rito. Marami ring mga katawan na wala ng buhay at mga nagluluksang pamilya sa gilid habang umiiyak, pilit itong ginigising. Ang ibang mga patay ay tila natusta at umuusok pa. Mayroon ding ibang bangkay na pati buto ay kita na. Grabe ang pagkamatay nila. Nakakadiri tingnan ang kanilang katawan.

Nagsimula akong kabahan para kay Uncle Berno. Ligtas kaya sila?

"Sana naman ay hindi nadamay ang bahay ni Uncle," nag-aalalang wika ni Bibi.

"Tara na!" Nagpamaunang umalis si Amos na agad naman naming sinundan.

Hinahanap namin kung saan nagmumula ang mga pagsabog at hindi naman kami nabigo dahil ilang metro mula sa kinatatayuan namin ay kitang-kita ang kaguluhang nangyayari. Napakaraming mga Dark Armies na nanggugulo at pilit namang nilalabanan ng mga kawal at mga mamamayan. Rinig na rinig ang mga palahaw na iyak ng mga bata sa gilid.

Bumaba kaming lahat mula sa kabayo at sabay-sabay na sumugod sa mga kalaban. Lahat ng nadadaanan namin ay pinaghahampas ko ng aking espadang umaapoy. Iyong iba ay tinutusok ko sa puso, ulo at tiyan. Agad naman silang nasusunog hanggang sa maglaho na lamang sa hangin. Panandaliang pang natigilan ang mga tao sa pagdating namin at nagbulungan. Ngunit agad din naman silang bumalik sa pakikipaglaban.

MAJESTIC ACADEMY: The Elemental Swords ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon