Swords 19:
"Sisteret, 'wag na lang kaya muna tayong pumasok ngayon? Sundan na lang natin ang mga galaw ng mga magic princes," biglang sambit ni Bibi sa aming isip habang sabay-sabay kaming naglalakad sa hallway.
"Pa'no kung nagsipasok ng klase iyong apat?" tanong ko.
"Edi pumasok din tayo."
"Ganito ang gawin natin, ikaw Bibi susundan mo si Zech. Ikaw naman Mimi ay si Deu at ikaw Shishi si Amos ang susundan mo. Ako na ang bahala kay Titus," sabat ni Riri na agad naming sinang-ayunan, pero nang mapagtanto namin ang sinabi niya ay napasigaw kami sa gulat.
"Ano?!"
"Seryoso ka ba sa sinabi mo?"
"Aba, hindi pwede!"
"Ayoko! Ayoko kay Zech! Sa iba na lang!"
"Mas lalong ayoko kay Deu! Mukhang suplado ang lalaking iyon—"
Natigilan kaming tatlo nang biglang mapatingin sa amin ang iba naming kasama. Pinaghalong gulat at pagtataka ang namutawi sa mukha nina Jeni at Brae habang nakatitig sa amin. Naka-awang pareho-pareho ang kanilang mga bibig.
Nagkatinginan na lamang kaming magkakapatid.
Patay... Patay na talaga! Paano namin malulusutan 'to?! Nagmukha kaming baliw sa harapan nila! Lintik! Nakakagulat naman kasi ang sinabi ni Riri, e!
Napakagat-labi na lamang ako nang mariin, samantalang napatampal naman ng noo si Riri.
"Ang totoo, mga 'te? Nababaliw na ba talaga kayo?" takang tanong ni Brae sa amin.
Napaiwas lamang ako ng tingin. Bahala sila d'yan! Sila na magpaliwanag!
"A-ah, hehe... Ang totoo kasi niyan... Uh.. Ahm..." Napakamot ng ulo si Mimi na habang nag-iisip ng magandang idadahilan. "N-nag-uusap kasi kami kanina na 'pag nandito na sa hallway ay isisigaw namin iyong mga ayaw namin. He-he-he. Ganoon iyon," palusot nito sabay tawa ng hilaw. Napangiwi na lamang ako nang palihim. Anong klaseng palusot iyon?
Mas lalo lamang naging wirdo ang tingin nila sa amin.
"Mukha talaga kayong mga tanga, seryoso," saad ni Abegail.
"Nakakagulat kayo, ha? Bigla-bigla na lang sumisigaw nang walang pasabi. Para kayong may sayad sa utak," natatawang saad ni Jeni.
"Akala ko nga kung ano na ang nangyari sa inyo. Nakakakaba kayo!" Humagalpak ng tawa ni Brae.
"Magkakapatid nga kayo, parehong mahirap basahin."
Nagtawanan na silang magkakaibigan, samantalang nagpalitan naman kaming apat na magkakapatid ng isang nakamamatay na tingin sa isa't isa. Lintik. Dahil sa sigaw namin ay napagkamalan kaming baliw!
++++++
Ginawa namin kung anong inutos ni Riri. Iyon na nga ang nangyari. Hindi kami pumasok ng klase. Bakit? Dahil sinusundan namin ang magic princes. Nandito ako ngayon sa hagdan ng dorm ni Amos. Nagbabantay sa kanyang muling paglabas. Pumunta kasi siya rito kanina.
Halos kalahating oras akong naghintay rito bago siya muling lumabas ng kwarto. Dahil doon ay dali-dali akong nagtago. Lumabas siya ng building kaya naman sinundan ko siya. Ilang metro ang layo ko mula sa kanya para 'di niya mahalatang sinusundan ko siya. Lintik, stalker na talaga ako! Iyon daw ang tawag doon sabi ni Riri. Stalker.
Lumiko siya sa building C kaya tumalikod muna ako para 'di niya mapansin. At noong maglakad siya sa hallway ay naglakad din ako. Bilang na bilang ko ang mga yapak ng paa ko para hindi makasanhi ng ingay.
BINABASA MO ANG
MAJESTIC ACADEMY: The Elemental Swords ✔️
FantasiaSimula nang pumanaw ang kanilang lolo ay napunta sa pangangalaga ng kanilang tiyohin ang apat na magkakapatid. Ito rin ang siyang nagdala at nagpakilala sa kanila tungo sa mga hindi kapani-paniwalang mundo ng mahika. Isang mahika na tanging sa libro...