𝑲𝒂𝒃𝒂𝒏𝒂𝒕𝒂 10

1.1K 21 1
                                    


Business

"Anong nangyari dyan kay Drew? Bakit may pasa sa panga? Napaaway ba kayo?" sunod sunod na tanong nila ng makabalik kami sa loob.

"Sinong may gawa nan sayo Drew? Mga tambay ba sa labas ng bar?" kunot noong tanong ni Aaron.

"Tara, Sino may gawa nyan? Kilala mo ba?"

Hindi ako nakapagsalita. Paano ko sasabihin na si Range ang gumawa nito? At sa hindi pang malinaw na dahilan.

"Bakit daw sya sinapak?" kumpol-kumpol na kami sa mesa. Nagsisiksikan para sa kakarampot na impormasyon.

Natigil lang ang mga tanong nila nang biglang tumawa si Drew. Nagtataka ang mga tingin sa kaniya.

"Ang walang hiyang yon. Bigla na lang nanapak. That's first." bulong nito.

"Drew sino ba?"

"Kilala mo?"

Humalakhak lang ang lalaki.

Maya maya lang ay may nag-abot na sa akin ng first aid kit. Napatingin ako sa nagbigay, si Rein pala. Nagtatanong ang kanyang mga tingin sakin.

"Sinong may gawa?" bulong nito ngunit hindi ako nagsalita sa halip ay inumpisahan na lang ang paggagamot sa pasa ni Drew.

Tahimik lang ako habang ginagamot ang pasa ni Drew. Hindi na ko nag-abalang lumingon pa sa mga tingin ng aming mga kasama. Sa panga lamang ni Drew ang aking atensyon. Hindi ko alam kung bakit guilty ako. Feeling ko kasalanan ko kung bakit sya nasaktan kahit hindi naman. Hindi ko pa nga alam ang dahilan kung bakit siya sinapak ng lalaking yun.

"Hindi mo ba talaga sasabihin kung sino ang sumapak sayo? Baka nasa labas pa iyon at mahabol pa namin." patuloy nila.

"Wala na iyon doon. Umalis na. Kanina pa."

"Ganon? Report na lang natin sa police kung ganon?" suhestiyon ni Rey, ka team niya rin dati nung college.

"Wag na," tanging sagot pa rin ni Andrew sabay tingin sa akin. May mga ngisi pa rin na nakaplastar sa kanyang mukha na hindi na naalis simula kanina.

Nagtataka ako kung bakit hindi niya sinasabi na si Range ang sumapak sa kanya. Ang dahilan kung bakit may pasa ang kaniyang mukha. Ang dapat na kasiyahan nila ay nauwi sa ganito.

"Hindi na dumating si Range sabi niya pupunta siya." sabi ng isa sa mga lalaki.

"Oo nga e sayang naman."

"Baka busy pa sa opisina nila."

"Nandito siya kanina sa labas nga lang umalis din agad."singit ni Drew sabay inom ng beer.

"Anong ginawa niya sa labas?"

"Nangamusta lang sakin," makahulugang sabi ni Drew. Nakangisi lang ang loko at tumingin pa sakin.

Nanatili lang nakangisi si Drew at hindi na nagbanggit pa ng pangalan kung sino ang may gawa non sa kanya hanggang sa matapos na ang gabing iyon. Kahit anong pilit ng mga kaibigan tanging tawa lang ang sagot nito.

Nakauwi na ko't lahat lahat ay di ko pa rin malimutan ang nangyari kanina. Simula kay Drew hanggang sa pagdating ni Range ay malinaw na malinaw pa rin sakin. Parang kanina lang nangyari kahit na sa totoo lang ilang oras na ang nakakalipas. Ang gulat sa mga mukha nila ng makita si Drew na may galos sa panga pagkabalik namin sa loob ng bar.

I can't still believe Range did that. I'm shocked. Nung pagkakita ko pa lang sa kaniya, masama na ang timpla niya. Maybe he's in a bad mood? O may kasalanan sa kaniya si Drew? Kung meron mang kasalanan si Drew ano naman yun? Mukhang hindi rin aware si Drew sa kasalanan niya based from his reaction.

One Night With A Stranger (One Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon