𝑲𝒂𝒃𝒂𝒏𝒂𝒕𝒂 15

1K 23 0
                                    


Like

Bumalik ako sa unit ko na tulala. Para akong nakalutang. Nasa isip ko pa rin ang mga sinabi niya kanina. Ang mga ginawa niya. He kissed me and I kissed him back. Tinugon ko ang kaniyang mga halik na walang alinlangan. Wala sa sarili akong natawa. Nababaliw na ko. I'm digging my own grave!

"I'm really doomed." wala sa sariling sambit ko.

Hindi ako makatulog. Tulala lang ako sa loob ng kwarto ko. Pabalik-balik lang sa kinahihigaan ko. Nakailang timpla na ako ng gatas pero walang epekto sa akin. Ilang kambing na ang binilang ko pero wala pa rin. Bumabalik lahat sa akin ang sinabi niya.

Was that true? Yung sinabi niya kanina? Is he really going to court me? But why? Wala akong makuhang sagot. I'm getting married for peter's sake. Hindi ko talaga siya maintindihan. Biglang pumasok sa isip ko na hindi ko nga pala siya lubusang kilala. I only knew his name. He is Range Vasquez. Pero sino nga ba talaga si Range Vasquez?

Bumangon ako sa aking kama. Kinuha ko ang laptop at cellphone ko na nasa table lang sa gilid ko. I think I need to do some reasearch to him. Kailangan ko siya makilala. Pero... para saan? At bakit? Kasi liligawan niya ako?

Napahinto ako sa akmang pagbubukas ng laptop dahil sa mga iniisip ko. Nagtatalo pa ang aking isipan kung para saan ba ang gagawin ko. This is for my safety! Para sa kapakanan ko ang ginagawa ko, hindi para sa ibang rason. Hindi dahil liligawan niya ko kundi para sa kaligtasan ko. Lapit siya ng lapit sa akin kaya mas makakabuti na makapagresearch ako about sa kaniya.

Napapatango pa ako sa mga naiisip ko habang binubuksan na ang laptop. I typed his name in the search box. May lumabas na mga article about sa kaniya. Tumaas ang kilay ko sa aking nakita. We were from the same school! Is that the reason why he's Drew best friend? Pero...bakit hindi ko naman siya nakikita noon? I'm not familiar with his face.

I researched further about him. Nagulat ako sa aking mga nalalaman. Hindi ko alam kung credible ba ang mga sources ng mga nababasa ko. According to what I've read the Vasquez family owned various company. May shipping lines sila. They also manufactured furniture. Mula siya sa mayamang pamilya at marami pang iba. Punong-puno ako ng impormasyon tungkol sa kaniya. Hindi ko nga lang alam kung totoo ba ang lahat ng mga nababasa ko.

I stopped scrolling when I saw something interesting. It was the one caught my attention. I clicked the article. Lumabas doon ang iba't-ibang niyang picture na kasama. Kuha mula sa iba't-ibang events. May local at international. I am thinking if that was about business or not. Sa mga picture ay may kasama siya na mga iba't- ibang babae. Mas madalas nga lang na kasama niya sa picture si Serra.

The arcticle says that Range Vasquez is getting married this year. Pero walang ibinigay na pangalan ang nasabing article kung sino ang babae. But they're suspecting it was Serra. Hanggang doon lang. There's no more details. There's no exact date and location. It's look like it is confidential.

Napatulala ako. He's also getting married tapos manliligaw siya. Niloloko niya ako! Niloloko niya ang fiancee niya at isasama niya pa ko! But...I also cheating on Drew.

Bumalik sa akin ang nangyari kanina. Nanlaki ang mga mata ko. I kissed him back! Hindi ko siya pinigilan nang hinalikan niya ako, instead I accepted his kisses. I let him kissed me! I let him hugged me!

Napasabunot ako sa buhok ko. Ang tanga-tanga ko!

"Tara, Ito na." sabi ni Leya sabay lapag ng tubig at gamot sa harapan ko.

"Thanks, Leya" sambit ko at dahang-dahang ininom ang gamot.

Pumasok ako ng masakit ang ulo ko. Dala siguro ng puyat ko. Napapikit na lang ako ng maalala ang pinagpuyatan ko kagabi. Halos alas-kwatro na ako nakatulog dahil sa pagre-research ko. Hindi rin ako nakuntento sa mga nalaman ko tungkol sa nalalapit niyang kasal. I research further. Pero iyon at iyon lang ang nalabas. Wala ng iba pa. Mas lalo tuloy akong hindi nakatulog.

One Night With A Stranger (One Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon