Meet
"Mrs. Arevalo, Nice meeting you." Naglahad ng kamay kay mommy ang isang babaeng naka-blue dress. May make-up ang kaniyang mukha na sadyang bumagay sa kaniya. This must be the event organizer.
"Nice meeting you, too." Sabay lahad ng kamay ni mommy sa babae. "We're sorry were late. Matagal ka bang naghintay?"
Umiling ang babae sabay ngiti kay mommy. "No, ma'am. Kararating ko lang po."
Tumingin sa gawi ko ang babae. "This must be your daughter, ma'am."
Ngumiti si mommy at nilahad ako sa kaharap. "Oh yes, This is Adrienne Tara. I hope you wouldn't mind that she was here. Sinama ko siya kasi alam mo na. Wala akong alam sa mga ganito. My daughter will be a big help."
Nag-order muna si mommy ng makakain at habang naghihintay ay nag-uusap na sila ng event organizer. Kinilala ang isa't-isa. This the first time that mom will having an event organizer for her birthday kaya marami siyang tanong. Kinuha ko muna cellphone ko sa bag at nagtext muna kay Jac at Rein. Matapos lamang ay ilang sandali ay dumating na rin ang order namin. It's an Italian dish.
Habang kumakain kami ng dessert ay nag-umpisa na sila mag-usap tungkol mismo sa nalalapit na birthday ni mommy. Ako naman ay nanatili sa pagkain.
"Adrienne, What do you think?" tanong sa akin ni mommy.
Napatingin ako sa kanila. I saw Neissa, the event-organizer, holding her i-pad. May pinapakita siya roong iba't-ibang designs for the venue. For every picture there was different motif. Lahat ay magaganda. Hindi basta-basta.
"Wala akong mapili, hija. Baka ikaw meron."
Pinagmasadan ko ng mabuti ang bawat picture na naroroon. As I say all of it was beautiful. Pero may isang motif doon na sadyang mas nangingibabaw para sa akin at ayun ang pinili ko. Bagay kay mommy ang motif na iyon. It's suit her character. It's simple yet elegant.
Sa huli ay iyon nga ang pinili ni mommy. Tumayo na kami nang matapos na.
"I will just send the other details via email, Neissa. Hindi ko pa alam kung ilan lahat ang bilang ng mga bisita. I will ask my husband later." marahan na sabi ni mommy.
Tumango naman ang babae. "No problem, ma'am."
"Thank you again, Neissa."
Dumiresto kami sa isang boutique sa loob ng mall. Mommy wants us to buy some clothes. Bibili na rin daw siya para sa birthday niya. Ganun na rin ako. Ayaw niya na magpagawa pa. It will only cost high amount of money. Kung si mommy nga lang daw ang masusunod ay hindi na siya maghi-hire pa ng event organizer. She wants it to be simple as possible. Pero dahil si daddy na ang nagpilit. Wala na siyang magagawa pa.
Kinuha ko ang isang damit na nakita ko sa gilid ko. Kanina ko pa ito pinagmamasdan. I like the designs and the color of this dress. Tinapat ko ito sa katawan ni mommy na ngayon ay nagtitingin-tingin pa rin. Wala pa rin siyang napipili na damit.
"My, this dress suits you. Bagay na bagay sayo. Pwede mo na itong isuot para sa birthday mo." utas ko.
Narinig ko naman ang pagtawa ni mommy. How I love her smiles. Hindi ko maipigilan ang mapangiti.
"Baka naman binobola mo lang ako, Adrienne." sabay tawa niya ulit.
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
"Of course not, mommy. I'm just telling the truth! Kailan ba kita binola?"
"Okay, okay, hija, I will take it." At kinuha niya sa kamay ko ang damit.
Nanatili pa kami ng ilang oras sa loob ng boutique. Namili pa ng namili ng mga damit. I can't help but laughing habang nagsusukat kami ng damit ni mommy. I want to cherish this moment. Matagal-tagal na rin nung huli kaming magbonding na ganito. Simula ng maging busy ako sa trabaho ay hindi na ito nasundan pa, ngayon na lang.
BINABASA MO ANG
One Night With A Stranger (One Night Series #1)
RomanceStatus: Completed Posted: June 2020 - August 2020 Adrienne Tara Arevalo never imagined that her life would be messed up just because of one night. One steamy night, one unforgettable night and one sinful night. Sa isang lalaki na wala syang ideya ku...