MarryLaglag ang panga nina Leya, Rein at Jac nang magkita kita kami ngayon. Pumunta talaga sila sa bahay para tanungin ako ng kung ano ano. Hindi na nila ako napuntahan noong party ni mommy dahil hindi sila makasingit sa rami ng taong bumabati sa amin. Kinailangan rin nila na umuwi agad dahil may family emergency. Nanganak kasi yung sister ni Jac. Looking at their faces they were still looks shocked til now. Unahan sila sa pagtatanong.
"It's you, Tara? How?" si Leya na ang mukha ngayon ay windang na windang.
"Kailan pa? Sa simula pa lang ba noong may kumakalat na usapin na si Drew ay ikakasal ay ikaw na yung tinutukoy na bride?" it's now Jac who asked.
"You don't any rings, Tara. Paanong nangyari na ikaw? " si Rein.
Hindi ko alam kung sino ang uunahin sa kanilang tatlo. Sabay sabay sila kung magsalita at sunod sunod pa ang mga tanong nila. Where should I start talking?
Huminga ako ng malalim at sumandal sa backrest ng sofa. Kinuha ko ang throw pillow at nilagay ko sa aking hita. Sila naman ay nanatiling nasa akin lang ang paningin. Hindi man lang kumukurap.
"It is an pragmatic marriage." panimula ko at nag-iwas ng tingin sa kanila.
I am guilty for hiding the truth from them. Kaya ngayon ay bigla sila. It's normal for them to ask too many questions because I never told them. Dahil hindi ako handa. Hanggang ngayon pa rin naman hindi ako handa but I don't have a choice. They deserved an explanation.
"Dad wants me to marry Drew for business. Noong niyaya ko kayo dati na mag-bar that's the time daddy told me to marry Drew..."
"That's when Range and you----" hindi ko na pinatapos si Leya sa gusto niyang sabihin.
"Yes. It was that day."
Napalabi ako. Bakit kailangan niya pa i-mention? Bakit kailangan ipaalala niya pa? This a serious matter pero naisingit niya pa rin iyon.
Narinig ko ang pag-'oh' ni Jac na tila naalala na ang araw na iyon. Tumango naman si Rein sa kawalan. Si Leya ay nanatili pa ring nakatingin sa akin at naghihintay ng susunod.
Huminga ako ng maluwag uli bago magpatuloy. "I really don't want to marry Drew. I am not a fan of pragmatic marriage. But daddy already say yes. He already agreed to the marriage. Sinabi na niya sa daddy ni Drew na pumayag na ako. Wala na akong nagawa pa..."
Sinabi ko ang mga sumunod na nangyari. Lahat lahat. Lahat ng mga tanong nila ay sinagot ko hangga't kaya ko. Matiim silang nakikinig sa akin sa bawat paliwanag ko.
"That's why you haven't told us. Because your not ready. We won't judge you, Tara. It's your decision not ours. Hindi naman kami ang nasa katayuan mo."
Nabigla ako sa sinabing iyon ni Jac. I thought they will be mad at me for not telling them. Napatingin tuloy ako sa kanilang tatlo. Nakangiti na sila sa akin ngayon. Gusto kong maiyak. Naiintindihan nila ako.
"Really? Hindi kayo galit kahit di ko sinabi sa inyo simula pa noong umpisa?" paninigurado ko pa.
Ngumiwi naman sa akin si Leya. " Why would we? Anong kala mo sa amin, makikitid ang utak? Nagulat lang kami. Maraming tanong of course, but no, we were not mad. Who are we to be mad?"
I'm so have a friend like them. Nanatili pa sila ng ilang oras sa condo ko. Wala naman daw silang gagawin para sa araw na iyon. Kinuwento nila sa akin kung gaano sila nagulat noong nalaman iyon. Kumakain kami ng pizza ng biglang magtanong si Rein.
"Pero alam mo ba na sasabihin ng daddy mo ang tungkol sa kasal niyo ni Drew sa birthday ng mommy mo? I'm curious." tanong ni Rein matapos ko matapos sagutin ang tanong ni Jac.
BINABASA MO ANG
One Night With A Stranger (One Night Series #1)
Lãng mạnStatus: Completed Posted: June 2020 - August 2020 Adrienne Tara Arevalo never imagined that her life would be messed up just because of one night. One steamy night, one unforgettable night and one sinful night. Sa isang lalaki na wala syang ideya ku...