𝑲𝒂𝒃𝒂𝒏𝒂𝒕𝒂 18

903 21 0
                                    


Date

Humihikab-hikab pa ako ng tumunog ang cellphone ko. Agad kong itong dinampot sa katabing mesa. I received a text from Drew, early in this morning. He texted me the exact location where we will meet.

Drew:
Good morning, my fiancee. It's me, Drew, in case you didn't put me in your contacts. Just to remind you see you at Aroma Restaurant.

Bumangon na ko sa kama at nagtipa ng sagot para sa kaniya.

Ako:
Good morning too, see you.

Nagulat pa ako ng agad itong nagreply. He's that fast.

Drew:
Ayaw mo talagang sunduin kita? You know I could...

Napangiwi na lang ako sa kaniya. It's early in the morning and he's starting to flirt. I know he's a good person pero hindi ko talaga mapagkakaila na malandi siya besides he got a face and a body that ever girls want. He won't be a playboy for nothing.

Hindi ko na pinansin pa ang huling niyang mensahe at dumiretso na ako sa kusina para magluto ng umagahan. Papasok na ko sa kusina ng maalala ang nangyari kagabi. Agad akong pinamulahan. Hindi ko alam kung anong tawag sa nangyari kagabi. At wala na kong balak pa alamin dahil kahit ako ay naguguluhan din. Kung wala lang tumawag kagabi baka ano ang nangyari.

Umaasim ang mukha ng maalala na si Sarrah ang tumawag kay Range kagabi. Sa ganoong kalalim ng gabi, bakit siya tatawag? Anong kailangan niya kay Range? Should I be thankful to her dahil nilayo niya ko sa kapamahakan? Napangiwi ako sa naisip ko. Bakit ayaw ko ang isiping magpapasalamat sa kaniya?

Naguguluhan ako lalo sa nararamdaman ko. Hindi ako pamilyar sa ganitong emosyon. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Wala akong ideya kahit anong katiting. Pero sa lahat ng nangyayari, isa lang ang sigurado ako, masama ito. Masamang masama.

"Tara," tawag sa akin ng isa kong katrabaho habang papasok ako sa building. Ang paningin ko ay agad napunta sa kaniya. Naaninag ko ang isang lalaki na medyo payat.

"Chris," sabay ngiti ko sa kaniya. "Bakit?"

"Kailan ba ang seminar na sinasabi ni Ma'am Neri? Hindi ko kasi matandaan e. This week ba o next week?" tanong nito.

Sandali akong nag-isip. Actually, nalimutan ko na rin ang tungkol doon dahil sa mga nangyayari. Magkakaroon ng three day seminar about sa trabaho namin at ang magiging host ay isang five-star hotel. Kung hindi ako nagkakamali ay sa Batangas gaganapin iyon. Ang magsasalita ay mga kilalang tao mula sa iba't-ibang company. Isa ako sa mga napili para dumalo sa seminar iyon at ang iba pang napili. Malaki raw ang maitutulong nito para sa aming skills at sa trabaho namin.

"Ah, Next week iyon. Sa katapusan ng buwan. Aalis tayo ng Friday ng umaga para hapon nandoon na tayo."

Next week. Pagkatapos ng birthday ni Mama ay seminar naman. I'll be so busy.

Tumango naman siya.

"Convoy daw ba papunta roon?" tanong niya.

"Depende sayo. Provided na raw kasi ang transportation. Pero ikaw pa rin ang bahala kung gusto mo sumakay doon. Pwede rin naman daw mag-convoy. Ibibigay naman daw sa atin ang exact location nung hotel na paggaganapan."

Ngumiti siya sa akin. "Thank you, Tara" at dumiretso na siya sa kaniyang cubicle. Hindi ko man lang namalayan na nasa opisina na pala kami.

"Alam mo na ba?" bungad sa akin ni Leya pagkaupo na pagkaupo ko.

Nagtataka na tumingin ako sa kaniya. " Ang ano?"

Nagmamadali na nilabas niya ang kaniyang phone. Tumingin naman ako sa paligid. Kapag kami'y naabutan ng supervisor namin, patay talaga kaming dalawa. Basta tsismis talaga hindi matigil ang isang 'to.

One Night With A Stranger (One Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon