Scared"I'll meet you at the resto, Tara. Sorry, I can't fetch you. May kailangan pa kasi akong puntahan."
Tumango naman ako kahit na wala naman sa harap ko ang kausap.
"It's fine, Drew, take your time. Besides, I have my own car. You don't need to pick me up here." sagot ko sa kaniya.
Nagulat man ako sa bigla niyang pag-aaya ngayong araw ay hindi ko na siya tinanggihan pa. Mabilis ang bawat paghinga niya sa kabilang linya at tila nagmamadali siya. Naririnig ko pa ang busina niya at munting pagmumura niya. He's driving.
Ako na ang unang nagpaalam dahil mukha talagang nagmamadali siya sa kung saan o ano man ang pupuntahan niya. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa ginagawang pagluluto. Maaga pa naman ang para sa oras ng pagkikita namin ni Drew. Tumawag lang talaga siya para sabihin na hindi niya ako masusundo. Though, it's not a problem to me.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa akin ni Drew. I don't have any clue but it's gonna be important dahil kahit na may importante pa siyang gagawin ay nagawa niya pa rin itong isingit. Lalo na ng tumawag siya kanina para makipagkita his voice sounded so serious. we
Kinuha ko ang phone ko upang magtipa ng mensahe para kay Range. Kanina pa siya text ng text sa akin simula paggising ko. Kahit na nasa isang meeting siya ay patuloy pa rin siya sa pagtext. I tried to stop him but he won't stop. Nahinto lang nang tumawag si Drew.
Ako:
I'll meet Drew later.After I hit the send button, agad siyang tumawag sa akin. Nagulat ako. Tapos na ba ang meeting niya?
Sinagot ko ang tawag niya at halos patayin ko uli ang tawag nang marinig ko ang background niya. May naririnig ako na nagsasalita, explaining about something. Nanlaki ang mga mata ko. He's still in the meeting! What the hell?
"Your still in the middle of your meeting, Range!" mariing kong banggit sa kaniya.
"Where? Saan kayo magkikita ni Drew? That jerk didn't tell me..." utas niya, binabalewala ang sinabi ko kanina. He doesn't care. Kahit na nasa kalagitnaan siya ng importanteng meeting tatawag talaga siya.
"You still in the meeting, Range. I could hear it! I won't answer you when you're still in your meeting."
Narinig ko ang pagbuga niya ng hininga. "Okay."
At biglang natahimik sandali ang nasa kabilang linya. Wala akong naririnig na na kahit ano hanggang sa magsalita uli si Range. Wala na akong naririnig na nagsasalita kagaya kanina.
"It's done, baby. Lumabas na ako. Wala na ako sa meeting." sambit niya pa sa akin.
Nalaglag ang panga ko. I couldn't believe. Umalis siya? Really? He's their COO!
"Lumabas ka? Why?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
I heard him chuckled. "Simple. You told me I'm in the middle of my meeting so I get out for the meantime. Wala na ko sa meeting. I'm out baby. So, can you answer my question now? Where's your meeting place?"
Laglag pa rin ang panga ko dahil sa rason niya sa akin. Mabilis kong sinabi sa kaniya kung saan kami magkikita ni Drew para makaalis na agad siya at makabalik na sa meeting niya.
Huminga muna ako ng malalim at pilit na inalis sa isipan ko ang ginawa niya. " Just in BGC."
"I'll pick you up. Ihahatid na kita roon." presinta niya pa. Kumunot ang noo ko.
"No, Finish your meeting, Range. Hindi mo na ko kailangan ihatid. I will use my own car. I'll call you later."
Ngunit wala akong natanggap na sagot sa kaniya pero naririnig ko pa rin ang bawat paghinga.
BINABASA MO ANG
One Night With A Stranger (One Night Series #1)
RomanceStatus: Completed Posted: June 2020 - August 2020 Adrienne Tara Arevalo never imagined that her life would be messed up just because of one night. One steamy night, one unforgettable night and one sinful night. Sa isang lalaki na wala syang ideya ku...