𝑲𝒂𝒃𝒂𝒏𝒂𝒕𝒂 27

800 21 0
                                    


Sorry

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na tinatahak ang labas ng aming suite. Iniwan ko si Ria sa loob ng kwarto namin. This is insane. Hindi ko alam kung bakit ba ginagawa ko ito. Tumingin pa sa gawi ko si Techie.

"Oh, saan ka punta, Tara?" tanong niya sa akin habang kumakain ng pizza sa sala.

"May pupuntahan lang ako sa baba." kaswal kong sagot. Agad namang tumayo si Chris na nasa sahig.

"Sabay na tayo. Pinapapunta nga pala ako ni Ma'am Neri sa function hall ngayon." aniya habang inaayos ang kaniyang suot na t-shirt.

"Sure." hindi ko alam kung ano ang itsura ko habang sinasagot siya. Hindi ako makangiti. Pakiramdam ko nakikita niya sa mukha ko ang kaba.

Dumiresto na patungo sa pintuan upang makaiwas na sa tingin ni Chris. Bakit ba kasi ako pupunta? Where my 'just ignore his text'? Bakit hindi ko nagawa? Range says that his just outside our suite! Hindi na ako magtatanong kung paano niya naalam kung saan ang suite namin. He has his own ways. Anything is possible when it comes to him!

Mas lalong tumindi ang kaba sa dibdib ko habang binubuksan ang pinto ng suite. I'm really crazy. Nasa likod ko lamang si Chris at di ko alam kung ano ang ginagawa niya. Wala na akong pake pa. Halos mapapikit pa ako ng mabungaran si Range sa harap ng pinto. He was leaning against the wall while looking at his phone. Umaangat ang tingin niya sa amin nang nasilawan siya ng ilaw mula sa loob ng suite. I wondering whose his texting.

Kinalma ko ang sarili ko at tiningnan lang siya ng normal. Hindi ko ipapakita sa katrabaho ko na ako talaga ang sadya ng nasa harap namin. Iniwas ko agad ang tingin ko nang tumigil sa akin ang tingin niya. Naramdaman ko pa na bahagyang natigilan si Chris sa likod ko.

Nilagpasan ko siya at dumiresto na sa elevator. Sumunod naman si Chris na ang tingin ay naiwan para kay Range hanggang sa sumara ang lift.

"Was that Range Vasquez? Yung nagtanong sayo kaninang umaga?" usal ng katabi ko habang hinihintay pinipindot ko ang floor na pupuntahan ko. Pinindot ko na lang ang ground floor kahit na wala naman akong sadya roon.

"Yep." kaswal kong sagot. "Anong floor ka, Chris?"

"Sa 5th lang." sagot niya at agad ko iyon pinindot nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sunod-sunod ang ingay nito.

I had hints kung sino ang tumatawag kaya nag-aalangan akong sagutin dahil nasa loob pa ako ng elevator at dalawa lang kaming nasa loob pero wala na kong nagawa pa nang nagsalita na ang ang kasama ko.

"May tawag ka ata, Tara" ani ni Chris.

Unregistered number ang bumungad sa akin. I know it's from Range. I answered the call immediately.

"I will follow you or you will come back here." he hissed.

Tumikhim ako. Ano bang sinasabi niya? Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin sa tanong niyang iyon ng normal. Pinanatili ko ang pormal na mukha

"Yes, Jac. Sabihin mo na lang kay Leya. Baka sa Monday pa ko maka-uwi. Okay. See you." tanging sabi ko na lang.

"Okay. I will follow you there." At siya na ang nagbaba ng linya. Inunahan pa ako!

Bumukas na ang lift. Nasa 5th floor na kami. Bumaling na sa akin si Chris at nagpaalam.

"Una na ko." paaalam niya.

Pagkaalis na pagkaalis niya ay agad kong tinawagan si Range. I'm the only left herw in the elevator so it's fine. Hindi pa man natatapos ang isang ring ay agad na niya itong sinagot.

"I'm here." bungad niya sa akin, hindi na ako hinayaan pa na makapagsalita ay saktong pagbukas ng lift. Naroon na siya sa harapan. Napipilan ako. Paanong...? Ganun kabilis siya nakapunta dito?

One Night With A Stranger (One Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon