𝑲𝒂𝒃𝒂𝒏𝒂𝒕𝒂 29

833 18 1
                                    


Nor

Mabilis ang bawat galaw ko habang naghihilamos sa loob ng banyo niya. Si Range naman ay nanatili lang sa likod at tinitingnan ako mula sa likod ko.

"You should take a hot bath here." suhestiyon niya habang nanatili ang tingin sa akin. Umiling ako sa kaniya. Kailangan ko ng bumalik sa suite namin bago pa magising ang mga kasama ko at magtaka kung nasaan ako.

Lumabas din agad ako sa banyo niya matapos makapaghilamos at makagamit ng mouth wash niya. Sumunod din naman siya sa akin.

Tumigil ako sa gitna ng kwarto niya. Inilibot ko ang tingin sa buong silid niya ngunit hindi ko makita ang hinahanap ko.

"Looking for something?" pansin niya.

Nahihiya akong sabihin na hinahanap ko ang damit ko. Bakit hindi ko makita? Saang lupalop niya ba iyong nilagay kagabi? Kailangan ko na umalis. Sinulyapan ko ang wall clock na nasa loob ng kwarto niya. It's 5:47 in the morning.

"If you're looking for your clothes it's in the laundry... pero kanina pa iyon. I think tuyo na iyon. Kukunin ko lang." dagdag niya sa likod ko at kinintalan muna ako ng magaan na halik bago umalis.

Napahawak pa ako sa labi ko dahil sa ginawa niyang iyon. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. I can't believe what the could do to me. Wala ng atrasan pa. Kaya ko bang panindigan ang ginawa kong desisyon?

Habang hinihintay siya bumalik ay kinuha ko muna ang cellphone ko na nasa side table niya. It's still have power. Napakagat ako sa labi ko ng makita ang text roon ni Ria. Kinakabahan ako sa kung anong laman ng mensahe niya. Hinahanap niya ba ako kagabi?

Ria:
Maaga akong matutulog,Tara. Nalaman ko kay Techie na may pinuntahan ka raw sa baba. I won't lock the door para makapasok ka. Good night!

Nakihinga ako ng maluwag dahil sa text niyang iyon. Akala ko hinahanap na nila ako. Hindi ko pa naman alam ang isasagot ko kung sakaling mag-usisa sila. Mayroon ring mga text mula kay Leya, Jac at Rein na mabilis kong ni- reply-an. Ibaba ko na sana ang cellphono ko nang may ma-receive akong panibago text. Tumaas ang kilay ko. It's from Drew.

Drew:
Good Morning, my fiancee.

I casually replied his text like what I did to others.

Ako:
Morning too.

"Here," bungad ni Range pagkapasok na pagkapasok niya.

Umangat ang tingin ko sa kaniya. Dala dala na niya ang damit ko na nakatupi pa. May bitbit rin siyang isang paper bag. Dumako ang tingin niya sa cellphone na hawak hawak ko. Nagkibit balikat ako at binaba na ang phone ko sa side table. Humakbang naman siya palapit sa akin.

Inilahad niya sa akin ang mga nakatupi kong damit. Akma ko na itong kukunin sa kaniya nang magsalita siya.

"Who were you texting?"

"Drew," I simply answered.

Kitang-kita ko ang bahagyang pagsama ng kaniya mukha. Kumunot ang kaniyang noo at gumalaw pa ang panga. Hindi ko alam kung bakit ako natutuwa. He's jealous.

"I didn't know you have his number." he said vibrant with sarcasm.

Kagat ko ang labi ko at pigil na pigil ang wag ngumiti. It's bad. Being happy while others is in, well, jealousy. Siguro ganito rin ang nararamdaman niya nang nagseselos ako. Well, it's quit now. Mas lalo akong natutuwa tuwing naaninag ko ang mukha niyang masama ang timpla. This isn't me. Fuck this feeling.

Ngumuso na lang ako at kinuha ang damit ko. Tanging bra, loose top at pants ko lang ang nandoon. Wala iyong panty ko. Pinamulahan pa ako ng maaalala ko na sinira niya nga pala iyon. Mag-susuot ako ng pants ng walang panty? Dammit!

One Night With A Stranger (One Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon