𝑲𝒂𝒃𝒂𝒏𝒂𝒕𝒂 14

956 27 1
                                    


Two

Si Range? Paano niya nalaman ang numero ko? Bigla ay bumalik sa aking isipan ang kaniyang dating sinabi sa akin.

"I have my own ways" I can almost hear his voice inside my head while saying this.

Napanganga ako. Pinapatunayan niya talaga sakin na may sarili siyang paraan lalo't na kapag gusto niya. Hindi ko alam kung mamangha ba ako o ano.

I sighed heavily.

"W-what do you want to talk about? Gabing gabi na alam mo ba yon?" untag ko habang nag-isip kung dapat ko ba siyang puntahan sa labas. Gabi na at baka may mangyari pa sa kaniyang masama. Hindi ko maiwasan ang hindi mag-alala.

"Malalaman mo kung pupuntuhan mo ko." tanging sagot niya lang mula sa kanilang linya. Wala akong nagawa kundi ang lumabas sa aking condo.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang hinihintay ang elevator na pababa. Dalawa lamang kaming nasa loob ng elevator, ako at ang isang babaeng nasa mid-20's na pormang pormang at sa tingin ko ay pupunta sa bar base sa kanyang suot. Tumunog na ang elevator at bumukas na. Naunang lumabas ang babae bago ako.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng reception area. May mangilan-ngilan na tao roon, mga costumer at staff pero wala ang taong hinahanap ko. Napaisip ako. Where is he? Inilibot ko pa muli ang paningin ko hanggang sa mapunta ang aking mga mata sa babasaging pintuan ng building. Nasa labas kaya siya? Huminga ako ng malalim bago maglakad papunta sa labas. May mga gwardiya naman na magbabantay sa labas kaya di ako nakakatakot na lumabas kung sakaling wala man siya roon.

Sumalabong sa aking mukha ang malamig na ihip ng hangin paglalabas ko. Napayakap ako sa sarili. Medyo may kanipisan pa naman ang suot kong damit. Ramdan na ramdan ko ang lamig. Pinagmasdan ko ang kapaligiran. Madilim na sa labas ngunit gising na gising pa rin ang mga tao. May mga naglalakad papalabas at papasok ng tower. Ang mga sasakyan naman sa kalsada sa harap ng tower ay magaan na ang daloy kumpara kanina.

Tiningnan ko kung may tao ba sa aking paligid. Hinahanap ang taong aking inaasahang makita rito sa labas. Napahinto ang tingin ko sa isang lalaking nakasuot ng jacket na itim at ang panloob ay isang v-neck shirt na pinaresan ng black pants. Nakasandal siya sa isang puno na may mga ilaw ang sanga. Nagbibigay ng liwanag ang ilaw na nasa puno para sa parteng iyon ng lugar. Kitang-kita ko tuloy ang kaniyang mukha na seryoso at mariin ang titig sa akin. Bumundol ang kaba sa aking dibdib. Nilakasan ko na lamang ang loob ko at nagtungo na sa kaniya.

Hindi ko maiwasan ang pangangatog ng aking dibdib habang naglalakad papunta sa kaniya. Hindi ko alam kung dala ba ito ng kaba o ng lamig. Ganon pa rin ang ayos niya habang naglalakad ako. Nakasandal habang seryoso pa rin at walang kangiti-ngiti ang mukha.

Huminto ang ako sa kaniyang harapan nang makarating ilang dipa ang layo mula sa kaniya.

"S-sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Masyado ng malalim ang gabi." nauutal kong sabi sa kaniya. Pilit na nilalaban ang kaniyang mga titig na masyadong malalim ang tingin.

Tumayo siya at huminga ng malalim. Ang kaniyang atensyon ay nasa akin pa rin. My heart beat fast when he started walking, closing our distance. Hindi na ako nakagalaw nang nasa harapan ko na siya. Wala na ang ilang dipang layo na inilagay ko sa aming pagitan naming dalawa. Bigla ay parang di ako makahinga .

Umusog ako papalayo ulit sa kaniya. Lumapit siya sa akin. Nang susubukan ko na uli na umusog palayo sa kaniya, hinawakan na niya ko sa braso at hinila palapit sa kaniya. Napadantay tuloy ako sa kaniyang dibdib. Ramdam ko ang init ng kaniyang katawan. Susubukan ko na sana na lumayo ngunit pinalibot niya ang isang kamay niya sa aking baywang. Pinipigilan akong makalayo. Napatulala ako.

One Night With A Stranger (One Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon