Shattered"What happened?"
"I don't know, Leya. Nakita na lang siya ni Donna na walang malay sa sahig."
"Maybe she's too stressed?"
"Ano bang sabi ni Phil?"
I slowly opened my eyes. Medyo masakit pa rin ang ulo ko. Muli akong napapikit ng makita ang nakakasilaw na liwanag mula sa ilaw. Napahawak ako sa ulo ko. Nang mawala na ang konting sakit sa ulo ko ay muli kong binuksan ang aking mga mata hanggang sa masanay sa liwanag.
"Tara..."
Sabay sabay na nagpuntahan ang mga tao palapit sa akin. Una kong naaninag ang mukha nila Rein, Jac at Leya. Sila siguro ang naririnig ko na nag-uusap simula kanina.
"Ayos ka na ba? May masakit ba sayo? Bakit ka ba kasi nawalan ng malay?" sunod sunod na tanong sa akin ni Leya.
"Shut up, Leya. Kagigising niya lang. Don't stressed her out with your questions." saway sa kaniya ni Jac.
Hindi ko na pinansin pa ang dalawa. Umikot ang tingin ko sa paligid. Sa unang lapat pala ng mukha ko sa pader na puti ay alam ko na nasa ospital ako.
"I'll just call the doctor." paalam ni Rein at umalis na.
Nagulat ako nang dumako ang tingin ko sa nasa likod nila Leya at Jac. Sid was also here.
"Hey, are you alright?" marahan niyang tanong sa'kin.
I nodded.
Ayos na naman ang pakiramdam ko. Hindi na ko gaano nahihilo. Hindi ko lang talaga alam kung bakit ako nawalan ng malay. Am I too tired? Too stressed? Nagsusuka ako at laging nahihilo. Madalas na masama rin ang pakiramdam ko. May malala na ba kong sakit?
A familiar doctor went it with Rein and other nurses. I was shocked when I saw Phil. He was the doctor. He smiled at me.My friend made a way when the nurse went to my side and check my vital signs.
"She's okay, doc,"
Phil smiled at me."'It's good you're now awake, Miss. Tara Arevalo or should I say Mrs?" at tumingin siya sa bandang gilid ko kung nasaan si Sid.
Kumunot ang noo ko sa kaniya. Hindi ko siya maintindihan.
"Miss. Arevalo," I answered him.
Nagkibit balikat siya. "Well, Tara, I mean Mrs. Arevalo based on the test. You're seven weeks pregnant. Congratulations!"
My jaw dropped at his announcement. Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. Sa isang maikling sandali ay pakiramdam ko ay tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Natulala ako.
"Phil, are you sure?" paninigurado pa ni Jac. Kumunot ang noo ni Phil.
"Yes, Tara is pregnant. I have the result of his test, Jac,"
Sa gilid ng paningin ko ay kita ko ang gulat sa mga mukha nila Leya, Jac at Rein habang si Sid naman ay nakakunot ang noo sa gilid.
Bumaling sa akin si Phil. "Tara, you need to avoid stress. Stress is not good for the baby. Marami ring bawal sayo. You need to be careful next time."
Marami pang binilin si Phil sa akin ngunit wala na akong maintindihan pa. Para na lang ako nakalutang sa hangin. Walang pumapasok sa isipan ko. I am pregnant?
Napapikit ako nang pumasok sa isipan ko si Range. It was his. Tanging si Range lang naman ay pinagbigyan ko ng sarili ko. He was the only man that I choose to be associated. I gave myself to him and Phil says I am seven weeks pregnant. Seven weeks ago. That was the time I was in a seminar in Batangas and I was with Range.
BINABASA MO ANG
One Night With A Stranger (One Night Series #1)
RomanceStatus: Completed Posted: June 2020 - August 2020 Adrienne Tara Arevalo never imagined that her life would be messed up just because of one night. One steamy night, one unforgettable night and one sinful night. Sa isang lalaki na wala syang ideya ku...