𝑲𝒂𝒃𝒂𝒏𝒂𝒕𝒂 23

834 16 0
                                    


Bad

Kahit sa lakas ng music sa loob ng bar ay rinig na rinig ko ng malinaw ang kaniyang boses. I know his voice very well. Sa ilang beses na namin na pag-uusap ay pamilyar na pamilyar na sa akin ang boses niya. Hindi ako pwedeng magkamali. It's him. Bumilis bigla ang tahip ng dibdib ko. Kinakabahan. Hinapit niya ako palapit sa kaniya. Napasandal ako sa kaniyang dibdib.

"Please leave before I punch you straight to your fucking face." saad niya sa lalaking nasa harap pa rin namin ngayon. Mahihimigang sa kaniyang boses ang matinding pagpipigil. Kinagat ko ang labi ko.

Mabuti ay hindi pa kami gaano nakakaagaw ng pansin sa dancefloor. Busy pa rin ang mga tao sa pag-sayaw at wala man lang nakikitang tensyon sa amin. Ayoko rin na may makakita sa amin ng ganito.

May narinig akong halakhak mula sa aking likuran. Nanlaki ang mga mata ko ang marinig ang boses ni Drew.

"Chill, Range." sabay halakhak nito.

Mabilis akong napalingon dahil sa narinig. Mas lalong akong kinabahan. Nandito si Range at Drew. Bakit? Anong ginagawa nila rito? Bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Range. Natuon na sa aking ngayon ang tingin niya dahil sa paglingon ko. Napakalapit ng kaniyang mukha sa akin. Bahagyang pang nakakunot ang kaniyang noo at bakas pa rin sa mukha ang hindi magandang disposisyon. Nahagip ng tingin ko ang nakangising mukha ni Drew habang nakatingin sa aming dalawa ni Range. Mabilis akong umatras palayo kay Range.

Iniwas ko ang paningin ko mula sa kanila Hindi ko kayang tumingin kay Range lalo na kay Drew. Paano kung magsumbong siya kay mommy ay daddy? Or di kaya sa parents niya? Hindi ko maiwasan na mag-isip ng kung ano ano.

Tumikhim ako bago magsalita. "I'm not your girl, Range."

Nandito si Drew kailangan kong linawin kung ano man ang narinig niya. Patunayan na walang kung ano man sa aming dalawa ni Range. Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Range. Hindi ko mapigilan na balingan siya. Nakangisi na siya sa akin ngayon. Kumunot ang noo ko. Why he's smirking?

"So who's girl you are, Tara?" tanong niya.

Bahagyang nag-igting ang bagang it sa tanong niyang iyon.

"No one. I'm not anyone's property. I'm not anyone's girl." diin ko at tinalikuran na sila dahil sa inis ko.

Don't hope, Range. I'm not your girl and will never be. This is me building a wall to us. Ayoko ng panibagong gulo.

"Maybe mine?" rinig kong ani ni Drew sabay halakhak habang palayo ako ngunit agad rin itong nanahimik. Hindi ko alam kung bakit.

Hindi mapigilan ng utak ko na mag-isip habang pabalik sa aming upuan. Drew is here. He saw us. He heard Range. Ano kaya ngayon ang iniisip niya? Magsasabi ba siya kay Daddy or sa parents niya? I hope not kahit mukhang impossible.

Dumaan ang ilang araw at naging busy na nga ko sa pagtulong kay mommy sa kaniyang nalalapit na birthday. Madalas ay nasa bahay ako para tumulong at magbigay na rin ng karagdagang ideya. Kahit na may event organizer naman ay gusto pa rin ni mommy na maging hands on kasama ako.

Inaayos ko ang suot ko para sa araw na ito. A blue maxi dress with a slit to emphasize my legs. It's still looks formal. I need to look formal dahil naroon ang mga kaibigan ni mommy at ang mga business partners ni Daddy. Ayaw ko naman na magmukhang dugyot. I want to look presentable for this day. It's my mother's birthday. This is her day.

Tumunog ang cellphone ko sa side table. Tinanggal ko ito mula sa pagkaka-charge at sinagot ang tawag habang pinagpapatuloy ang paglalagay ng lipstick sa aking mukha.

"Happy birthday, mommy." bungad ko pagkasagot ko ng tawag. Nabati ko naman siya kaninang umaga but still I want to greet her. Every chance that I would see I will greet mom. I want her to feel special on her day.

One Night With A Stranger (One Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon