Control.
Do you believe that we can control everything in this world just because of the fact that we are living in it? Do you believe that we have the power over the flames of fire, the waves of the oceans, the harshness of the wind, and the movements of the earth? Do you believe that we own everything that we can see?
I don't.
Hindi natin kontrolado ang mundo. Hindi tayo ang makapagpapahinto sa hagupit ng bagyo. We don't own everything. We are just a steward. Tagapangalaga.
We are living because we are tasked to take care of everything. Hindi tayo ang magdedesisyon ng mga susunod na mangyayari. Tayo lamang ang nakatira rito pero hindi tayo ang nagmamay-ari ng lahat. We are all bound to just one mission -- to live. And living means doing everything we can do to survive, involving taking care of everything so we can have all that we need.
Iyan ang pinaniniwalaan ko bago mangyari ang lahat ng hindi ko inaasahan. Ang pangyayaring iyon ang nagpabago sa buhay ko. Ito ang bumali sa lahat ng pinaniniwalaan ko.
It was all started when my Auntie forced me to leave. Siya na ang nagpalaki sa akin dahil matagal nang namatay ang mga magulang ko noong limang taong gulang pa lamang ako. My memories with my parents are not clear, though. Wala akong maalalang nakasama ko sila. Maybe because I was just five years old that time?
Pero bakit pati ang pagkamatay nila, hindi ko rin matandaan?
Doon nagsimula ang pagiging kuryoso ko. I grew up without friends. Isa pa, napakahirap sa akin makahanap ng kaibigan dahil palipat-lipat kami ng lugar ni Auntie. Dahil doon, palipat lipat din ako ng paaralan. Wala naman akong reklamo dahil hindi ko naman kailangan ng kaibigan. The word "friends" doesn't really exist for me. Hindi natin kailangan ng kaibigan para mabuhay. The only person who can help us are us. We have no one except for ourselves. Hindi mo kailangang dumepende sa iba para mabuhay.
Until that day happened. I was reading a textbook inside my room when I suddenly heard a loud explosion. I immediately went out and checked what was going on.
There, I saw three men wearing cloaks. Napahawak ako sa sentido ko nang makaramdam ako ng kakaibang sakit sa ulo. Sobrang sakit. Parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit.
I groaned in pain. Napaluhod ako sa sahig hawak hawak ang ulo ko habang patuloy na sumisigaw. Hindi ko na marinig ang nasa paligid ko. I then saw one man in cloak glanced at me. He smirked upon seeing me, wincing in so much pain.
Then everything went black.
"Athena. Wake up! Athena! Kailangan mong umalis!"
Napaupo ako at napatingin sa Auntie ko na hinihingal sa harapan ko. Hindi na sumasakit ang ulo ko kagaya ng kanina. I surveyed Auntie's body just to see it covered with blood. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
"Auntie? What happened? Bakit puno kayo ng sugat! May nakapasok bang magnanakaw?!" natatarantang sabi ko. Napatayo ako at muntikan nang mabagsak dahil sa hilo kung hindi lang ako inalalayan ni Auntie.
"Athena, listen. You need to go. Hindi na tayo ligtas dito. Nalaman nila ang pagkatao natin. You need to save yourself. Go!" Hinawakan niya ako sa braso at hinila papunta sa pintuan.
Nagpumiglas ako at pilit na humarap sa kanya. "Ano bang nangyayari, Auntie? Bakit mo ako pinapaalis? You need to go to a hospital! You're literally covered with blood! Anong nangyari!?"
"Sundin mo na lang ako! You need to go. Ililigaw ko sila kaya kailangan mong umalis. You need to be saved. You're the future of everyone who have controls, Athena! You need to go! Umalis ka na!" pilit niya pa rin akong pinapaalis.
"Fuck," I cursed because of frustration. Alam kong hindi ako makakalaban sa kanya. Hindi ko kailanman siya nakontra sa kahit na anong bagay. "Will you be okay?" nag-aalalang tanong ko.
She nodded and smiled at me genuinely.
"Remember everything I had taught you. Do not let your emotions win over you. Be in control of yourself. Kailangan ka nila, Athena. Ikaw ang makakaligtas sa kanila," sambit niya na hindi ko naintindihan. "I know you'd eventually hate me dahil sa pagtago ko sa katotohanan pero ginawa ko lamang iyon para sa kapakanan mo. Pero sadyang hindi ko kayang pigilan ang nakatakda."
"Auntie..." naguguluhan kong tawag sa kanya.
Ano bang pinagsasasabi niya? Anong katotohanan? Anong nakatakda?
Sabay kaming napalingon nang biglang may bumulusok na kutsilyo sa gilid namin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang tatlong lalaking nakita ko bago ako mawalan ng malay. Hinawakan ko ang ulo ko, dahil nakaramdam ulit ako ng sakit. But compared to earlier, it was bearable.
Mabilis na pumunta sa harapan ko si Auntie, mistulang pinoprotektahan ako sa anumang pupwedeng mangyari.
"I really can't believe that I let you two roam around in this world like a normal person for almost two decades." Isang malalim at nakakatakot na boses ang narinig ko mula sa isa sa kanila.
"Hindi niyo siya pupwedeng kunin. Papatayin niyo muna ako bago niyo siya makuha!" sigaw ni Auntie sa kanila.
"Aunti---"
"Kunin mo ito. Sayo ito, Athena. Bigay sayo ng mga magulang mo," Auntie said as she gave me a necklace. "Itapat mo ito sa liwanag ng buwan. Pagkatapos ay pindutin mo ang buton na lalabas mula sa pendant na nariyan. Isang beses mo lang pupwedeng gamitin ito, Athena. Make that one chance worth it by saving yourself from here. Go and save yourself, Athena. Save yourself."
Ito ang huling katagang narinig ko sa kaniya dahil pagkatapos niyon ay tumakbo na ako nang matulin sa palabas. Tanging ang buwan lamang ang naging liwanag ko sa gabing iyon.
I ran. I ran as far as I could.
Nang tumigil ako ay hingal na hingal ako. I glanced at the necklace on my hand. It's extremely beautiful. Sinunod ko ang sinabi ni Auntie at itinapat ito sa liwanag ng buwan. I almost jumped in horror when suddenly, a button appeared above it's pendant! But it's not the right time to be mesmerized by this. I shook my head as I clicked the button.
Napatingin ako sa paligid nang biglang lumakas ang ihip ng hangin. Ang mga dahon na tahimik na nakahimlay sa lupa ay nagsimulang magliparan. I pursed my lips to calm myself from this extraordinary situation. Palakas na nang palakas ang naririnig kong huni ng mga ibon. Binalot na ng takot ang buong sistema ko lalo na nang may makita akong mistulang portal na nabuo sa aking harapan. Papasok doon nililipad ang mga dahon.
"Nandoon!"
"Huwag niyong hayaang makapasok siya sa portal!"
I winced in pain when a knife passed through my arm. Fuck!
Napahawak ako rito nang maramdaman ang sunod sunod na pagpatak ng dugo ko. Napalingon ako sa pinaggalingan ng kutsilyo at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang tatlong lalaking nasa bahay kanina!
Anong nangyari kay Auntie? Where is she? Anong ginawa nila sa kaniya!? God damn it!
"Huwag ninyong hayaang makapasok! Magugulo ang lahat!"
Lumingon ako sa portal na nasa harapan ko. Hindi na ako lumingon pa sa mga lalaki at tumakbo na lamang papasok roon, hindi na iniisip kung ano ang maiiwan ko at kung ano ang tatambad sa akin pagkapasok.
***
a/n: perigo, in Portuguese, means danger.
YOU ARE READING
Perigo University
FantasyAthena Beatrice Levin is just a normal girl, living her normal life, or that's what she thought. It all started when her Auntie pushed her to enter a portal. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa kaniya pagkatapos nito, ngunit wala siyang ibang m...