Chapter 14

9 2 0
                                    






"KRIINGGGGGG!!!"

Swabe! Sakto lang ang dating ko. Tamang-tama at kapapasok lang ni Ms. Cortez.

"Good morning, class!"

"Good morning... Ms. Crotez."

Nagsasalita na si Ms. Cortez pero hindi ako makapag-concentrate. Itong mga katabi ko kasi, kanina pa parang bulateng galaw nang galaw, titingnan ko naman nakabusangot. Makakatikim talaga 'tong mga ito kapag wala akong naintindihan sa lesson namin. Tss.

"Ms. Mendez?"

Oof

Ito na nga ba ang sinsabi ko. Naku. Patay.

I stand up, "Y-yes?"

Shet. Kung magpapa-recite siguro siya, ito ang kauna-unahang hindi ako makasasagot sa kanya. Damn. I'm aiming for a Latin honors tapos hindi ako makasasagot?? Nakatingin na silang lahat sa akin. I know, I'm sweating.

"Pakikuha nga 'yong class record ko, sa table ko riyan sa likod."

Woah! I thought she will asks me some questions about our topic. While getting her class record, biglang pumasok sa isip ko 'yong pinautos sa akin ni Ms. Alari kanina.



Habang naglalakad ako papasok ng main gate, nakita ko si Ms. Alari.

"Good morning, Ms."

She turned to me, "Oh! Ikaw pala 'yan, Kellie. Naku! Tamang-tama, at kailangan ko ng tulong mo, hija. Can you do me a favor?"

I smiled at her, "Sure, Ms. Ano po ba 'yon?"

"Ano kasi," she scratched her cheek. "I left my class record in the faculty room, and I need that now. Hmm...pwede ba? Tutal ang aga-aga pa naman, eh."

I nodded, "Sige po."

While walking to the faculty room, may narinig akong nagbabangayan sa gilid, mga lalaki yata? But I didn't bother to take a peek. Binalewala ko na lang.

"Ah..uhh... s-sir?" Tumingin sa akin si Sir Buencamino. "Pinapakuha po kasi ni Ms. Alari iyong class record niya..."

"Ah, oo. Sige pumasok ka. Kunin mo na lang sa table niya roon." So, I immediately grab the class record and get out. Pero bago ako tuluyang makalayo sa faculty room, I heard my name from those men sa gilid. So, with my curiousity sumilip ako and to my suprise, I saw men arguing someone? But I heard my name! Is it possible na...ako 'yon? Kung ibang mga lalaki lang ito at kung pinag-uusapan nila ako? I would not waste my time to eavesdropped. But... I did not expect these two that... it's like, they know each other well!

"Damn it, Brandon! You're ruining my life!" It was...Kenneth.

"Fuck! Please, bro!" Magkakilala ngang talaga. Silang dalawa iyong taong inaasahan kong hindi magkakilala pero sila pala iyong taong close na close sa isa't isa.

"Fuckshit, B! Janine wants to break up with me now! This is enough. Hindi ko isusugal 'yong girlfriend ko sa Kellie mo. I don't want to hurt Kellie's feelings too but... damn. I love Janine." That hurts. Masakit para sa aking marinig 'yon.

He continued, "You know what? The day before you introduced her to me kahit na kilala ko naman na siya kasi sikat naman 'di ba? But the problem is, hindi familiar ang mukha niya sa akin. B, bago 'yon nangyari... bago ka humingi ng favor, I already met her. She accidentally bumped me. I really don't know her but, nalaman ko lang nang tumingin ako sa I.D niya... nasabi ko na lang sa sarili ko na, nakita ko na siya, finally."

Heartaches Made Her Changed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon