Chapter 5

20 13 6
                                    




UMAGANG-UMAGA pa lang nakaka-stress na. Nakakapagod. Nakakapanlumo. Nakakasawa. Palibhasa eh, college level na. Hinihintay namin ang susunod na teacher namin which is History. Five minutes na bakit wala pa siya? Absent yata si Ms. Alari. Mabuti naman kung gano---

"Magandang umaga, klase." Speaking of Ms. Alari. She's here. Ayan na naman 'yong emotionless ni Ms. Kahit alam mo namang mabait, nagtataka ka pa rin kung bakit parang wala siyang ka-emotion emotion? Minsan naiisip kong may nangyari sa nakaraan niyang... alam mo 'yon, parang may nagpapaalala sa kaniyang kailangan mong maging ganyan dahil hindi mo deserve maging masaya. Argh. Ewan. Feel ko lang bakit ba?

"Magan....dang.... uma....ga, Ms. Ala....ri." Kung makabati naman 'tong mga kaklase ko parang hindi welcome si Ms. Alari ah. Ay hindi si Ms. Alari ang hindi welcome, 'yong subject mismo na tinuturo niya ang ayaw nila. Kung ibang professor siguro ang makaririnig ng pagbati ng mga ito, ipapaulit nang ipapaulit nila hanggang sa maging lively ang tunog ng greetings sa kanila. But then again, dahil mabait talaga si Ms. hinahayaan niya lang sila kasi alam niyang hate nila talaga ang subject niya and she can't do anything.

"Maaari nang maupo. Paumanhin dahil ako ay nahuli ng limang minuto sa klase. Gayunpaman, malapit naman nang matapos ang Aralin 4: Kabanata 3..."

Hay. Patuloy lang na nag-di-discuss si Ms. pero lumulutang na naman ang utak ng mga kaklase ko. I take a look at Cathy, ayon at bagsak na naman ang ulo sa desk niya. Minsan ginagamit ang buhok para takpan ang kabuuan ng mukha niya para 'di siya makitang natutulog. White lady ang peg.

Iyong iba naman patagong kumakain, nakatago rin syempre ang pagkain sa bag. Ang damot nito. Iba naman ay patago ring tumatawa. Take note. No sounds 'yan. Ang galing 'diba? Legend students talaga.

Limingon naman ako kay AJ, tsk! 'Di pa yata namalayan na nakapikit na pala ang mata niya. Ayon, pasimpleng bina-bad shot. Kawawang AJ. At ako, nilalabanan ang antok. Kailangan kong makinig dahil may mina-maintain akong grades. Langya talaga. Nakakahawa sila. They really hate this subject huh?

Pero kahit gan'on pa man, 'di sila pinapakealaman ni Ms. Binabalewala niya lang ang mga students niyang iba ang ginagawa, hindi dahil sa mabait siya. Oo, mabait naman siya. Pero kasi kapag quiz day na namin at bagsak sila, hindi na raw niya problema at kasalanan 'yon. 'Di man lang kasi ma-appreciate ang History. Nakakaantok naman talaga na sub--

"Oh paano na? Natapos na natin ang buong Kabanata. May katanungan?"

"Wala po, Ms!" They said in chorus.

Hmm. Mukhang gising na ang diwa ng mga 'to ah. Masyado pang maaga.

"Kung gayon, maglabas ng isa't kalahating papel dahil magkakaroon kayo ng pagsusulit."
Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Bahala nga kayo.

"Ano?!"

"Ms. naman..."


Sige lang. Paawa pa more.

"Huwag po muna ngayon, Ms."


Ang daming violent reactions, natutulog din naman.

"Oh anong gagawin natin sa kalahating oras na natitira?"

Natawa na lang ako sa kanila. Talagang lilibangin ang teacher para hindi matuloy ang quiz ah. Galawang legend students talaga.

Cathy poked me, oh, gising na pala. This is a big miracle. Lakas ng radar niya ah, "Girl, what's happening?"

"May exam." As expected, nagulat at nag -panic siya. Sino ba naman ang masaya, kapag ibinalitang may exam lalo na sa subject na hate na hate mo, mabubuwisit ka talaga, hindi na sa subject... kundi sa teacher na mismo.

Heartaches Made Her Changed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon