Epilogue

4 0 0
                                    








PAGKATAPAK ko pa lang sa NAIA, ngayon ko lang uli naramdaman ang mainit na simoy ng hangin ng Manila. I missed it.

As expected, sobrang busy pa rin ng nito. Ang palagi kong kasama saan man ako pumunta ay ang mabigat nitong trapiko sa EDSA.

I'm just weaing a white sleeveless tutle neck tuck in with a high-waist denim shorts and my 3 inch high heels. Inilugay ko lang ang wavy hair ko.

Ang haba ng biyahe kaya gusto ko na lang matulog sa bahay agad. "I'll go straight to our house, Catherine." Hinihintay ko lang ang family driver namin para roon na lang sumakay.

"Kumusta po kayong lahat doon, Ma'am Kellie?" Dumating na ito sa wakas at siya na ang naglagay ng mga bagahe namin ni Cath sa compartment. "Sobra po ang pinagbago niyo, Ma'am."

Sumakay na kaming tatlo saka ko lang siya sinagot.

"Ibang-iba po talaga kayo sa dating Kellie. Pati na rin po si Ma'am Cath."

I looked at Catherine. Pareho kaming nag-iba pero...

"Mauuna ko po bang ihatid si Ma'am Cath sa condo niya?" Sumilip siya sa akin sa rear mirror. "Or, kayo po muna?"

Kinalabait ako ni Catherine. Sinabi niya sa akin na pumunta muna kami sa condo unit ko para makuha ko na lahat ng gamit ko roon tutal andito naman ang family driver namin na pwede kaming samahan.

After doon, sa bahay namin muna raw siya matutulog dahil kinabukasan, ibebenta na niya rin ang condo niya.

"Nakuha mo na ba lahat ng gamit mo roon?" She nodded. "Well, kung ganoon... kuya, we'll go first to my condo unit." Agad naman siyang sumunod.








***









"OMYGOSH..." My voice echoed in the four edges of my unit. Lahat ng gamit ay natatakpan ng puting tela. Sobrang init din dahil hindi na nakasindi ang air con. "Will I really give up this unit?" Emosyonal kong tanong kay Catherine dahil noong nasa Cali pa ako ay disidido na akong ibenta pero nang makita ko itong muli at nagbalik-tanaw sa mga ala-alang binuo ko. I've been independent since then. Natuto akong mamuhay nang wala si kuya. Mas namulat ako sa katotohanan na ibang-iba rin talaga kapag kasama mo sila, ang family mo. Dahil kapag oras na ng hapunan, andyan sila para magluto or kasama mo para kumain.

But that became my lesson kasi noong lumipat ako ng bahay sa Cali, I already have an idea what to do. It's not strange anymore to me. Nasanay na ako eh.

"Mas nasasayangan ako sa unit ko, 'no, Ilang taon ko rin kayang nakasama 'yon. Ikaw isang taon lang yata----"

"But it's not about the years, Catherine. It's about the memories you left in here." Naglakad ako papuntang kwarto. Nasa pinto pa lang ako ay biglang sumagi sa isipan ko ang imahe naming dalawa na mahimbing na natutulog habang yakap ang isa't isa. I swallowed hard. "I experienced sleeping on that bed with him." 'Yong dapat na nasa isip ko lang ay naisatinig ko na.

Heartaches Made Her Changed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon