Nanlalaki ang mga mata ko siyang tinignan, "Cash? Sa dami nila, hindi mauubos 'yang pera mo? Ano ka ba? Nangangampanya?"
He held my hand and squeezed it. "Then let's go and buy another-----"
Tumingin ako sa mga taong naghihintay, "Gab, sobrang dami nila. Pwedeng sa fast food na lang tayo bumili?" I turned my gaze back to him. "Sobrang mahal do'n, eh." I said in a worried tone.
Kulang-kulang 20,000 madudukot sa wallet niya kung sa restaurant na iyon pa siya bibili.
"Fine, baby. Wait," humarap siya sa lahat. "Can you wait for more or less one hour? We'll gonna order foods for you. Is that alright?"
Nakakatuwa lang kasi kahit hindi nila naintindihan ang sinabi ni Gab ay ilang beses silang tumango.
Ilan sa kanila ay hindi na maalis ang mata sa kaniya dahil talaga namang nakakatulala ang kagwapuhan niya.
Itinapat niya ang bibig sa akin na siya namang ikinagulat ko, "Baby, eyes on me only. Let's go." He again squeezed my hand and then pulled me towards the car.
Kinailangan pa niyang bumusina dahil may mga nakaharang sa harap.
"Why you seemed like having fun helping people?"
Lumingon siya saglit sa akin at saka ngumiti, "Well, because you love it. Everything you love, I'd love, too."
I didn't expect him to say that!
My heart gets fluttered all because of him.
Nasa daan na ang paningin niya when he continued our conversation. "I also have charities that's why helping people isn't strange to me."
"You have?" Gulat uli akong napatingin sa kaniya. Sa edad niyang 'yan, may charities na siya?
Nginisihan niya lang ako saka ibinigay na ang atensyon sa daan.
He ordered hamburgers, sandwiches, french fries, tacos, ice cream, pitas, spaghetti with chickenjoy bucket, rice, and desserts with beverages for 300 people.
Mochaccino Frappe for me and Latte Macchiato for him while waiting for the orders.
Nang makuha namin ang 'di mabilang-bilang na plastic bags, nagpasama pa kami para ilagay iyon sa compartment ng kotse. Dahil sa dami niyon ay kinailangan pang magpa-deliver sa truck ng may ari ng fast food na iyon.
Daig pa ang nagpapiyesta sa dami ng pagkain, eh. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan and at the same time, na-excite rin ako because with this little act, we help people at least. Kung malalaman ni kuya ito ay siguradong matutuwa siya. Baka mag-sponsor pa.
Nakarating din kami sa wakas at kita ko sa mukha ng lahat ang pagkasabik nang makita kami at ang nakasunod na truck. Inabot kami ng dalawang oras sa pag-di-distribute ng pagkain dahil sa mga batang nakikipag-unahan sa harap makakuha lang. Minsan ay sa pakikipag-unahan nila ay pati ako nabubunggo nila.
"Huwag makipag-unahan dahil lahat naman kayo mabibigyan."
Bigla akong napatingin sa seryoso ngunit may ingat na boses ni Gab. Hindi ko inaasahan ang pagtatagalog niya para lang makausap at maintindihan ang mga bata. Lahat naman lalo na ang mga bata sa harapan ko ay natahimik. Kanina lang ay halos mag-suntukan na sila. "I'm fine, Gab." Binigyan ko siya ng sinserong ngiti at saka na bumaling sa mga bata para mabigyan na ng pagkain at makakain na sila.
BINABASA MO ANG
Heartaches Made Her Changed (COMPLETED)
RomansaKellie Mendez is a smart and kind girl pero paano kaya kung ginalit na siya? Is she still good or will go beyond it? In just 18 years old girl, marami na siyang napagdaanan. Heartbreaks. She promised herself that she will never fall in love again...