Chapter 30

3 1 0
                                    

Author's Note:

W.A.R.N.I.N.G!!!!

Rated SPG will be the next chapter you will read. Please be a responsible reader, some parts would possibly break your innocence, so if you're still 18 years old below, skip that part or mag- next chapter ka na lang. HAHAHAHAHAHA!








Nasa itaas kami ngayon ng bar to have a coffee. Hindi ko pa rin siya pinapansin at kahit na gustong-gusto niyang tumabi sa akin, sa gitna nina Cathy at AJ naupo. Nakabukas na lahat ng ilaw kaya kitang-kita na namin ang isa't isa. Napansin ko ring hindi gaanong nalasing sila Chase, pero hindi talaga nakainom si Gab. And AJ confirmed it to me.

"Hindi talaga siya uminom the whole night," simpleng bulong pa niya. Nasa harap namin silang lima at mukhang basang-sisiw na halos mahalikan na ang floor sa kayuyuko.

Bumaling ako kay Cathy na sobrang sama ng tingin kay Lucas katapat niya habang sumisinghot pa dahil sa kaiiyak.

Siniko ko siya na agad namang lumingon sa akin, "Ano ba?" Bulong ko. "Talk to him."

Sumandal siya sa sofa at pinagkrus ang mga braso. Ang maldita, ha. Gulong-gulo rin ang buhok niya. Bigla namang sumakit ang tagiliran ko.

"H-hey, Kellie." AJ held my arm. Napadaing ako sa sakit ng bandang tagiliran sa kanan ko. "Shit, may masakit ba?" Tumayo agad si Gab nang marinig 'yon.

I gestured her to stop para na rin 'yon kay Gab. "I'm... f-fine. OK lang ako." I leaned backward and sobra kong pinigilan ang sakit.

Bandang appendix to, ah. Langya. Nang tumalikod na si Gab dahil sinabi ni AJ na umupo lang siya saka ako mariing pumikit dala talaga ng sakit.

Humugot ako ng hininga at inilabas iyon sa bibig ko. Nakita 'yon ni Cathy. "Saan banda ba ang masakit, Kellie?"

I mentally cursed. Ang ingay nila. Pinagpapawisan na ako sa sakit ng appendix ko. Dahil ito sa pagmamadali ko kanina pumunta rito, eh. Sa dami ba namang kinain ko kanina, malamang kumalog lahat ng kinain ko.

"Hindi ba kayo mag-uusap?" Inilihis ko ang topic sa kanila Cathy at Lucas. "Ano? Uupo lang tayo, hihintaying sumikat ang araw?"

Sumulyap si Lucas kay Cathy pero nag-iwas naman siya ng tingin. Kunwari kong hinanap sa phonebook ko ang pangalan ni tita, mommy ni Cathy. "Ano bang oras sa States ngayon, AJ?" Mahina kong sabi pero sinigurado kong rinig ng lahat lalo na si Cathy.

Naramdaman kong tumingin agad si siya at matunog na bumuntong-hininga pero kay Lucas ako tumingin, sinikap kong hindi magtama ang mata namin ni Gab, "Hindi pa alam ng parents niyong dalawa na kayo na, ano?"

Nanigas ang lahat sa gulat. Naramdaman kong hinawakan ni AJ ang likod ko. I raised my eyebrow to him, "Ano? Sumagot ka, Lucas."

Umiling siya saka na yumuko.

"Pati rin naman kay tita Mary Ann, ah." Napalingon ako kay Cathy nang ungkatin niya iyong tungol sa amin. Pinanliitan ko siya ng mata. "S-sa parents lang ni Gab. Pero kanila tita hindi pa."

Natatakot siyang diretsahin ako na isusumbong niya rin ako kay mommy pero hindi ako nagpatinag.

I nodded at her saka ako tumingin kay Gab na nasa akin pa rin ang paningin, "At wala akong balak."

Heartaches Made Her Changed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon