Chapter 31

2 0 0
                                    







'Good morning, baby. I just have to go to the company so I can cope with the happenings I've missed. I won't flirt. It's only you, my love.'

Paggising ko ng umaga, wala na siya sa tabi ko kaya sobrang nagtaka ako. Pumunta akong kitchen baka pinagluluto niya lang ako ng breakfast namin pero nagluto nga siya, mag-isa ko naman kumain niyon. Nakita ko 'yong note niya sa noo ko nakalagay nang nagsepilyo ako.

Alas dies na ng umaga and sobrang inaantok pa rin ako. Babalik na lang sana ako para matulog nang may tumatawag sa labas. Sumilip ako sa peep hole, nakita ko ang isang babae na mas ahead sa akin at naghihintay sa labas.

Syempre, ayoko naman siyang paghinatayin nang matagal kaya pinagbuksan ko na agad siya.

Natulala siya nang ngumiti ako sa kaniya, "M-ma'am..." Pero bakit parang mukha siyang natatakot sa akin?

"Yes po?"

Tinignan niya ako, papunta sa mga dala niyang pagkain pabalik sa akin. She handed me those foods, "I-ito po, oh. Pinapabigay ni Sir."

Ngunit hindi ko agad iyon tinanggap at nagtataka ko siyang tinignan, "Who?"

"S-sir Gab po. Secretary niya po ako..." Yumuko siya, halatang nahihiya at kinakabahan.

I chuckled and tapped her shoulder saka ko na kinuha ang dalawang plastics na may lamang mga pagkain. "Thank you pero... bakit kayo po ang nagdala rito?"

Napakamot siya ng batok, "A-ano... mas pinagkakatiwala niya po sa akin 'yan para sure po na sa inyo talaga mapunta."

"Ano bang ginagawa ni Gab?" Sinilip ko ang mga pagkain sa plastic. Looks yummy.

"Busy si Sir, Ma'am. Sobra! Hindi po kasi siya nakapasok ng isang linggo, eh." Chika niya agad.

Natawa ako, "Bakit daw?"

Nag-isip pa siya at nagkamot ng ulo, "Ano na 'yon? Ah! Nag-baby sit daw po!"

'Gago, baby sit talaga, Gab?'

Pero para hindi na siya makahalata, I just nodded. "Oh, I see. By the way, kakatapos ko lang kumain ng breakfast dahil kagigising ko lang din so basically, hindi ko maubos ang lahat ng 'to."

Nataranta agad siya, "P-po? Pero bilin po ni Sir na ubusin niyo ang lahat ng 'yan, Ma'am."

I laughed, "I can't. Masasayang lang." I handed her the other plastic to her, "Here. Get this and eat that----"

Ilang beses siyang umiling, "N-no, Ma'am. Magagalit po si Sir. Inyo talaga 'yan."

Kinuha ko na lang ang kamay niya at doon ko binigay ang pagkain. "Just get it. Hindi ko talaga mauubos 'yan."

Bumuntong-hininga na lang siya, "Mabuti na lang at mabait siya." Dinig kong bulong niya.

"What?"

Napatingin siya agad sa akin, "A-ano po 'yon, Ma'am?

I shook my head, "Nothing. Sige na. You may now go back to the company. Thanks."

Ngumiti siya pabalik, "Thank you rin po, Ma'am."

Pero bago ko isara ang pinto noong umalis na siya, narinig kong may kinausap siya.

Heartaches Made Her Changed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon