Chapter 25

2 1 0
                                    







"Here. Stop there," I slightly tapped his arm. After that wonderful night happened between us, naging magaan ang lahat sa aming dalawa. He cleared everything and so do I. Sinabi ko sa kaniya kung anong nangyari sa akin sa Picnic Grove. And the day after that day, sinagot ko siya hindi sinabi ni AJ but because I decided to be with him officially. Hindi ko na masabi kung ano ang facial expression niya pero saulo ko pa rin kung ano-ano ang mga naramdaman niya.

So much joy, excitement, great pleasure, and he was so happy. Walang sinuman ang nakapantay niyon that time.

And then the week after, hindi kami nakapagkita dahil nagkaproblema sa company nila. But we had met online.

"Here?" He pulled over sa likod ng ale at ng kasamang apo.

Andito kami ngayon sa Pangasinan.

We opened the car and went near them, "Uh, excuse me po."

Humarap naman bigla sa amin ang apong nasa edad na 13, "'Nay." Kinalabit naman nito ang lola na dahan-dahang lumingon sa amin dahil sa katandaan. "Adda tao!" Sigaw nito sa mismong tainga ng lola.

"Ay!" Lola narrowed her eyes on us like familiarizing who we are. "Asino kayo ngay?"

Gab and I looked at each other with confusion.

"Aniya ti kasapulan yu?" Malumanay na ani ng matanda.

Nawalan ako ng salita dahil halos wala akong maintindihan.

Nangungusap akong tumingin kay Gab, "I couldn't understand any.."

He shook his head and shrugged.

Sumunod naman akong tumingin sa bata, "Ugh, pwedeng magtanong?" Nagpapaintindi kong sabi na may halong senyas.

She pressed her lips, "A-ano po 'yon?" Pareho kaming nakahinga sa sagot ng bata.

"Saan ng banda ito? And--- uh, malapit na ba ito sa Hundred Islands?"

Sunod-sunod na tumango ang babae sabay turo sa kanan, "Diretso lang po kayo, malapit na po kayo sa Lucap Wharf. Mapan kayo nga umuna idiay opisina ti tourism, tapno mangabang kayo ti bangka nga mapan idiay Hundred Islands."

I slowly getting the idea but the latter was still vague. "You mean--- ah, ang ibig mo bang sabihin, pupunta kami ng tourism office para..?"

Nakamot niya ang ulo, "Para... magrenta ng bangka mapan idiay Hundred Islands." Nakukulitang aniya tsaka siya humarap sa lola habang hinihila ang laylayan ng damit nito, "'Nay, mairap!"

Natawa ang matanda, "Untan tun talaga.." Hinarap niya kami. "Punta kayo sa tourism office para magrenta ng bangka kung gusto ninyong mag island hopping papuntang Hundred Islands."

Lumiwanag ang mukha namin ni Gab nang maintindihan sa wakas ang gustong iparating.

"There you go.." Bulong niya habang dumudukot ng pera sa wallet. "Here." Abot niya sa matanda.

Sabay namang lumaki ang kanilang mata sa laking halaga ng perang binibigay ni Gab. "Naku, hijo! 'Wag na!"

Pero biglaan namang siniko ng bata ang lola nito, "Ay, apo, 'nay! Pera na ngarud!" Bulong niya pero rinig pa rin namin na kahit hindi gaanong naintindihan ay natawa na lang kami.

Heartaches Made Her Changed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon