Chapter 29

3 1 0
                                    







One week later...

"Hindi mo ba siya kakausapin?" Umupo si Cathy sa kama ko mukhang naiinip na.

Nang malaman nilang hindi ko na kinakausap si Gab, nagtaka sila. Syempre para maliwanagan sila sa nangyayari sa aming dalawa at para mabigyan nila ako ng mga advice, kinuwento ko. Pero nang isang linggo na ang lumipas at hindi ko pa rin siya kinakausap, pinuntahan na nila ako sa condo.

"Kellie, one week na." Cathy worriedly informed me.

One week na nga..

"Kausapin mo na 'yong tao. May work din siya, gagi. Halos sa oras-oras niyang pagpunta rito, which is, hindi mo pinagbubuksan ng pinto, hindi na siya makakapagtrabaho----"

Pinutol ko ang sinabi ni Cathy, "Wala naman akong sinabing puntahan niya 'ko rito araw-araw kahit hindi na siya magtraba----"

"But the mere fact that you're his girlfriend, syempre, susuyuin ka niya. He was wrong, yeah. Kaya nga humihingi siya nang time so you could talk." And finally, AJ talked.

"Pero—"

She sighed, "Kellie, makinig ka nga. He fucking loves you, OK? Question-in mo ang mundo kung bakit hindi ka niya sinusuyo. Sinusuyo ka naman niya, 'di ba? And, hindi naman ganoon kabigat 'yong kasalanan niya sa 'yo. Why? Nakabuntis ba siya? Why? Did he cheated on you?"

Hindi na naman ako nakapagsalita.

Pati si Cathy, tinitignan pa ako na para bang hindi raw ako nakikinig sa kaniya.

"Look, 'wag mo nang patagalin away niyo. This is the time para mag-usap kayo. If you're thinking that he really cheated on you, ask him directly. Patunayan mo. He just needs to tell the truth or else..." She smirked that made me confused.

"What do you mean?" This time, naunahan akong tanungin iyon ni Cathy.

"Or else..." She shrugged. "Mabubuhay si Kellie sa isang relasyon na puno ng kasinungalingan."

And damn.

That's the thing I don't wanna happen to me.

Lumihis ang topic sa amin ni Gab at napunta sa lovelife ni AJ.

"Ngina mo, Catherine. Ba't napunta sa 'kin?" Binato niya ng unan si Cathy.

Natawa na lang kaming tatlo, "Why don't we go shopping?" Cathy suggested.

"Why not to his bar tonight instead?" AJ narrowed her eyes to Cathy.

Hmm...

I missed him though. His presence, hinahanap-hanap ko na. Super nakokonsensya talaga ako whenever he's knocking at my door, asking me if he can come in. Umiiyak na lang ako dala ng konsensya ko kasi one week ko siyang natiis.

Samantalang siya, halos hindi na maharap magtrabaho dahil sa kakapunta rito. Bakit naman kasi hindi na niya sinabi agad the last time we talked. No, the first and last time I went in their house. Binigyan pa ako ng dahilan para magduda. Kesyo kapag sinabi niya, magagalit ako. Langyang rason.

Ayos lang 'yong sakit na mararamdaman ko kapag nagsabi siya ng totoo pero mas dodoble kasi kapag pinatagal pa niya tapos kung ano-ano na naiisip ko.

I almost jump when my phone rang. Akala ko siya na.

"Who is it?"

"Si Gab ba?"

Heartaches Made Her Changed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon