MAXINE POV
Minulat ko ang mga mga mata ko at puro puti ang nakikita ko. Nasan ako?
Naramdaman kong parang may gumalaw sa bandang kaliwang kamay ko kaya tinignan ko ito. Si yumi lang pala. Maya maya ay bigla siyang nagising kaya. Agad siyang tumayo at tatawag na sana ng doktor ng pinigipan ko siya.
"Wag na yumi. Ok na ako." ako. Pero ang totoo masakit talaga ang tiyan ko dahil sa ginawa ni jiro.
"Nagugutom ka ba?" yumi. Mahahalata mo sa mukha niya na nagaalala talaga siya.
"Ahmm oo pwede mo ba akong bigyan ng pagkain." ako. Tumango naman siya at pumunta sa maliit na mesa. Agad niyang binigay sakin ang pagkain. Kinuha ko naman ito sakanya at agad na kumain. Pero bago yun ay inalalayan muna niya akong makaupo ng maayos. Ng makaupo na ako ay tsaka na niya binigay sakin.
After 5 minutes.
Natapos na ako sa pagkain kaya binigay ko na sakanya ang pinagkainan ko. Umupo ulit siya sa harap ko at nagtanong.
"Bakit ka na naman niya sinaktan?" yumi. Galit na galit siya habang tinatanong niya yun.
"Inaakala niyang may relasyon kami ng kapatid niya." malumanay kong sabi.
"Sabi ko na sayo diba. Iwan muna ang lalaking yun." yumi.
"Pasensya na di ko talaga kaya---
"Bakit? Dahil na naman jan sa lintik na pagmamahal mo sakanya. Maxine naman marami pang matinong lalaki jan. Na kayang lamangan ang asawa mo." yumi.
"Kahit anong pilit ko di ko talaga magagawa. Pasensya na." ako.
"Ewan ko sayo. Aantayin mo pa bang mamatay ka ha!?" yumi.
Matagal bago ako makasagot sa tanong niya.
"Hindi ko alam." ako. At napaluha na naman.
"Alam mo ba nung araw na ikinasal kami na kahit pilit lang ay masaya pa rin ako. Kung di lang dahil sa companya namin di niya ako papakasalan. Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil sa companya namin. Na ikasal ako sa taong matagal ko ng pinapangarap." ako.
"Taong pinapangarap? Ha! Demonyong pinapangarap ka mo." yumi.
"Di naman siya demonyo yumi ehhh. Mabait naman siya." ako.
"Wow ha! Mabait? Saan naman ang bait dun? Di ko kasi nakikita? Pakihanap please?" yumi. Di ko siya masisisi kung ganito talaga siya kagalit sa asawa ko.
"Alam mo na yan yumi. Noon pa man mabait na siya." malumanay ko pa ring sagot.
"Haha noon yun. Iba noon at ngayon. Kaya kung pwede wag kang tanga maxine. Tignan mo nga yang katawan mo. Puno ng pasa dahil sa walang kwenta mong asawa." yumi.
"Seloso lang talaga siya kaya ganun nalang siya kung magalit." ako. Kahit na sinasaktan ako ng asawa ko. Mahal na mahal ko pa rin siya. Di ko siya masisisi dahil sinira ko din naman ang relasyon ng nobya niyang si jasmine. 2 taon palang kaming nagsasama ni jiro pero hindi ko manlang naramdaman sakanya ang pagmamahal. Kundi sakit lang ang naranasan ko sakanya. Hindi ito alam ng mga magulang ko. Dahil magaling gumawa ng kwento si jiro. Sa mata ng magulang namin ako ang mali. Akala ko nga noon ehh wala na akong kakampi pero akala ko lang pala yun. Dahil meron pa sina yumi at alvin.
Si Jiro at Alvin ay magkapatid. Mas matanda ng tatlong taon si jiro kasi si alvin 21 tapos si jiro naman ay 24.
Si yumi naman 20.
At ako naman 21. Si jasmine naman 22.Matagal ng nagmamahalan sina jasmine at alvin. Mahigit limang taon pero bigla akong umeksina kaya ito ang nangyari sakin. Bugbog sarado ako. Dahil sa pagkadesperada ko. Lahat ng pinapakita ko kay jiro ay puro pagmamahal pero siya puro pananakit ang pinapakita at pinaparamdam.
"Hoyy! Kanina pa kita. Tinatanong." yumi.
"A-ahh p-pasensya na." hinging paumanhin ko sakanya.
"Pahinga ka na lang muna. Para makabawi ka ng lakas." yumi. Tumango ako at dahan dahan ng humiga.
YUMI POV
Hayssss naawa na ako sa kaibigan kong ito. Kahit anong sabihin ko hindi pa rin nakikinig. Puso pa rin niya ang pinapakinggan niya. Mga magulang naman niya walang kwenta. Dahil pati anak nila. Tingin nila sinungaling si yumi. Mga mukha talagang pera ang mga magulang niya. Pero sa totoo lang hindi din naman alam ng magulang niya na sinasaktan siya ni jiro. Si jiro yung tipong magaling gumawa ng kwento. Sinubukan na ni yumi noon na magsumbong pero nahuli siya ni jiro kaya ayun sa pag uwi nila sa mansyon nila ay binugbog na naman siya. Sa totoo lang sobrang ganda ni maxine noon.. Pero ngayon para na siyang patay. Dahil sa sobrang payat at madaming pasa yung mga mata niya na malalim na. Kapag nakikita ko siya gusto kong maiyak pero ayaw kong ipakita sakanya. Bagkus ay yumuko na lang ako para di niya mahalata na lumuluha ang mga mata ko. Isa lang ang inaantay ko sakanya ang 'Desisyon' niya na 'Iwan' na niya ang asawa niyang demonyo.
YOU ARE READING
My Heartless Husband
ActionJirokiel Odstone - husband of maxine. Maxine Clira Winslett - wife of jiro. Jasmine Dion - The Mistress. Only love of jiro. THEIR FRIENDS: Maxine's Friends - Yumi Alvarez. 21 years old. - Alvin Odstone - 23 years old. Lil bro of jiro. Jiro' Friends ...