MAXINE POV
Hanggang ngayon masakit pa rin ang tiyan ko dahil sa ginawa ni jiro. Ako lang mag isa dito sa silid na ito. At hanggang ngayon nandito pa rin ako sa hospital. Wala din si yumi dito kasi bumili ng pagkain. At hanggang ngayob di pa bumabalik. Sino kaya ang nagdala sakin dito. Nakalimutan ko kasing magtanong kay yumi. Napangite ako ng biglang bumukas ang pinto pero agad din yun napawi ng hindi pala si yumi ang nandito kundi ang doktor at si jasmine ano na naman ba ang ginagawa niya dito."Ija, maaari ba akong magtanong sayo?" doktor. Nagtaka pa ako dahil sakanya.
"Bakit po? Pwede po kayong magtanong." ako kahit na nagtataka ako ay isinawalang bahala ko pa rin.
"Matanong ko lang saan mo ba to nakuha ang mga pasa mo at sugat?" nag aalala at nagtataka niyang tanong.
Hindi ako makasagot. Tinignan ko si jasmine na nakataas ang kilay at nag aabang sa maaari kong isagot.
"A-ahhh a-ano po s-sa asaw----
Di ko na tuluyang natapos ang sasabihin ko ng biglang sumingit si jasmine sa usapan namin ni dok.
"Ahh sabi po niya sa mga lalaking nambugbog heheh. Nakidnap po kasi siya." piking sabi ni jasmine. Napakasinungaling talaga. Kung may sapat lang talaga akong lakas na labanan siya matagal ko na sana siyang sinabunutan. Pero mali. At hindi pwede. Kasi asawa lang ako at napilitan lang din si jiro sakin dahil sa kompanya namin. Pero siya may karapatan kasi siya ang totoong mahal ni jiro. Kasal lang kami sa papel yun lang at walang pagmamahal yun. Pero kahit na di niya ako mahalin wala akong pakialam. Basta ako mamahalin ko siya ng buong puso kahit na hindi niya ako mamahalin.
Okay lang na tingin niya sakin malandi. Whore. Bitch o kahit ano pa jan. Oo inaamin ko desperada ako. Pero ngayon ko lang to nagawa at naranasan.
"HOYYYY!!" malakas na sigaw sakin ni jasmine. Dahilan para mabalik ako sa matinong pag iisip. Napansin kong wala na pala dito si dok.
"B-bakit k-ka nandito?" utal utal na tanong ko kay jasmine. Bakit wala pa si yumi?
"To visit you." makahulugang sabi niya.
"A-ahh ganun ba s-salamat." nakangite kong sabi. Pero nawala agad yun dahil sa sinabi niya.
"Hahahah naniwala ka naman. Uto uto ka talaga." jasmine.
"Pwede ba makipaghiwalay ka na sa boyfriend ko." galit na sabi niya.
"Hindi ko yan magagawa. Mahal ko siy----
Di ko ulit na ituloy ang sasabihin ko ng sinampal niya ako. Bakit ko ba to nararanasan. Sobrang sakit na. Palaging sinasabi ng isip ko na sumuko na ako pero ang puso ko sinasabi palagi na kumapit lang ako dahil magbabago din siya sa huli at matutunan din niya akong mahalin.
"Alamo ikaw simula ng dumating ka sa buhay namin. Nasira na. Mga pangarap namin wala na." nanggagalaiti niyang sabi at walang prenong preno niya akong sinampal. Ang hina hina ko di ko magawang lumaban. Sana di nalang ako nabuhay dahil wala naman ding kwenta ang buhay kong 'to.
Gisto kong maranasang sumaya kahit panandalian lang. Kung pwede lang sana.
"Kung di man kita magawang paalisin sa buhay niya sa salita. Pwes! Idadaan ko sa kamatayan." malademonyo niyang sabi. Kaya kinabahan ako.
Sasampalin niya sana ulit ako ng biglang may sumalo sa kamay niya. Tinignan ko ito at si yumi pala na nanlilisik na mga mata niyang tinignan si jasmine.
"O-ouch a-ahhh." daing niya sa sakit. Diniin ni yumi ang kuko niya kay jasmine kaya dumugo ito.
"Y-yumi. Bitawan mo siya. Nasasaktan mo na siya." nag aalala kong sabi kay yumi. Natauhan naman siya sa sinabi ko kaya agad niyang binitawan ang kamay ni jasmine.
"Umalis ka na dito. Wag mong antayin na masuntok ko yang pagmumukha mong malandi at makati." inis na sabi ni yumi.
Humakbang na paalis si jasmine pero bago pa man siya makaalis ay tinignan niya muna ako at....
"Goodluck sa pag uwi mo sa mansion namin ni jiro." demonyong sabi niya.
"Bakit mo ginawa yun?" ako.
"Dahil hindi ako duwag kaya ko nagawa yun." yumi.
"Yumi alam mo naman na magsusumbong yun diba." ako.
"Edi lumaban ka. Wag mong antayin na ika matay mo yang pagka desperada mo." yumi.
Alam kong nagagalit na siya ngayon. Ganito siya kapag nagagalit di niya mapigilang pagsabihan ng masama ang mga taong nakakaharap niya.
"Yumi nagugutom na ako." change topic ko. Para maiba. Tumayo naman siya at kinuha ang pagkain at binigay sakin. Magtatanong pa sana ako sakanya kung bakit siya natagalan sa pagbili pero wag nalang kasi wala siya sa mood ngayon dahil kanina.
Pagkatapos kong kumain ay binigay ko na ito sakanya at humiga na. Tumagilid ako. Bali nakaharap ako sa kaliwa at nakatalikod ako sakanya.
Kapag naaalala ko ang mga ginagawang sakrepisyo nina yumi at alvin napapaiyak nalang ako. Napakawala kong kwentang kaibigan. Pati sarili ko di ko magawang ipagtanggol.
YOU ARE READING
My Heartless Husband
ActionJirokiel Odstone - husband of maxine. Maxine Clira Winslett - wife of jiro. Jasmine Dion - The Mistress. Only love of jiro. THEIR FRIENDS: Maxine's Friends - Yumi Alvarez. 21 years old. - Alvin Odstone - 23 years old. Lil bro of jiro. Jiro' Friends ...