JIRO POV
Kakagising ko lang at akala ko ay nandito si jasmine pero wala. Sabi niya kagabi sakin na uuwi daw siya dito sa mansion pero nagtaka ako ng hindi pa siya umuwi kaya ngayon balak ko sana siyang puntahan sa condo niya.
Bumangon na ako at agad na nagtungo sa banyo para gawin ang ginagawa tuwing umaga. Pagkatapos kong maligo ay agad na akong lumabas at nagbihis. Nang matapos na akong magbihis ay napatingin ako sa cellphone ko. Nag aabang na magtext siya sakin pero wala. Ano na bang nangyayari sa kanya. Nung nandito si maxine palagi siyang nandito sa mansion ko ngayon naman na wala na si maxine dito wala na din siya halos hindi na siya magpakita sakin sa loob ng isang linggo.
Napa buntong hininga nalang ako. Pagkatapos magbihis ay agad na lumabas sa kwarto ko. Tutungo sana ako sa kusina para magpaalam kay manang ng maalala kong wala pala si manang dito kundi sumama kila alvin. Napakuyom ulit ako ng kamay. Talagang kakampi siya dun sa mga malalandi.
Lumabas na ako sa mansion atsaka nagtungo sa kotse ko. 30 minutes past ay nakarating na ako kaagad sa condo ni jasmine. Pagbukas ko ng pinto sa condo niya ay agad na akong pumasok unang bumungad sa akin ay ang malinis at payapang condo niya. Ni walang bakas niya dito.
Inis akong lumabas sa condo niya. Kinuha ko ang phone ko tsaka kinontact siya pero ni hindi ko siya mareach.
"Damn!" galit na anas ko. Saan ba siya nagpunta. Ilang araw na siyang hindi nagpapakita sakin ahh.
Balak ko na sanang ilagay ang cellphone ko sa bulsa ng suot kong pantalon ng may biglang tumawag at dahil may inis pa ako.
Nasigawan ko ito...
"WHAT!? SIGURADUHIN MO LANG NA IMPORTANTE YAN!! PUTA.!" galit na ani ko. Magsasalita pa sana ako ng wala akong narinig na boses pero napatahimik ako ng may nagsalitang hindi ko kilala. Tinignan ko naman ang cellphone ko pero unknown number lang.
"Hello Sir? Si Ms. Vanessa po ito ng Northern Hospital. Kayo po ba si Mr. Jiro kiel Odstone?" tanong ng nasa kabilang linya. Nagtaka naman ako ng malaman nito ang pangalan ko. Pero kahit na nagtataka ay sumagot pa rin ako.
"Yes. Why?" mahinahon kong tanong.
"Ahm pumunta nalang po kayo dito Sir." nurse. Pagkatapos ng pag uusap namin ay ibinaba na nito ang tawag. Kaya agad ko ng ibinulsa ang cellphone ko.
Bigla lng may sumaging katanungan sa isipan ko...
Bakit ako ang tinawag? Sinong na hospital? Ka ano-ano ko ba ang nasa hospital nila? Ahhh!! Para masagot tung mga katanungan na nasa isipan ko ay mas mabuting pumunta nalang ako sa sinasabi niyang hospital.
Nang makarating ay agad akong nagtungo sa nurse station.
"Ahmm Miss---
Di na ako nito hinayaan pang makatapos sa pagsasalita ng. Bigla na itong nagsalita.
"Kayo po ba si Mr. Jiro Odstone?" tanong nito.
"Yes. Why?" tanong ko. At bahagya pang magkadikit ang dalawa kong kilay.
"Sumunod po kayo sakin." sabi nito at nagpatiuna ng maglakad. Sumunod naman ako. Kahit na inis na inis na ako dahil hindi man lang niya sinabi sakin kung sino ang na hospital. Kung si maxine ito ay sisiguraduhin kong hahayaan ko siya dito hanggang sa mamatay.
Bigla siyang huminto sa room 184. Kunot noo ko naman itong tinitigan. Anong gagawin namin dito. Bigla naman niya itong binuksan kaya pumasok siya at sumunod ako.
"Ahm sir kilala niyo po ba siya?" tanong nito sakin. Tinignan ko naman kung sino ang tinutukoy niya at bigla nalang akong napatakbo sa kinaroroonan nito.
"Anong nangyari sakanya?" tanong ko dito.
"Hindi ko po masasagot ang iyong katanungan. Pero sandali lang po tatawagin ko lang si Dr. Wang." sabi nito at umalis na.
Tinitigan ko si jasmine kaya ba wala siya sa mansion dahil nandito siya. Anong nangyari sayo? Bakita nandito ka? Napahilamos nalang ako sa mukha ko dahil sa hindi ko magawang masagot ang katanungan ko.
Bigla namang bumukas ang pinto at bumungad sakin si Dr. Wang.
"What happen to her?" agarang tanong ko sa doktor. Nagtaka ako ng bigla itong ngumite.
May saltik ata ito sa utak...
"Mr. Odstone congratualtions your misis is pregnant. One week pregnant. Pakainin mo siya ng mga masustansyang pagkain. At iwasan mo ding mastress siya." doktora. Pagkatapos niyang sabihin yun ay hindi mawala wala sa isip ko ang narinig ko.
One week pregnant.
One week pregnant.
One week pregnant.
Nang maproseso na ito sa utak ko ay biglang gumuhit ang malaking ngite sa labi ko. Buntis si jasmine.
"Yessss." magiging ama na ako. Sobrang saya ko dahil magkakaroon na kami ng anak.
Tinignan ko naman si jasmine ng bigla itong gumalaw.
"Hmm." munting ungol niya. Maya maya lang ay bigla niyang binuka ang dalawa niyang mata. Pikit mulat ang ginawa niya para luminaw ang paningin niya.
Medyo kumunot pa ang noo ko ng bigla siyang nagulat ng makita ako..
"A-anong ginagawa mo d-dito?" takang tanong niya sakin. Kahit na nagtataka ay sinagot ko pa rin ang tanong niya.
"Tinawagan ako ng nurse. Bakit ayaw mo bang nandito ako?" medyo malungkot kong tanong sakanya.
"Wala akong sinabing ganyan. Nagulat lang kasi ako." jasmine. Hinawakan ko naman ang kamay niya tsaka paulit ulit itong hinalikan.
"Wife. Magiging ina ka na at ako naman ay magiging ama na. Buntis ka jasmine 1 week pregnant." sabi ko sakanya. Masayang sabi ko. Pero ang mukha niya mukhang hindi makapaniwala. Siguro dahil hindi pa naproseso sa utak niya ang narinig.
"Talaga?" paninigurado niya. Tumango naman ako. Ngumite lang siya na parang pilit lang din. Hindi ba siya masaya na magkakaroon na kami ng anak.
"Hindi ka ba masaya wife?" tanong ko dito. Pansin ko lang parang hindi siya mapakali.
"M-masaya hubby hehe." sabi nito.
JASMINE POV
Simula ng umalis na si maxine sa mansion ay naging masaya ako pero pakiramdam ko parang may hindi magandang mangyayari sakin ngayong araw kahit na iba ang pakiramdam ko ay lumabas pa rin ako akma na sana akong pupunta sa mansion ni jiro ng bigla akong mahilo sa parking lot ng mall.
Bigla ako napahawak sa kotse ko. Palagi ko lang nararamdaman yun simula ng umalis na si maxine sa mansion ni jiro. At ito na nga nahimatay ako at then. Nagising nalang ako ng nandito na ako sa hospital.
Gulat pa ako ng malaman kong buntis ako. Magkakaroon na kami ni tristan ng sariling pamilya. Sigurado ako na kapag nalaman niya ito ay magiging masaya siya. Matagal na niya itong pinangarap. Ngayon nangyari na at natupad na ang gusto niya.
Napangite ako bigla. Kapag nakuha ko na ang isa pang malaking halaga sa kompanya ni jiro ay sisiguraduhin kong iiwan ko na siya hahaha.
Napaka uto uto talaga niya. Kaya hindi na ako nagpapakita sakanya ay dahil nagce-celebrate kami ni tristan dahil una umalis na si maxine pangalawa ay malapit ko ng makuha ang isa pang malaking halaga ng kompanya ni jiro hahaha..
Kaya ito ako. Kanina pa sana ako nakauwi sa mansion ni jiro pero nahimatay nalang ako bigla.
Ano kayang mangyayari kapag naging kawawa na si jiro?
Hahaha...
Done♥♡❤
YOU ARE READING
My Heartless Husband
ActionJirokiel Odstone - husband of maxine. Maxine Clira Winslett - wife of jiro. Jasmine Dion - The Mistress. Only love of jiro. THEIR FRIENDS: Maxine's Friends - Yumi Alvarez. 21 years old. - Alvin Odstone - 23 years old. Lil bro of jiro. Jiro' Friends ...