MAXINE POV
2 weeks na ang nakakalipas simula ng tuloyan na akong gumaling. At ngayon nandito ako sa mabulaklak na garden ni alvin. Ang gandang tignan nandito din ang paborito kong lavender flower ang ganda talaga nito at ang bango pa. Tuloyan ko na talagang kinalimutan si jiro. Wala na siyang puwang sa puso ko. Simula din nung araw na nagising ay walang tigil sa pag alaga sakin si alvin. At isa pa binigyan ko siya ng chance hinayaan ko siyang ligawan niya ako.
Si manang naman sobrang saya niya dahil sa naging desisyon ko. Pero nag aalala pa rin siya sakin baka daw kasi sapilitan kong binigyan ng chance si alvin pero sinabi ko naman din na hindi. Wala namang mali kung bibigyan ko ng pagkakataon si alvin. Hiwalay na din naman kami ni jiro.
Kumusta na kaya sina mom at dad? Okay lang kaya sila? Inalala pa kaya nila ako? Heto na naman ulit ako.
Tatayo na sana ako ng bigla akong nahilo kaya bigla akong napaupo ulit sa bermuda grass. Kahapon ko pa ito nararamdaman ahh. Sabi ni alvin okay na ako pero bakit ko ito nararamdaman.
"Ija anong nangyari sayo?" nag aalalang tanong sakin ni manang.
"N-nahilo lang po ako bigla manang." sabi ko kay manang.
"Nako! Halika pumasok tayo sa loob." manang. Pagkatapos niyang sabihin yun ay agad niya akong inalalayan papasok sa mansion. Pagkapasok ay agad niya akong pinaupo.
"Kukuha muna ako ng tubig." manang. Tumango nalang ako sa sinabi ni manang.
Umupo nalang ako ng maayos tsaka sinandal ang ulo ko sa upuan. May narinig naman akong yapag na papunta sa direksyon ko. Minulat ko ang aking mata at dun nakita kong si manang pala.
"Oh ito ija, inumin mo." manang. Tsaka niya binigay sakin ang isang basong tubig. Agad ko naman itong ininom. At nilapag kaagad sa kaharap kong maliit na mesa.
"Okay na ba ang iyong pakiramdam anak?" tanong niya sakin. Ngumite ako at sumagot.
"Opo manang. Salamat po." nakangite kong sabi sakanya. Ang bait bait niyo po talaga manang.
"Oh kung ganun. Umakyat ka muna at magpahinga ka sa kwarto mo." manang. Tumango ulit ako at tumayo na. Agad naman akong pumasok sa kwarto ko at humiga agad naman ako nakaramdam ng antok. Dati hindi naman ako ganito ahh..
ALVIN POV
Nandito ako sa office ko ngayon busy sa kakatype ng bigla nalang mag ring ang phone ko kaya agad ko itong tinignan kung sino ang caller. And it was manang.. Why is she calling me? Dahil sa curious ako ay sinagot ko nalang ang tawag baka importante.
"Hello po manang?" ako. Tumigil muna ako sa ginagawa ko at sumandal sa swivel chair ko.
"Ijo naisturbo ba kita?" manang.
"Hindi naman po manang. Napatawag po kayo? May nangyari ba?" nag aalala kong tanong.
"Ijo kahapon ko pa kasi napapansin na palagi nalang nahihilo si maxine." manang. Dahil sa sinabi niya ay napaupo ako ng tuwid.
"Why manang?" taka kong tanong..
"Hindi ko alam ijo. Wala bang sinabi sayo ang PD mo?" manang.
"Wala naman po manang. Uuwi po ako diyang manang." sabi ko. Pagkatapos ng aming pag uusap ay agad ko ng inayos ang mga gamit ko dito sa office at agad na tumayo at lumabas.
Pagkadating sa parking lot ay agad na akong sumakay sa kotse ko papuntang mansion. Nang nakarating ako ay agad na akong pumasok at tinanong si manang kung nasaan si maxine sinabi naman niya kaagad sakin na nasa kwarto ito. Kaya pinuntahan ko na kaagad. Nang makapasok ay agad akong lumapit at umupo sa kama niya.
Hinaplos haplos ko ang kanyang buhok. Dahil sa ginawa ko ay nagising ko siya.
"Kanina ka pa ba jan?" tanong nito..
"Bago lang. Fix yourself baby." malambing kong sabi.
"Why?" takang tanong niya.
"Just follow. Okay." sabi ko ulit. Kahit na nagtataka ay tumango pa rin siya. Lumabas na ako at nag antay sa baba.
Pupunta kami sa doktor pero syempre hindi ko sasabihin sakanya. Baka hindi pumayag ehh. Matagal na akong nanliligaw sakanya. Tanggap ko siya kahit ano pa man. Dahil mahal ko siya. Mahal ko siya hindi dahil sa angking kagandahan niya kundi sa ugali niyang walang makakapantay.
"Let's go." sabi ko sa kadadating lang na si maxine. Magtatanong pa sana siya ng hinila ko na siya palabas ng mansion.
Kaagad naman kaming sumakay sa kotse ko. Nang makarating kami sa hospital ay agad na kaming bumaba. Nakita ko naman kaagad ang kaibigan ko.
"Ohh anong ginagawa niyo dito?" takang tanong nito.
"I want you to check my soon to be girlfriend." sabi ko dito. Bigla namang sumilay ang isang ngise sa labi niya.
"Talaga lang ha." sabi nito.
"Follow me Ms. Maxine." sabi ng PD ko. Agad naman sumunod si maxine sakanya. Sumunod din ako baka ano pang gawin ng gagong yun kay maxine. Nang makapasok ay agad naman umupo si maxine at ako ay umupo sa tabi niya.
"So may nararamdaman ka bang kakaiba sa sarili mo?" tanong nito kay max.
"Ahm ano pa-palagi lang akong nahihilo." maxine. Tumango tango naman ang doktor ko. Bigla siyang tumayo at may kinuha. Bigla naman niya itong binigay kay maxine. Isang PT?
"Bakit ko naman po ito gagamitin?" takang tanong ni maxine.
"Just use it." sabi ng PD ko. Pilit namang sumunod si maxine. Agad naman siyang pumasok sa banyo at ginamit yun.
MAXINE POV
Bakit ko naman ito gagamitin? Ehh wala namang nangyari samin ni alvin.
Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa pumasok na pangyayari. Hindi kaya dahil sa ginawa sakin ni jiro. Sapilitan akong inangkin. Maraming gumugulo sa isipan ko paano nalang si alvin.
Agad ko ng ginamit ang PT. Nag antay nalang ako ng 5 minuto bago lumabas ang resulta. Tangina kinakabahan na ako.
Makalipas ang limang minuto ay nanginginig kong tinignan ang PT. And to my surprise I am pregnant. Nagbunga ang kahayupang ginawa sakin ni jiro. Napaiyak ako sa nangyari.
Bigla namang may kumatok ng malakas sa pinto. Pilit na binubuksan ang pinto ng CR.
"MAXINE ARE YOU OKAY?" nag aalalang tanong sakin ni alvin. Paano na ito ayaw kong masaktan si alvin.
Kalaunay agad na nabuksan ang pinto dito at ako ay nanatiling nakaupo sa sahig. Agad kong naramdaman ang mainit niyang yakap.
"Shhh stop crying now." pagpapatahan niya sakin.
"B-buntis ako alvin. Hindi ko matatanggap ang batang ito." sabi ko sakanya. Naramdaman kong biglang tumigil si alvin sa pag alo sakin.
"Bun-buntis ka? But how?" takang tanong niya.
"Nung nakita mo ako sa dinning area na hubo't hubad at sugatan. Ginahasa niya ako bago niya ako saktan huhu." umiiyak kong paliwanag.
Bigla akong nagulat sa ginawa niyang pagsuntok sa pader dahil sa inis at galit. Napahilamos siya sa kanyang mukha.
Bigla niya ulit ako niyakap.
"Sorry alvin Sorry alvin sorry sorry." paulit ulit kong sabi.
"Wala kang kasalanan, shhh." alvin.
"Ayaw ko sa batang nasa sinapupunan ko. Ayaw ko." sabi ko.
"Wag. Anak mo siya dugo at laman mo siya. Kaya tanggapin mo. Dahil ako tanggap ko kayo. Ituturing kong parang totoo kong anak ang pamangkin ko. Mahal kita, mahal ko kayo. Kaya tanggapin mo ang biyaya ng Panginoon." mahabang sabi ni alvin.
Umiiyak lang ako sa mga bisig niya. Nagbunga pala..
Done♥♡❤
YOU ARE READING
My Heartless Husband
ActionJirokiel Odstone - husband of maxine. Maxine Clira Winslett - wife of jiro. Jasmine Dion - The Mistress. Only love of jiro. THEIR FRIENDS: Maxine's Friends - Yumi Alvarez. 21 years old. - Alvin Odstone - 23 years old. Lil bro of jiro. Jiro' Friends ...