Chapter 19

622 11 0
                                    

MAXINE POV

4 weeks had past....

Kasalukuyan akong nandito sa aking silid marahan kong hinahaplos ang aking tiyan na may pagkaumbok na, napangite ako dahil unti unti ng lumalaki ang tiyan ko. Malapit na rin kitang masilayan anak ko.

"Gusto na kitang masilayan anak ko." bulong ko sa aking sarili habang panay ang haplos pa rin saking tiyan. Napahinto ako ng may biglang kumatok sa pintuan ko.

"MAXINE NANDIYAN KA BA? MAAARI BA AKONG PUMASOK?" sigaw at may pahintulot na tanong ni Alvin.

"SIGE PUMASOK KA." sigaw ko din para marinig niya. Dahan dahan namang bumukas ang pintuan at niluwa nito si Alvin na nakangite napataas naman ang kilay ko dahil sa ngite niya. Lumapit siya sakin at tumabi ng upo.

"Parang masaya ka ata?" takang tanong ko habang may ngite sa labi. Kinakabahan ako na parang iwan,.

"Talagang masaya, nakakuha na ako ng annulment papers maxine." nakangiteng sabi ni alvin di talaga mawala ang ngite niya pati rin naman ako ay napangite.

"Nasaan na pwede ko bang makita?" galak na tanong ko. May kinuha naman siyang envelop at binigay sakin.

"Nandiyan sa loob buksan mo na lang." alvin said. Sinunod ko naman ang sinabi niya at kinuha ang nasa loob.

"May ballpen ka ba diyan ng mapirmahan ko na ito." tanong ko kay alvin.

"Sandali lang wala akong dala haha." tawa niya at napakamot sa ulo hahah ang cute niya. Di ko namalayan na napahawak na pala ako sa mukha niya tsaka kinurot ito dahilan para mabalik ako sa realidad narinig ko kasing napa 'aray' si alvin sa ginawa ko.

"Hehe sorry ang cute kasi ng cheeks mo ehh." malaking ngite na sabi ko. Nakita ko naman na napa pout ito. Aww ang cute talaga. Balak ko pa sanang abutin ang kanyang pisnge ng bigla na lang siyang tumayo at lumabas.

"Kukuha na ako ng ballpen." rinig kong sabi ni alvin.

Tinitigan ko ang annulment paper na hawak ko na ngayon . Sigurado na ako sa desisyon ko makikipag annul na ako sakanya. Magiging malaya na ako sa mga kamay niya. Pero paano ko naman siya mapapapayag gayung kapag nakita niya ako ulit ay papatayin na niya ako.

Diko namalayan na bumalik na pala si alvin nasa tabi ko na siya ngayon.

"Parang ang lalim ata ng iniisip mo ah." takang sabi ni alvin. Tinignan ko naman siya mata. Nag iisip pa rin ako kung paano tu papepirmahin sakanya.

"May problema ba maxine?" tanong niya sakin.

"A-ahmm a-ano kasi alvin ehhh." utal na sabi ko.

"Ano? Sabihin mo?" tanong niya.

"P-paano natin mapapapayag si Jiro dito?" nag aalala kong tanong sakanya. Napatitig naman si Alvin sakin at nag iisip din. Maya maya lang ay bigla siyang napangise. Parang kriminal ha, hahahah,.

"Bakit ka tumawa jan?" takang tanong nito. Napa iling naman ako at sumagot.

"Wala. Ano may naisip ka na ba?" tanong ko sakanya. Tumango naman siya at sinabi niya kaagad sakin kung ano ito kaya napangite ako pero di parin ako kumbinsido sa sinabi niya baka kasi pumalpak ehhh nako masasayang lang. Sana lang talaga gumana.

"So kailan ang alis mo Alvin?" tanong ko sakanya.

"Bukas ng umaga aalis ako para gabi ang dating ko dun sa pilipinas ng saganun magawa ko ang plano ko." sabi ni Alvin. Tumango ako sakanya tsaka taka ko siyang tinignan ng bigla siyang tumayo.

"Magpahinga ka muna. Ayokong mastress ka." sabi niya tsaka lumapit sakin at hinalikan ako sa noo. Pinahiga naman niya ako tsaka kinumutan. Pinikit ko na ang mga mata ko tsaka inantay na lumabas siya.

My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now