Chapter 24

1K 20 9
                                    

AUTHOR'S POV

"Mommy sino po ba ang daddy ko?" tanong ng anak ni maxine sakanya.

Tumingin naman siya at ngumite ng malungkot.

"Si daddy Alvin mo anak." maxine.

Umiling naman ang bata.

"Ehh bakit magkaiba po kami ng mata." maxiro.

"Ang totoo anak hindi mo nga siya daddy. Kapatid siya ng daddy mo." Maxine. Napapaiyak na siya habang nagsasalita.

"Kung ganun pwede ko po bang makita ang totoo kong daddy?" maxiro.

"Anak bukas ay aalis na tayo pupunta tayo dun para makita ang daddy mo kasi sa ikatatlong araw birthday ng daddy mo." umiiyak na anas ko. Hindi alam ng anak ko na may taning na ang buhay ng daddy niya at sa kaarawan pa mismo ang huling sandali.

Ni hindi man lang nakasama ng anak ko ang totoong daddy niya ng matagal.

"Kung ganun bibili po tayo ng regalo Kay daddy." maxiro.

"K-kung yan ang gusto mo." agad naman niyakap ni Maxine ang anak niya.

"Bakit po kayo umiiyak mommy?" takang tanong ni maxiro sa kanyang ina.

"Wa-wala anak." sabi nito at pinunasan ang luha na dumaloy sa pisnge niya.

Si jiro naman ay nasa stage 4 na ang kanyang sakit at hindi na ito nalulunasan dahil sa ayaw na ni Jiro. Masasaktan lang siya kapag mananatili siyang buhay dahil sa mga nagawa niya noon.

Nalaman niyang lalaki pala ang anak niya at Maxiro Iel ang pangalan nito kinuha ito sa kalahating pangalan niya. Kung titignan mo si Jiro ngayon ay namamayat na siya namumutla walang kulay ang mukha patungong paa.

Napaiyak siya ng makita ang litrato ng kanyang anak na sobrang saya. Napangite siya ng makitang parang little version niya lang ang anak niya pero kakaiba ang tingin niya dito dahil mabait ito sa itsura palang na namana sa ina nito.

Lahat ng mana na pinamana sakanya ng ama niya ay pinamana niya ito sa nag iisa niyang anak na si MAXIRO IEL. Kahit man lang sa ganong bagay ay mapasaya niya ang kanyang anak habang buhay kahit na hindi niya na ito makakasama.

Una at huling araw niya lang makakasama ang kanyang anak bukas. Masakit isipin. Kung hindi lang sana siya naging gago ay sana masaya sila ngayon na magkakasama.

K I N A B U K A S A N

Gabi palang ay nasa biyahe na sila Maxine nang sa ganun ay umaaga ang dating nila sa pilipinas. Sobrang miss na niya ang pilipinas dahil sa mahabang panahon na umalis siya dun.

Matagal ng napatawad ni Maxine ang kanyang ina at ama.

Makalipas ang ilang oras ay nakalapag na ang sinakyan nilang eroplano. Nagising naman ang natutulog na si Maxiro dahil sa sobrang kasabikan na makita ang kanyang ama.

"Mommy punta kaagad tayo kay daddy." masiglang sabi nito.

"Pahinga muna tayo." Maxine.

"Ehh nagpahinga na po tayo kanina sa eroplano mommy ehh." maxiro.

"Haysss Oo na." sabi ni Maxine.

Bago sila pumunta sa hospital ay kumain na muna sila sa restaurant. Nakahanda na din ang regalo nila para kay Jiro.

Nang makarating sila sa restaurant ay kaagad naman silang bumaba at pumasok tsaka nag order ng mga pagkain. Nakita naman ni maxine ang kanyang anak ay nagmamadali itong kumain. Atat na atat ang kanyang anak hindi nito alam na mawawala na ang kanyang ama ngayon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now