Chapter 11

639 10 0
                                    

°•MAXINE POV•°

Diring diri na ako sa sarili ko. Makakalabas din ako dito. Kinalas niya ang pagkakatali sakin kanina hindi ko alam pero nanginginig ako kapag pumapasok siya na may kasamang ngiting demonyo sa mukha niya. Talagang may plano siyang masama sakin. Ngayon naka damit na ako. Kakatapos ko lang ding maligo.

*Crick*

Tunog ng pinto. Hudyat na may pumasok na naman. Inangat ko ang ulo ko at dun nakita ko si jiro na nakangising tumingin sakin. Akala ko ay may kukunin siya pero nagkamali ako dahil bigla siyang lumapit sakin at hinawakan ng mahigpit.

"Hali ka sa baba may surpresa ako sayo." nakakatakot niyang sabi.

"S-saan mo ako dadalhin?" kinakabahan kong tanong. Gusto kong tawagan si alvin o kaya naman si yumi para makahingi ng tulong pero hindi ko magagawa dahil sinira ni jiro ang phone ko. Hinihiling ko nalang na sana ay may tumulong sakin.

Nang makarating kami sa baba ay agad niya akong pinahiga sa dinning table.

"A-anong gagawin mo s-sakin?" tanong ko sakanya.

"Malalaman mo rin." malademonyong sabi ni jiro sakin kaya mas lalo akong natakot sakanya.

Bigla niyang sinuntok ang tiyan ko kaya napaubo ako sa sakit. Bwesit! Bakit ko ba ito nararanasan.

Agad niyang sinira ang mga damit na sinuot ko. Kahit na nahihirapan akong gumalaw ay nagawa ko pa ring takpan ang sarili kong katawan.

"D-di ka b-ba nagsasawa na s-saktan ako?" tanong ko kay jiro.

"HINDI. Hanggat hindi ka namamatay." diin niyang sabi.

"Hahayaan kitang sumaya. Basta papakawalan mo lang ako. Makikipagdevorce na ako sayo." sabi ko sakanya pero galit niya lang akong tinignan tsaka sinuntok sa mukha kaya napabaling ang mukha ko sa kanan.

Feeling ko parang matatanggal na ang ngipin ko sa sobrang lakas ng suntok niya.

"Akala mo papayag ako sa gusto mo. Pwes! Nagkakamali ka dahil hinding hindi kita papakawalan. Para saan pa para sumama sa kabit mo. Malandi ka talaga." malamig niyang sabi sakin. Umiling lang ako sa sinabi niya dahil nawalan na ako ng lakas para magsalita pa. Sobrang sakit ng pagkakasuntok niya kaya di ko kayang magsalita.

Tinali niya ako sa mesa. Pinahiga niya ako kaya di ko magawang igalaw ang paa at kamay ko. Ang kayang gawin ko nalang ay manalangin na sana ay nay tutulong sakin dito. Iyak lang ako ng iyak.
Maya maya ay nakita ko siyang umalis alam kong may kukunin yun. Wala akong nakitang mga kasambahay dito ngayon baka pinaalis niya o nagbakasyon. Mas lalo akong mawalan ng pag asa na may tutulong sakin dito. Lahat ng kasambahay dito ay alam nila kung ano ang pinaggagawa sakin ni jiro.

"Diyos ko ija. Anong? Ba-bakit?" salita ni manang na di matuloy tuloy dahil sa pagkakagulat na makita niya akong ganito.

"Asawa mo na naman ba ang may gawa nito? Bat ba palagi ka na lang niyang sinasaktan? Ako'y naaawa sayo ija." manang.

"T-tulongan niyo po ako." mahinang hinging tulong ko kay manang.

"Nako ija! Nakakandadu itong lahat. Wala akong susi nito." manang.

"Tatawag nalang ako ng pulis." manang. Agad niyang kinuha ang cellphone niya. Pero umiling lang ako.

"W-wag po manang. Ayoko pong madamay kayo." sabi ko.

"Pero ija. Sobra natung ginawa ng asawa mo." manang.

"Manang hindi na po. Umalis na po kayo dito baka makita niya po kayo. Sige na manang." sabi ko.

"Pero ija-----

"Sige na po manang umalis na po kayo." sabi ko. Kahit ayaw niya akong iwan dito ay napilitan nalang siyang tumango at umalis.

My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now