New Propheteìa (Prophecy)

22 4 0
                                    

Vera Lyrif Verona

Kinagabihan bumalik ang mga royalties. Seryoso ang mga ito. Kita sa aura nila ang malalim na pag iisip. Tahimik ang buong dining area. Sa mansion kung saan kami kumakain.

"Aish ayoko ng tahimik." Erfie hissed. Napatingin sa kanya lahat.

"We are eating. We should be quiet." Dustin said.

"This is not our thing." Saad ni Allica. Si Hyro ay seryoso din. Ngayon ko lang itong nakitang seryoso na para bang nalulunod s'ya sa kanyang pag-iisip. Napapikit ako ng may pumitik nanaman sa dibdib ko.

"Are you okay Vera?" Nag aalalang tanong ni Afira. Umiling ako. Uminom ako ng tubig saka tumayo.

"Mauuna na akong magpahinga." Paalam ko at agad umakyat sa silid ko. Pagpasok ko. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Ano bang nangyayari. Napailing nalang ako at nilock ang pinto saka kinuha ang librong binabasa ko nung nakaraan ang Deorc Eidenai. Gaya nung una walang laman pero ng hinaplos ko ito ay biglang nagkaroon.

The Seven deadly Sins (The sons of Hell.)

There our seven deadly palace beneath the Hell. The Palaces where the Sons of Hell was located. But no one find those palaces, it was in the chasm of the hell. Only dead sinners can find the kingdoms . Each kingdoms was own by those sons. And those palaces indicates sins in upper worlds. The sons named Gluttony, Sloth, Lust, Envy, Greed, Wrath, and lastly Pride. They are the guardian of hell. They never bow down even to the God of Darkness. Deus Aìdes the one who create them. But the myth says. The 7 sons of hell still waiting for their owner. For now they're called the Publishers of Hell.

Pagkatapos kong basahin ang pahina. Biglang nabalot ito ng  dilim at lumitaw ang pitong nilalang. Larawan ito ng Sons of Hell. Itsura palang nila ay halatang malalakas ang mga ito. Isinara ko ang libro ng maramdaman ko ang presensya ni Hyro sa tapat ng pintuan ko. Mabilis kong tinago ang libro.

*Tok Tok* Gamit ang kapangyarihan ko tinanggal ko ang lock ng pinto.

"Bukas yan." Bumukas ang pinto sumilip si Hyro. Kita ko ang pag aalangan nito. Panibagong pitik ang naramdaman ko. Tuluyan itong pumasok. May dala itong mga bulaklak mabango ito langhap ko agad. Inabot n'ya saakin ito. Tinanggap ko naman. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong bulaklak. Napakaganda.

"It's sea's flower. Mula ito sa palasyo." Napatingin naman ako sa kanya.

"Galing sa palasyo nyo? Hindi ba malayo ang Hydōr Kingdom dito sa centre (center)" Nasa centre ang Akademus. Lugar kung saan lugar pwede magsama sama ang mga wizards.

"Si Inang Reyna ang dala nyan."

"Ang ganda. Kaso malalanta rin ito. Lalo na wala sa tabig." Ani ko. Kita ko ang pagngiti nya.

"Ang bulaklak na yan kahit walang ungat pwede pading tumubo basta nasa tubig."  Bigla nyang itinaas ang kamay nya. Naging kulay tubig ang mga mata nya. May lumabas na tubig sa mga kamay nya maya maya lumutang ang tubig sa taas ng kwarto ko. Ang buong kisame ay nabalot ng tubig pero hindi ito natulo. Kinuha nya ang bulaklak sa akin. Hinagis nya ito pataas. Biglang nagliwanag ng kulay ang paligid. Hindi masakit sa mata. Nang nawala ang liwanag. Bumalik na ang mata ni Hyro.

"A-ang ganda." Anas ko. Nasa loob ng tubig ang mga bulaklak mas dumami ito at umiilaw sa loob. Iba iba ang kulay. Napakaganda.

TWISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon