Afira Grian Vous
Lumipas ang araw lalong nagkagulo ang magique world. Nasira ang mga kaharian sa hindi malamang dahilan. Hindi na bumalik ang mga legendary Weapons ng Elementals. Si Hyro laging tuliro. Alam kong nasasaktan ito. Traydor ang tingin nya kay Vera. Kung pwede lang ipaliwanag ko lahat ginawa ko na kaso hindi pwede. Lahat ng kaharian ay nawasak, lahat ng mga naninirahan sa lahat ng kahariang nasira ay nagtungo dito sa Lioht world. Ang tanging palasyong nanatiling nakatayo.
"Ano ba ang nangyayari? nasira ang mga halaman. Natuyo. Dumumi ang tubig" Tanong ni Haring Wayne. Nasira ang buong hydōr at dumumi. Nasa loob kami ng palasyo. Natuyo lahat ng halaman sa Erthe. Nasira ng malakas na hangin ang Aēra. Nasira din ang Fyr dahil nilamon ito ng tubig. Ang natitira nalang ay ang Lioht world.
"Ang mga legendary weapons binawi ang mga Diyos." Saad ni King Xenon. Alam kong namumublema sila. Pero kahit anong isip nila na solusyon huli na. Wala na.
"Wala na ang dark seed nasa impyerno na ito. Hindi ito makakatakas dahil mismong makapangyarihan na ng mga dyos ang ginamit sa seal." Ani ni Reyna Kendra.
"Sigurado ba kayo na sya ang Deorc seed?" tanong ni Hari Nicoline.
"Opo mahal na hari. Napakalakas ng Deorc Magique nito." Ani ni Sapiro.
"Pero bakit nangyayari ang mga bagay na ito. Dark users ba ang may gawa?" Tanong ni Queen Kyline. Walang nagsalita.
"MGA MAHAL NA HARI AT MGA MAHAL NA REYNA." napatingin kaming lahat sa humahangos na Royal guard.
"Bakit?" tanong ni Haring Xenon.
"A-ang b-uwan nagiging pula." Ani nito. Sa isang iglap nasa labas na kami ng palasyo. At kulay pula ang buwan. Lumandas ang luha ko. Wala katapusan na namin.
Biglang lumitaw ang napakadaming Deorc Users. May mga higante. At nasa gitna nila si King Lucian kung saan nakaupo sa ulo ng isang ahas.
"P-paano sila nakapasok dito ng basta basta?" naguguluhang tanong ni Haring Xenon.
"Ikinagagalak ko kayong makita ulit." Magiliw na sabi ni Lucian at may ngisi sa labi.
"Nabalitaan ko na nasira ang mga kaharian." humakhak ito.
"Kagagawan mo ba iyon lucian?" Asik ni King Wayne. Tumigil ito sa paghalakhak.
"Hindi ako ang may gawa noon. Ang mga Deus n'yo ang may gawa noon." Ani nito. Rinig ko ang singhapan.
"Binawi nila ang mga Legendary Weapons. Nagalit sila sainyo." Ani pa nito.
"Wala na ang Deorc seed mo. Pero ang lakas mong sumugod dito." Ani ni Dustin. Tumawa ito lalo.
"Sinong nagsabing wala na ang Deorc seed ko." umiling iling ito.
"Yan kasi ang problema sa inyong mga lioht porket Deorc user sya na ang seed ng darkness. Porket Lioht user s'ya na ang lioht seed. This era is different kings and queens. There is a twist." may ngiti sa mga labi nito. Biglang lumitaw sa tabi ni si Lucy. Nakasuot ito ng puting bestida. Hawak n'ya ang legendary weapon ng lioht at may itim na korona.
"L-lucy" Bulong ng iba.
"Anak anong ginagawa mo dyan?" Hiyaw ni Queen Kendra. Umismid si Lucy.
"Isa lang ang kinikilala kong magulang at ito si King Lucian." Ani nito.
"Magaling Luciana. Napaniwala mo sila." Ani ni king Lucian niyakap nya naman si Luciana. Humirap sila saamin na may ngiti ng tagumpay.
"I'm Luciana Freed the Deorc Seed." Pakilala nito.
"P-paano?" naguguluhang tanong ni Allica.
"Naalala nyo pa ba ang unang prophéteia" Saad nito.
"Anong meron sa sa unang prophéteia?" tanong ni Haring Xenon.
"As the red moon shine bright in the sky
A new fate will be done
A new seeds will appear
A new era will set upon the kingdoms
Sadness and happiness become one
As a time goes
The seeds will grow into a beautiful flowers
But one has a fragrance smell that attracts everyone
one is poisonous that push everyone
Two different worlds
collide on fate
One will dictate
One will save
Tragic demise will come to us.
Hail to the powerful one
But don't be blind
to the true one" Malambing na sabi ni Lucy na may ngisi sa labi."You were too blind." Saad ni Lucian.
"This era is different from before, Xenon." dagdag nito. Kita ko ang galit sa mga kasama ko. Galit na lalong magpapalubog saamin. Nakita ko na ang lahat pero hindi ko pwede i-ungkat.
"Ang anak n'yo ang nakatakdang ipaglaban ang pinaglalaban ko. Sad to say wala pa tayo sa kalahati talo na kayo." Wika ni Lucian.
"Gusto n'yo bang malaman kung sino ang Lioht seed?" may himig ng panunuya si Lucy.
"Then let ask the granddaughter of Apo Arem." saad ni Lucian. Naramdaman ko ang tingin sa akin ng mga kasama ko. Lumabo ang paningin ko dahil sa walang humpay na pagluha ko. Ang bigat ng nararamdaman ko. Humarap ako sa kanila ng may hilaw na ngiti.
"S-si Vera ang lioht s-seed" Sambit ko. Iba ibang reaksyon ang nakikita ko pero lamang ang sakit, at pagsisisi.
"P-paano?" tanong ni Reyna Kendra.
"K-kahit si lolo hindi alam kung paano nangyari. Pero nakatakdang iligtas ng isang Deorc user ang buong lioht world----" naputol ang sasabihin ko ng magsalita si Lucian.
"Well. Nabago na. Wala ng magliligtas sainyo. Lalo na ikinulong n'yo sya sa seal na gamit ang mga kapangyarihan ng mga Deus. Hindi rin totoo na mas malakas s'ya sa kanino man. Dahil ang kapangyarihan n'ya ay napakahina." saad ni King lucian.
"Hindi kapa panalo lucian. Hindi mo pa kami natatalo" Ani ni King Xenon. Napapikit ako. At muling minulat ang mga mata ko. Naghanda silang umatake sa isa't isa. Nakita ko na ito sa pangitain ko. Magiging madugo ang laban pero mauuwi rin sa kabiguan. Sumugod ang bawat isa. Determinado silang lumaban.
"Afira" Napatingin ako sa tumawag saakin si Varon. Lumapit ito saakin. Hinawakan ako nito at ipwinesto sa likuran nya.
"Kapit kalang saakin. Proproyektahan kita gaya ng hiling ni V-vera" Naramdaman ko ang kirot ng dibdib ko. May mga umatake saamin pero natatalo ni Varon. Pero nahinto ang laban ng may kung anong liwanag ang lumitaw. Napangiti ako ng mapait kasabay ng paglandas ng luha ko.
"Talo na tayo." bulong ko. Sa isang iglap ang mapayapang Lioht world ay nabalot ng kadiliman.