Deus Hydein

12 4 0
                                    

Vera Lyrif Verona

Pagkatapos ng tagpo sa pagitan ni Hyro iniwasan ko na s'ya. Ngayon ay tutungo na kami sa Hydōr Woruld. Tapos na si Dustin sa misyon n'ya. At gaya ng iba nagtagumpay ito.

Naglalakad kami patungo sa nag iisang ilog sa fyr kingdom. Nang marating namin ang ilog hindi ko maiwasang mamangha kulay pula ito. Lumapit si Hyro sa ilog. Seryoso ito. Hindi ko na s'yang nakitang nagbiro at tumawa pagkatapos naming mag-usap. Nilapat ni Hyro ang palad n'ya sa tubig at may binulong. Biglang may nabuong magique circle. At maya-maya ay may porta na nabuksan. Tumalon si Hyro sa lagusan. Agad kaming sumunod kay Hyro. Para kaming nahulog kung saan. Napatingin ako sa paligid pagkalabas namin sa lagusan. Nasa isa kaming isla. At ang buong paligid ay tubig. Wala akong matanaw kundi tubig.

"Nasa Hydōr lant tayo." saad ni Hyro. Maliit na isla lamang ito na may malalaking rebulto ng mga sereno at serena.

"Nasa ilalim ang ng tubig ang palasyo." Ani ni Hyro. May inabot ito saaming singsing.

"Wear that. Para makahinga kayo sa tubig." Sinuot naman ng lahat ang singsing. Sabay sabay kaming tumalon sa tubig. Namangha ako ng makaroon ng  buntot ang lahat. Para kaming naging totoong sereno at serena. Kulay Pula ang kay Dustin, Parehong dilaw kay Afira at Allica, Si Lucy ay gold. Si Erfie ay medyo kulay brown na may pagkaberde. Si Hyro ganoon parin asul at napakaganda nitong tignan. Ang akin ay Violet. May mga kaliskis ang mga lalaki sa dibdib kaming magbabae ay meron din ito ang tumatakip sa dibdib namin pababa sa t'yan. Palalim ng palalim ang nilalangoy namin. Napakaganda sa ilalim. May mga mahiwagang nilalang. Bawat halaman sa ilalim ay nagpapalit ng kulay. Hindi ko alam kung gaano katagal na kami nalangoy hanggang huminto kami sa harap ng isang parang ipo-ipo sa ilalim. Hinarap kami ni Hyro. Walang emosyon ang mukha nito.

"Papasok tayo sa loob n'yan. Ito ang bukana ng Hydōr." saad n'ya. Sinunod namin ang sinabi n'ya. Mabilis kaming pumasok doon. Hindi naman kami titingay ng ipo ipo. Sa pagpasok namin tumambad saamin ang napakagandang mga higanteng kabibe at mga corallium (corals) na higante rin at iba iba ang kulay. Tahanan ng mga sereno at serena. Meron din mga sementong tahanan na puno ng kulay dahil sa mga nakadikit na mga bulaklak at pabago bago ang kulay. Nagpatuloy kami sa paglangoy. Nakakamangha ang lugay puno ng kulay napakalawak. Lumangoy kami hanggang marating namin ang isang malalumang gusaling nababalot ng iba't ibang halamang dagay napakaganda nitong tignan.

Pumasok kami sa loob. At sinalubong kami ng hari at reyna. Kamukhang-kamukha ni Hyro ang kanyang ama pero namana nya ang mata ng ina at buhok nito. Yumukod kami. Binati kami ng hari at reyna. Hanggang may inatasan itong ihatid kami sa tutuluyan namin pansamantala.

Pagdating ko sa harap ng sa silid namangha ako dahil wala ng tubig. Bumalik ang dati kong damit. Tila may mahikang nagpapatigil ng tubig. Napatingin ako sa kama sa loob ng malaking kabibe. Tanaw na tanaw mula sa bintana ko ang napakagandang lugar na ito. Punong puno ng mahika buhay na buhay. Humiga ako sa kama sa pagtingala ko kitang kita ko ang mga isda at mga iba pang lamang dagat na nalangoy. Unti unti akong nahimbing ng hindi ko alam.

Nang imulat ko ang mga mata ko nasa ibang lugar nanaman ako. Nasa ilalim ako ng tubig pero nakapagtatakang nakakahinga ako. Kahit hindi ko suot ang singsing. Para akong nasa loob ng napakalaking sirang barko. Hindi pangit tignan. Dahil sa mga corallum at halamang nagkalat. Napatingin ako sa harapan ko. Doon ko napansin ang lalaking nakaupo sa trono. Hawak nya ang isang triden (trident) natulad noong nakita ko sa libro. Kulay Asul din ang buntot nito pero mas maganda ito kesa kay Hyro. May mga kaliskis din ito. At may korona sa ulo na isang ginto na hugis alon. Berde ang mga mata nito. Mahaba ang itim na buhok pero napakakisig nito.

"Ikinagagak kitang makita." nakangiting sabi nito. Bumaba ito sa trono na n'ya gawa sa ginto at hugis kabibe. Lumapit ito saakin na may ngiti sa labi.

"Ako ang Deus ng Hydōr. Hydein." Ani nito.

"Anong meron at nagpapakita kayo saakin?" tanong ko. Ngumiti ito lalo.

"Nasa bulaklak na taglay mo ang sagot Vera." Ani nito. Hindi ko nakikita ang bulaklak ko. Wala sa kakayahan kong makita ang sarili kong bulaklak.

"Aasahan ka namin Vera. Talikuran man namin sila. Andyan ka para sa kanila." Bago pa ako sumagot may kung anong humila saakin.

Sa pagmulat ko ay nasa silid na ako. Mabilis akong bumangon. Wala akong maintindihan. Bakit nila ako kinakausap? Bakit ako?

Wiles Hyro Blueseans Wafian

Nasa labas ako ng Hydōr Palace. Pumesto ako sa gitna ng madilim na lugar sa ilalim. I need a quiet place for my task. Pumikit ako at tinanggal ang mga bumabagabag sa isipan ko. Kinalimutan ko muna lahat pati sya. Unti-unti kong naramdaman ang bigat ng tubig na humihila saakin kung saan. Hindi madamot ang Deus ng Hydōr. Pagkailangan ko sya ay pagpapakita sya.


"Wiles." iminulat ko ang mga mata ko nasa harapan ko na sya. Sitting in his golden trone. There's a smile on his face. Sa mga kwento ang Dyos ng tubig ang laging seryoso pero ang totoo. S'ya ang laging nakangiti sa kanilang magkakapatid na diyos.

"Deus Hydein." I said. He stood up and float towards me.

"Ayokong ibigay basta sayo ang tridens kaso kailangan. Pero mangako ka sa pagkatapos ng digmaan lalabanan mo ako." Saad nito.

"Pangako. Tatalunin kita pagkatapos ng digmaan." Ani ko. Biglang lumitaw ang triden sa harap naming dalawa. Nababalutan ng asul na liwanag. Nanghawakan ko ito bigla itong naglaho. Pero napatingin ako sa daliri ko. May asul na singsing na lumitaw. Hinawakan ni Deus Hydein ang balikat ko.

"Ang pag ibig nasumisibol sayo ay ang magiging lakas mo. Wiles. Talikuran man namin kayo naway huwag mawala ang pananalig nyo sa kabutihan. Dahil darating s'ya at ililigtas ang mundo." Wika nito. Magsasalita pa sana ako ng humila saakin papalayo sa kanya.

Nang  bumalik ako sa realidad napatingin ako sa paligid ko. Hawak ko ang triden. At napapaligiran ako ng libo-libong nilalang na naninirahan sa tubig.

Bumalik ako sa palasyo. Hindi pa man ako nakakapasok ay natanaw ko si Vera. Napangiti ako ng mapait. Nagustuhan ko si Vera nung una ko s'yang nakita. Noong natangis sya dahil sa pagkawala ng pamilya nya. Habang tumatagal ay nagugustuhan ko sya lalo. Pero tama sya hindi ito ang tamang panahon para sa ganito.

Vera Lyrif Verona

Naglalakad ako sa pasilyo ng palasyo. Wala ng tubig sa paligid pero paglumabas ka sa palasyo ay meron. Nasa ilalim parin kami ng karagatan. Napadpad sa may malaking bintana kung saan tanaw na tanaw ang mga glowing flowers na tulad ng ibinigay saakin Hyro.

"Vera." hindi na ako lumingon. Boses palang kilala ko na.

"Hyro." tawag ko sa pangalan n'ya. Tumabi ito saakin at tinanaw din ang tinatanaw ko.

"Alam kong nabigla ka sa sinabi ko kanina. Patawad." Ani nito. Umiling ako.

"Pero gusto talaga kita. At alam kong isang kalabit nalang mahal na kita." Napalunok ako sa sinabi nito. Ang puso ko sobrang lakas ng tibok. Kung may anong lumulutang sa tyan ko. Hinawakan n'ya ang kamay ko at pinaharap sa kanya. Napatingin ako sa makintab n'yang asul na mata.

"I will wait for you answer. After the war. Pagkatapos ng digmaan. Aamin ulit ako sayo at kailangang may sagot kana " Saad nito. Kinulong ako nito sa mga bisig nya.

"Ic erasthai ēow" bulong nito na nagpayanig sa pagkatao ko. Ic erasthai ēow. (I love you.) Naramdaman ko ang pagdampi ng labi nito sa noo ko.

"Pagkatapos ng digmaan. Aantayin kita." Bulong nito at tuluyan akong iniwan. Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko. Bakit? bakit nasasaktan ako? Pagkatapos ng digmaan? buhay pa kaya ako? Paano kung ako talaga ang kalaban?. Napapikit ako wala akong maintindihan. Tila pinaglalaruan ako ng tadhana.

TWISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon