Vera Lyrif Verona
Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Sumalubong saakin ang madilim na kalangitan na wala manlang bituin o buwan. Rinig ko ang pagmamakaawang itigil na kung ano mang ginagawa sa kanila. Ang mga hinagpis.
Tumayo ako at nilibot ang paningin ko nasa gitna ako ng mga itim na bulaklak. Tanaw sa pwesto ko ang Gintong palasyo kung saan nagmumula ang mga iyak na hinagpis. At mula sa pwesto ko amoy na amoy ang mga makakasalanang kaluluwa.
"Impyerno." bulong ko. Sigurado akong nasa impyerno ako. Nagsimula akong maglakad. Napatigil ako ng lahat ng nilalakaran ko na may bulaklak ay natutuyo at nagiging abo. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Ramdam ko na may nagbago sa akin lalo na sa kapangyarihan ko. Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad.
Pagdating ko sa pinagmumulan ng mga hinagpis. Nakita ko ang mga kaluluwa na nasa gitna ng gintong lava ng nanggagaling sa talon. Napapaligiran sila ng kung anong mga alahas, ginto at ano pang mga may halagang gamit. Nakakabit sa mga kaluluwa ang gintong kadena na nausok at may mga halimaw na gawa din sa ginto.
Itinuon ko ang atensyon ko sa palasyo. Mabilis akong pumitik at sa isang iglap ay nasa harapan na ako ng palasyo. Kusang bumukas ang napakalaking pintuang kulay itim. Sa pagbukas nito. Tumambad saakin ang napakadaming kayamanan sa paligid. Puro ginto ang paligid. Ang mga apoy na nagsisilbing ilaw ay kulay ginto rin. At sa gitna makikita ang lalaking nakaupo sa gintong trono. May gintong mata, puting buhok. At may koronang ginto. Nakatitig ito saakin na may ngiti sa labi. Napakakisig at tikas nito.
"Maligayang pagdating sa palasyo ko. My Lord." Ani nito. At bigla nalang sumulpot sa harapan ko.
"Welcome to the Hell of Greed, my Lord. I'm Greed the King of this place. One of the punisher of hell." Pakilala n'ya. Tinitigan ko ito bago magsalita.
"Kailangan ko ng tulong mo, nyo Greed." saad ko. Lumaki lalo ang ngiti nito.
"Hindi kapa pinapanganak ay alam na namin na ikaw ang magiging panginoon namin. At alam na namin ang gagampanan namin para sayo at sa pinaglalaban mo." sabi nito.
Pinatuloy ako ni Greed sa isang silid sa palasyo nya. Mula sa bintana tanaw na tanaw ko ang mga itim na bulaklak pero tila ba buhay na buhay itong tignan. Ang hangin dito ay malamig hindi tulad sa taas. Humiga ako sa pulang kama na nasa silid. Pinilit kong ipikit ang mga mata ko. Dahil bukas tutungo kami sa Hell of Gluttony.
Nang nagising ako. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko sa labas. Iba na ang kulay ng langit. Kulay lila ito. Napakagandang pagmasdan. Hindi ko inaasahan na may maganda palang bagay sa impyerno.
"Vera." napalingon ako kay Greed.
"Kumain ka muna bago tayo umalis." Ani nito at nilapag ang isang pamilyar na pagkain sa akin.
"Jollibee." kumamot ito ng ulo.
"Hindi ka maaring o uminom ng kahit ano dito sa impyerno. Hindi kana makakalik pa sa itaas pagnagkataon. Pumunta ako sa mundo ng mga mortal." Ngumiti naman ako ng konti.
"Salamat, Greed." Tumango naman ito at sinara ang pinto. Napatitig naman ako sa dala n'ya. May kirot akong naramdaman. Binuksan ko ang lalagyan at nagsimulang kumain. Ramdam ko ang paglandas ng luha ko. Naalala ko sila. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal dito sa ilalim. Sabi ni Greed ay iba ang oras sa ilalim. Mabilis kong inubos ang pagkain. Pagkatapos ay lumabas na ako patungo kay Greed. Nakaupo ulit ito sa trono n'ya. Nang makita n'ya ako ay bumaba na.