Vera Lyrif Verona
Pagkatapos namin kumain ay nagdesisyon kaming maghanap. Madali lang naming makikita ang prinsesa kung gagamit ito ng kapangyarihan. Sinamaan ko ng tingin si Erfie kaya napanguso ito. Nasa kotse kami ngayon."Sorry na Vera." Nakangusong sabi nito. Hindi ko ito pinansin at tumingin sa bintana. Narinig ko ang pagtawa nila. Kung hindi lang masarap yung pagkain ko kanina baka napilipit ko ang bulaklak ni Erfie. Napatingin ako sa labas namangha ako.
"Wow" bulaslas ko naramdaman ko ang paglapit ni Hyro ng mukha nya para sumilip din. Lumakas nanaman ang tibok ng puso ko.
"Dagat." bulong nya. Nakatitig ako sa malakristal na dagat.
"Gusto kong pumunta sa ganyan."wala sa sarili kong sabi.
"Hindi kapa ba nakakarating ng dagat?" tanong Hyro. Tumango ako.
"Bakit naman Vera?, may dagat naman sa Erthe?" tanong ni Erfie. Saglit ko itong sinamaan ng tingin ito umiwas naman ito tingin at ngumuso.
"Simula ng lumaki ako sa bundok ng Terra kami nanirahan ng pamilya ko. Si ina at si Vena doon lamang kami. Kailanman hindi ako bumaba ng bundok saka bawal. Pinagbabawal ni ina. Mas ligtas daw sa bundok. Kaya ng pinatay sila hindi ko alam kung saan pupuntan. Sakto namang pagdating n'yo." Turan ko. Narinig ko ang mga singhapan nila.
"Kayo ang una kong nakausap bukod sa ina at kapatid ko." Sabay sulyap kila Dustin.
"At una kong lugar na napuntahan bukod sa bundok ng Terra ay ang Akademus." Saad ko.
"Vera, alam kong hindi ko dapat tanungin ito pero sinong pumatay sa pamilya mo? Deorc ba?" Tanong ni Ivo.
"Oo deorc ang pumatay sa pamilya nya ramdam ko ang Deorc magique sa lugar ni----" Pinutol ko ang sasabihin ni Allica.
"Hindi Deorc user ang pumatay sa kanila." Saad ko. Dahil alam kong Lioht user ang babaeng yun. Kitang kita sa bulaklak nya.
"Ano? pero yun aura?" Si Dustin naman ang nagsalita.
"May Deorc magique doon dahil pagkatapos patayin sila mama at Vena umalis ang pumatay sa kanila at dumating naman ang mga Deorc users." Hindi ko pwedeng sabihing magkasama ang Lioht at Deorc users dahil imposible yun para sa kanila.
"Ayos lang yan Vera." Saad ni Afira. Tumango ako. Nanuot ang katahimikan sa kotse at mas gusto ko iyon.
Huminto ang sasakyan sa isang malaking gusali na may Arko.
"Argus University." basa ko sa arko.
"Isang paaralan para sa mga normal na tao." Saad ni Hyro. May kiliting hatid ang bulong n'ya saakin pero hindi ko pinansin.
"Ito suotin nyo."May inabot si William saaming bras (Bracelet) kilay asul ang mga ito. Parang gawa sa halamang dagat
"May invisibilis incatare ang mga iyan. Makakatulong saatin iyan para makapasok sayo sa loob." Saad ni Dustin. (Invisible incantation.) Sinuot agad namin. Lumabas kami sa kotse.
"Maghiwa-hiwalay tayo." tumango kami sa saad ni Sapiro. Mabilis akong tumalon sa malaking pintuan ng paaralan. Bakal na pinto. Gate ang tawag nila Wisky doon. Nanglakad ako papasok. May mga nasalubong ako ng mga estudyante. Wala akong maramdamang magique sa paligid. Napakalaki ng paaralan. Napaginto ako ng nagsigawan ang mga estudyante lalo na ang mga babae.
"KYAAAAAAH ANDYAN NA ANG KINGS." Kings? may royalties din sa mortal world?
"KYAAAAAAAAAA LEESEEEE BE MINEEE."
"OMOO PRIMMMMM"
"SHEEEET MAGANDA NA BAAAA AKO. ANDYAAAN NA SI KLIAAAAAM MAY LOVE."
"SHAUUUUUN BE MY FOREVEEEEER" Anong nangyayari sa mga mortal na ito. Kitang kita sa aura nila ang paghanga. May mga bulaklak din sila tulad namin pero iba ang itsura. Iba din ang mga aura nila. Ibang-iba saaming mga magiqian. (Magician.)