Afira Grian Vous
Napairap ako sa mga hinagpis na naririnig ko mula sa mga kaluluwang naghihirap. Ilang taon ko na itong naririnig at hanggang ngayon hindi parin ako nasasanay. Kung hindi lang ako naging makulit hindi sana ako nandito sa Hell of Greed naninirahan. Naramdaman ko ang pagyakap sa likod ko ng hampas lupang nilalang. Napakalandi nito. Magkapatid nga sila ni Lust.
"Tigilan mo ako Greed." I hissed to him. Rinig ko ang tawa nito. Naramdaman ko ang paghalik nya sa batok ko. Nagtaasan naman ang mga balahibo ko.
"A-no ba Ganid." Itinulak ko ito. Lalo itong tumawa. Sinamaan ko ito ng tingin.
"Kasalanan mo to e. Hindi tuloy ako makauwi. Ang ingay-ingay dito." inirapan ko ito. Niyakap ako nito.
"Mahal. Wala akong kasalanan. Makulit kalang talaga. Naaalala mo. Wala pang isang oras ang tinagal mo sa palasyo ko. Hindi ka manlang nagtanong kung ano ang bawal dito. Sarap na sarap kang kumain ng pagkain dito. Kaya ito ka ngayon hindi na makabalik sainyo." natatawa nitong sabi saakin. Napa'tsk' nalang ako malay ko ba? e gutom ako nun e. Hinarap naman nya ako sa kanya. At niyakap.
"Ayaw mo ba nun? nagsisisi kaba? E kung hindi ka naging makulit wala sana tayo nito." Hinawakan nya ang tambok ng tiyan ko. Niyakap ko ito pabalik. Sa tagal kong nagstay dito sa ilalim wala akong pinagsisihan. Malungkot na hindi ko manlang nakita si Vera sa kahuli-hulihan pero Greed made my worries away. Pinagtyagaan nya ako. Naramdaman ko ang paghalik nito sa noo ko.
"Thank you for making my palace colorful. This is hell but I found heaven with you." bulong nito. Napangiti ako. Sasagot sana ako kaso biglang nanlamig ang katawan ko. Lumakas ang tibok ng puso ko. Naging dilaw ang paningin ko. Sunod-sunod ang paglitaw ng imahe sa isipan ko. Kasabay ng pagbigkas ng mga katagang nagpaluha saakin.
"A war that ended up will a rise again.
The flowers that flew away will create a chaos
Deorc will rise with hatred and madness
But this time no one know if it will stop"Bumalik sa normal ang paningin at paghinga ko. Napahagulhol ako ng iyak.
"Hey, anong nakita mo?" napatingin gintong mata ni Greed.
"The bulaklak ni Vera, kailangang mahanap iyon at wasakin kung hindi panibagong digmaan nanaman ang mangyayari. Mas malagim. Mas mapanganib. Hindi lang wizards ang maapektuhan lahat ng mga nilalang. Pati ang mga mortal." I said. Nakita ko ang pagkabahala ni Greed.
"Vera's flower of life is powerful than we imagined. It's something that will brought a destruction. Sinuman ang makakahawak nito kahit isang lioht ay matutukso sa kasamaan. Si Vera lang ang may kanyang kontrolin ito. Pero pag ibang nilalang maaakit sila dito at kokontrolin sila ng bulaklak." Paliwanag ko. Pinahid ni Greed ang luha ko.
"Sssh, don't cry masama sa anak natin yan. Pupuntahan ko ang nag-asawang Erfie at Allica. Sasabihin ko sa kanila ang nakita mo." Tumango ako. Nagbukas ito ng porta.
"Greed, mahal" napatingin ito saakin bago pumasok sa porta.
"Bakit mahal?" tanong nya. Ngumiti ako.
"Sabihin mo rin sa kanila. Babalik si Vera. Hindi man ngayon pero sa tamang panahon." Tumango ito at pumasok sa porta. Naiwan akong nalulunod sa napakalalim na pag-iisip.
"Kailangan ba matatapos ang gulong ito?" bulong ko. Naramdaman ko ang pagsipa ng anak ko sa loob ng aking sinapupunan. Hinawakan ko ang tyan ko.
"Oo anak alam ko. Matatapos din ito." A new era will open a gate of war. But this time no one know if there's someone will save us. Vera please come back...