The End

31 5 0
                                    

Mabilis na ginamit ni Vera ang Sithe. Naging abo ang kalahati sa mga kalaban n'ya. Ang anim na magkakapatid ay tila nasisiyahan dahil sa mga makasalanang kaluluwa na nahihigop nila.

"AAAAAAAHHHH" Hiyaw ng mga kalaban ni Vera. Napaluhod ito sa lupa. At unti-unting nagiging abo. Lumutang papataas si Vera. Naging mas matingkad ang pula nyang mata. At tila mas lumalim ang itim nyang mata. Itinaas n'ya ang sithe. Biglang dumilim ang paligid maging ang pulang buwan ay natakpan ng ulap.

"Napakalakas nya." Bulong ng haring si Xenon. Habang nasa loob sila ng deorc barrier na gawa ni Vera. Natatakot sila para kay Vera. Pero wala silang magawa. Wala silang mahika. Kinuha ito ni Luciana. Nakatitig lamang sila kay Vera na nababalot ng napakaitim na Pwersa nanagpapakilabot sa kanila.

"Deadly Sins. Ilayo nyo ang lahat ng lioht users dito. Ako ng bahala dito." Tinugon naman ito ng anim. Lumapit ang anim.

"Aalisin namin kayo dito." Ani ni Lust.

"P-pero si Ver--" nahinto ang sasabihin ni Hyro ng magsalita ni Pride. ;

"Kaya ni Vera ang laban na ito. Mas malakas s'ya sa inaasahan n'yo." Malamig na sambit nila. Sa isang iglap nasa isang ulap na sila sa  Aēra Palace.

Biglang may lumitaw na napakalaking salamin kung saan nakikita nila ang nangyayari mula sa labanan. Mas tumindi ang itim na pwersa na nababalot kay Vera. Naging purong pula ang buhok nito. Naging tila itim na ugat na damit nito. At ang mukha nito ay tila kalahating bungo na.

Malamig na tinignan ni Vera ang iba pang kalaban. Mabilis n'yang ipinitik ang daliri at sa isang iglap ay naging abo ang mga ito. Hanggang ang matira ay si Lucian, Lucian at Dustin.

"Dustin labanan mo sya." asik na utos ni Luciana kay Dustin. Sumugod naman agad si Dustin na tila wala ito sa kanyang sarili.

"Dustin." malamig na bulong ni Vera. Pero parang walang maririnig si Dustin. Inatake nya si Vera ng apoy pero agad din itong naglaho. Patuloy ang pagsugod ni Dustin pero wala lang ito kay Vera. Nang-aatake pa sana si Dustin. Biglang naglaho sa harapan nya si Vera. Lumipat sa likuran nya si Vera at hinihipan ang tenga nito. Biglang nawalan ng malay si Dustin. At biglang sumulpot si Envy at hinawakan si Dustin at naglaho sila.

Hinarap ni Vera ang dalawa na may malamig na titig.

"Isa ka ng halimaw Vera." Asik ng ama nya.

"Mas masahol kapa sa halimaw lucian." ani ni Vera.

"Ama mo ako Vera---" Natigil ito ng magsalita si Vera.

"Hindi ako ang anak mo lucian. Si Lucy ang anak mo. Simula ng pagtangkaan mo akong ipapatay hindi na ikaw ang ama ko." Ani nito. Susugod na sana si Vera ng biglang lumitaw ang kaluluwa ng ina nya nakakadena ito at hawak ni Lucy.

"Sige umatake ka. Magiging abo ang kaluluwa ng ina mo at hindi na ito muling mabubuhay ulit sa susunod na buhay nya." Asik nito.

Vera Lyrif Verona

Nanigas ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Napatitig ako sa kaluluwa ni ina. Naiyak ito.

"Anak! Ayos lang. Talunin mo sila." Ani ni ina.

"Ano vera? hahayaan mo bang hindi makatawid sa susunod ng buhay ang iyong ina." Tanong ni Lucian. Lumandas ang luha ko. Tinitigan ko si Ina. Kita ko ang pagod sa mga mata nito.

TWISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon