Lioht Princess

20 4 0
                                    

Vera Lyrif Verona

Papunta kami sa lugar na nakita ko sa visio ko hindi ko alam kung paano pero nangyari. Madilim na. Maliwanag na maliwag ang puting buwan.

"Anong nakita mo nung natutulog ka vera?" tanong ni Erfie.

"Wala naman." Sagot ko. Mas mabuting hindi nila alam. Si Hyro sulyap ng sulyap pero hindi nagsasalita. Apat na araw daw akong tulog. Natatakot na akong matulog baka hindi na ako magising. Natingin ako sa palingin ng makaramdam akong ng pwersa.

"Did you feel it guys?" Tanong ni Allica.

"It's like a Lioht and Deorc users." Saad ni Ivo. Lalong bumilis ang pagpapatakbo ng sasakyan. Huminto ang sasakyan sa isang maliit na bahay. Agad kaming tumakbo papasok. Pagpasok namin ang daming Deorc users. Nakipaglaban kami.

"Vera, puntahan mo sa loob ang prinsesa." Utos ni Allica sa akin tumango ako at pumusok sa bahay lalong lumakas ang lioht user na pwersa. Sa pagpasok ko sa pinanggagalingan ng pwersa napahinto ako nung nakita ko kung sino ang lioht user na iyon. Gintong mata, Gintong buhok at ngisi sa labi. Ang pumatay sa ina at kapatid ko. S'ya lang mag isa sa loob ng silid. Nandilim ang paningin ko.

"IKAW" sigaw ko tumakbo kami pasigod sa isa't isa. Sa pagdikit namin biglang may pwersang tumulak saakin at sa kanya. Tumama ako sa pader at ganoon din s'ya. Saktong pagpasok ng mga kasama ko. Agad nilang nilapitan ang babae. Magsasalita sana ako na kalaban ito ay naudlot ng narinig ko ang sinabi ni Dustin.

"Princess!" S-s'ya? s'ya ang prinsesa ng lioht kingdom? nang buong magique world?  yung pumatay sa pamilya ko ay ang prinsesa.

"Vera ayos ko lang?" doon ko napansin na nasa harapan ko si Afira at Varon. Tumango ako. Pilit akong tumayo kahit nangingirot ang katawan ko.

"D-dumudugo tagiliran mo Vera." Saad ni Afira. Doon ko naramdaman ang sakit.

"Ayos lang ako." Nauna na akong lumabas. Gusto kong patayin ang babaeng iyon kaso ako ang dehado. Lumabas narin sila. Walang malay ang babae.

"Ayos kalang Vera?" tanong ni Hyro. Ngayon lang ata nila ako napansin.

"Oo." sagot ko. Pilit kong hindi iniinda ang sugat sa tagiliran ko.

"Anong nangyari vera bakit walang malay ang prinsesa at ikaw para kang inatake ng kung ano?" Tanong ni Wisky.

"May mga D-deorc users na umatake samin dalawa." Saad ko. Tumango sila at naniwala sa sinabi ko. Nang makarating na kami. Nauna na silang pumasok. Nagpunta muna ako sa may garden ng mansion. Humiga ako sa damuhan habang hawak hawak ang sugat ko. Tumingin ako sa langit napakaganda ng buwan isama mo pa ang mga sterre ( stars) sa taas.

"Andito ka pala." Hindi na ako lumingon alam kong si Hyro yun. Naramdaman kong umupo ito sa may tabi ko. Hindi ko sya tinignan.

"Anong meron? bakit parang may kakaiba sayo?" tanong nito. Tanong na nagpakirot sa loob ko. Yung pumatay sa mahal ko sa buhay nasa loob ng mansion. Ilang metro lang ang layo saakin. Pero wala akong magawa.

"Hey? Vera are you okay? why are you crying?" Kinapa ko ang pisngi ko. Gusto kong matawa naiyak ako. Bakit? kasi nasasaktan ako. Nalulunod ako sa sakit.

"Hey, May sugat ka." asik nito. Nang makita ang nagdurugo kong tagiliran. Tinanggal nya ang kamay kong nakalapat doon.

"Kaya kaba maiyak kasi masakit?" Hindi ako sumagot. Nakita ko ang pag-aalala ni Hyro. Biglang nagliwanag ng kulay asul ang kanang kamay n'ya at nilapat sa sugat ko. Naramdaman ko ang lamig ng palad n'ya. May kung emosyon akong naramdaman. Nawala ang kirot ng sugat ko. Pero patuloy parin ang luha ko. Humarap saakin si Hyro.

TWISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon