Vera Lyrif Verona
Pilit kong binubura ang imahe sa utak ko. Pero wala. Mabilis parin ang tibok ng puso ko. Pagkatapos ng tagpo na yun. Nagteleport ako pabalik ng silid ko. Hindi ako lumabas para kumain. Tinignan ko ang orasan na nakadikit sa pader ko eleven na ng gabi. Nasabunutan ko ang buhok ko sa inis. Kinuha ko ang libro ng Deorc Eidenai. Alam kong tulog na silang lahat. Mabilis akong nagteleport papunta sa may talon. Lalo akong namangha sa ganda. Kita kitang ang mga glowing flowers. Ang kulay ng talon na tila kimikislap may mga alitaptap din sa paligid. Ang lugar na ito ay mahahalintulad sa isang paradis (pardise). Humiga ako sa mamlabot na damo. At bibuklat ang libro.
Deorc Cōntenēre (Dark continent)
The world for Deorc users. Before it was find in the land. But after the war between the lioht and Deorc. It's vanished. No one knows where it is. The God of darkness. Deus Aìdes hide it to the beneath of the deepest that no one can see.
Sinarado ko ang libro pagkatapos basahin ang pahina ng libro. Ginawa ko itong unan. Nakaramdam ako ng lungkot dahil ang lugar na kinabibilangan ko ay hindi ko pala makikita. Napatitig ako sa asul na buwan. Napakaganda nito. Itinaas ko ang kamay ko na para inaabot ang buwan. Nakaramdam ako ng kapayapaan sa tulong ng buwan. Ito ang paborito kong bagay sa mundong ito. Para nitong tinatawag ang pangalan ko sa gitna ng katahimikan. Para akong kinakantahan ng liwanag nito.
Napatayo ako bigla. Nag iba ang ihip ng hangin naging nakakakilabot. Napatingala ako sa buwang.
"H-hindi" bulong ko. Naging kulay pula ito. At may tila boses sa malamig na ihip ng hangin.
As a red moon rise
The war is began
See you little one
You will die in my handNaimulat ko ang mga mata ko. Para akong nalunod kung saan. Tinignan ko ang paligid. Nakahinga ako ng maluwag ng asul parin ang buwan. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Mabilis akong nateleport pabalik sa silid ko. Tinago ko ang libro. Napatingin ako sa sobre na sulat ni Varon. Agad ko itong binuksan at sa pagbukas ko lumutang ito.
Dear Babe,
See you soon. I still have a debt to you. You own me big time for winning at the ranking. I can't talk to you. Prince Hyro will kill me. I'm waiting for your requests. See you again my lady.
Varon pogi.
Napailing ako sa nabasa ko. Mabilis din itong maglaho. Pinili kong mahiga nalang ulit sa kama ko. Bigla akong nanlamig at lumabo ang paningin ko. May mga imaheng pumasok sa utak ko. Sa bawat imahe ay lumandas ang luha ko. Kumirot ang dibdib ko. Nang bumalik sa normal. Mapahawak ako sa dibdib ko.
"M-matatalo ang lioht." bulong ko.
***
Maaga akong bumangon. Bumaba ako sa kusina. Andoon narin si Afira. Malungkot ang aura nito. Naalala ko ang nakita ko kagabi. Napakagat ako ng labi.
"A-afira." Humarap ito saakin. Agad itong tumayo at niyakap ako.
"V-vera natatakot a-ako." bulong nya. Tinapik ko ang likod n'ya.
"Hindi kita papabayaan Afira." bulong ko. Naramdaman ko ang paglandas ng luha nito sa balikat ko.
"Lalaban tayo Afira." bulong ko. Kumalma naman ito. Nakaupo lang kami sa living room ng bumaba na sila lahat. Mga bagong gising. Kapansin pansin ang eyebags ni Hyro. Pumunta silang kusina. Tapos na kami kumain ni Afira. Napatingin ako sa pinto ng may kumatok. Tumayo si Afira at binuksan. Pagbalik ni Afira kasama na nya ang headmaster.
"Princes, Princesses, and Ladies." Nasa harapan namin s'yang lahat. Sila Erfie nakain pa.
"What's going on headmaster?" tanong ni Lucy. Kita sa aura ng headmaster ang problema.
"May bagong Visio nakita si Apo Hrowie. Malapit na ang pagsapit ng pulang buwan." Napatigil kaming lahat.
"Kaya nagpadala ng sulat ang Hari at Reyna ng Lioht palace. Kailangan nyong umuwi sa inyo inyong palasyo para magsanay. Pero napagdesisyonan ng councils na lahat kayo ay sabay sabay tutungo sa bawat palasyo hanggang makarating kayo sa Lioht palace. Para mabless kayong lahat ng mga hari at reyna." Mahabang pahayag nito.
"Lalo na kayo Elementals kailangan nyong makausap ang mga Deus na pumili sainyo. Kailangan nyo ng lakas." Ani pa nito.
"Ngayon ang byahe nyo papuntang Erthe world. Sa Erthe Palace." Anunsyo nito.
Walang nagsalita pero nararamdaman ko ang takot at galit nila sa darating na digmaan. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Magagalit ba ako dahil ayoko ng digmaan?. O matatakot dahil baka ako ang Deorc seed na baka ako ang kalaban?. Iniisip ko palang. Hindi ko na kakayanin. Hindi ko sila kayang saktan. At mas lalong hindi ko kaya silang talikuran. Pinilig ko ang ulo ko. Hindi at kahit kailan hindi mangyayari ang nasa isip ko.
Yes I'm a Deorc User but I know deep inside of me. My heart shouting for Peace of this world. Kung lalaban man ako ay para sa lioht.